[2] I. Don't. Like. Her

2.8K 85 4
                                    


~••••••
Chaerin's POV

Kinukwentuhan ako ni Mr. YG, (yun na lang daw ang tawag ko sa kanya) tungkol kay Jiyong -_- Pero may iba eh, and layo ng ugali ng Jiyong na nakilala ko sa kinukwento niya ngayon. Masungit daw saka may pagka-suplado, maarte din daw manamit at ayaw ng pinaghihintay.

Bakit kaya?

"Kapag---" Hindi na niya naituloy ang dapat niyang sasabihin nang bumukas ang pinto at niluwa ang lalaking kanina pa namin hinihintay.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

*dug-dug* *dug-dug*

Eh?

A-all black... Mukha siyang namatayan.

"I'm late, I know." Di man lang ba siya magso-sorry? Siya na nga late siya pa 'tong masungit.

"It's okay. By the way, kaya kita pinapunta dito para ma-meet mo ang magiging P.A. mo. So, Jiyong, this is Chaerin...Chaerin, this is Jiyong." sabi ni Mr. YG

Nagkatinginan kaming dalawa. Nakatingin siya sa akin na parang wala lang. Yung emotionless kung baga? Nagtaka naman ako.

Nagbago na ba talaga siya? Nakakalungkot naman kung ganun..

Tumingin siya ulit kay Mr. YG, "I don't like her."

T-teka lang naman!

"But she----"

"I. SAID. I DONT. LIKE HER."

'I don't like her'? He doesn't like me?

Eh, pero ako nga dapat ang umayaw sa kanya eh! Ako dapat!

Napatingin sa akin si Mr. YG na parang nagso-sorry. Malamang, di siya pwedeng mawala sa kompanya na ito kaya ako ang mag-aadjust.

"If we're done, I'll go. I have more important things to do." Tapos umalis na siya na walang paalam.

"Chaerin, i'm sorry."

Ayaw niya sa akin bilang P.A. at ayaw ko rin siyang maging kasa-kasama ulit. Ayaw ko nga ng trabahong 'to eh, pero bakit ako nalulungkot? At...nanghihinayang?

Sus. Ayoko lang talaga ibaba ang pride ko, ano ba kayo? Isa pa, ako nga dapat ang may ayaw diba? Ako!

"Pwede ko na muna siyang kausapin? Baka mapilit ko siya. Please?" Nagmakaawa ako sa dahilang..di ko alam. Basta ang alam ko...dapat mapapayag ko siyang maging PA niya ako.

At kapag pumayag na siya, ako naman ang aayaw. Ipapamukha kong hindi siya kawalan!

Pero...

"Sure, pero...wag mong hahayaan na mawala siya. He's important, remember." Tumango lang ako at lumabas na.

Nakita kong napatayo si Bom nang makita ako. "Chaerin,"

"Nasaan siya?" Di ko alam kung nagets ba niya yung tanong ko pero may tinuro siyang daan palabas. Nakita ko naman si Jiyong na papunta na sa may parking lot kaya tumakbo ako papalapit sa kanya.

"Jiyong!!!" Napatingin naman siya sa akin at ang kasama niya. Tinignan niya ako ng masama.

"Jiyong, wait!" Hinihingal akong tumigil sa harap niya. Nagpaalam naman na aalis ang kasama niya.

Kami na lang tuloy ang naiwan.

"What do you need?!" naiiritang tanong niya.

"Teka, wala na na talaga akong pag-asa sayo? I mean sa trabaho ko sayo? Please pumayag ka na, kakalimutan ko na lang lahat ng nangyari dati sa ating dalawa at sa lahat ng nasabi natin sa isa't-isa---"

"You know me?" Napahinto naman ako sa tanong niya.

"O-oo naman...bakit?" takhang tanong ko. Haay..naku-curious na talaga ako sa inaasta niya sa akin. Parang di niya ako kilala ah!

"Who are you then? How did you know me? What is our connection?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Ha? Teka! Diba ex-gi----"

"Magka-away kayo dati!" Pareho kaming napatingin kay Bom.

Ano?!

"And who are you?" Tanong din niya kay Bom. Seriously? Pati si Bom tinatanong niya? Eh sobrang close nga nila noon na parang mag-ate lang eh.

"Uhm, I'm Bom, bestfriend ako ni Chaerin. Kaya naman may alam ako tungkol sa past life niyong dalawa. Mortal enemies kayo noon." sabi ni Bom. Lumapit ako sa kanya ng kaunti.

"Ano bang sinasabi mo?" Bulong ko.

Hinila ako ni Bom ng kaunti at bumulong. "Basta, sumakay ka na lang." Hindi ko alam kung anong na singhot ng babae na to pero susundin ko na lang.

"Now, how did you know me?" tanong agad ni Jiyong pagbalik namin.

"I will tell you, kung tatanggapin mo si Chae bilang PA mo." diretsyong sabi ni Bom.

Ah...ibig sabihin binibigyan niya ako ng pabor? Pero kung pabor...bakit kailangan mortal enemies pa? Pwede namang sabihing kami noon ah?

Wala naman na 'yun sa akin. Moved on na ako 'no!

Pero saglit. Tatanggapin? O Tatanggapin?

No choice naman kasi si Jiyong eh. You know, bakas sa mukha niyang super duper curious siya.

Eh kahit naman ako curious eh. Curious kung anong iniisip at binabalak ni Bom.

Pero sana talaga tanggapin na niya ako bilang PA para naman makabawi ako sa mga balde-baldeng luha na iniyak ko sa kanya noon!

Sayang eh.

Napabuntong hininga naman si Jiyong.

"Do I have a choice?" bored na tanong niya kay Bom.

"Oo, meron." mataray na sabi ni Bom. Ano ba talagang nangyayari? Nao-OP naman ako /('>.<*)\

"Tatanggapin mo si Chae o tatanggapin mo si Chae. Dalawa lang 'yan. It's your call."

"What if I say no?"

"Edi NO din. Madali naman akong kausap. Tara na, Chae."

Nagsimula na kaming maglakad paalis ni Bom. Hinihila niya ako. Pero wait! Paano na yung plano ko?! Kailangan kong mabawi ang mga luhang iniyak ko!

"Bom--"

"Maghintay ka. Magiging PA ka rin niyan."

Paano nga ako magiging PA kung aalis kami? Haay..ang gulo ni Bom kausap.

Pero..posible nga naman. Kung..kung hahabulin kami ni Jiyong. Pero imposible rin kasi--

"FINE."

Occupation: My EX's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon