Weeks later..
"Yeah, yeah...later. okay...I'll hang up now..yeah. bye."
Sinundan ko ng tingin si Jiyong na kanina pa di mapakali. Kanina pa siya palakad-lakad sa harap ko, paikot-ikot habang may kausap sa phone.
"Ang busy mo yata ngayon?" tanong ko sa kanya pagkababa ng tawag.
"Trabaho." tipid niyang sagot bago sagutin ang isa pang tawag sa kanya. Nagkibit-balikat na lang ako at kumain ulit ng mangga...pero walang bagoong. Hinog tong kinakain ko eh hehe.
Pero bigla na lang akong napasimangot. Naalala ko tuloy nung first monthsary namin saka yung mga araw na nasa Hongkong pa kami. Ang asikaso niya sa akin noon. Halos lahat ng oras niya nasa akin na. Kumbaga, kulang na lang eh hanggang sa pagpasok ko sa banyo samahan niya pa ako at alalayan. Tapos sobrang gentle niya pa noong gabing gi---I mean, ang gentleman niya.
Pero ngayon, nalipat lang kami sa Paris, naging sobrang busy na niya. Kakausapin lang niya ako kapag may tinanong ako sa kanya. Sa sobrang busy nga niya parang kulang na lang pauwiin na niya ako mag-isa para di ko na siya maistorbo sa trabaho.
"*sob* nakakatampo...ayoko na nga." sabi ko sabay layo ng mangga sa akin. "Bakit nga ba kita kinakain? Ayaw ko nga sayo diba?" inis kong sabi sa mangga.
"Bakit ka umiiyak?!" napatingala ako kay Jiyong at sinamaan siya ng tingin.
"Hindi ako umiiyak!" sigaw ko.
Biglang kumunot ang noo niya at tinignan ako at ang kinakain ko bago bumuntong hininga. "Sabi ko naman kasi sayo, wag mong pilitin ang sarili mo kung ayaw mo. If you don't like to eat those mangoes, then don't. Wala namang pumipilit sayo." sabi niya pa at akmang kukunin yon nang paluuin ko ang kamay niya.
"Sinabi ko bang kunin mo?" inis kong sabi sa kanya.
"Tss. Ano bang problema mo?" inis niya ring tanong sa akin.
'Ikaw! At yang trabaho mo! Nakakainis ka!'
Gustong gusto kong sabihin sa kanya yan pero di na lang. Lalo lang akong naiyak. Psh. Bakit nga ba ako umiiyak?
"Ang pangit kasi ng asawa ko..." bulong ko..
"What?! Did you just sai--" di ko na lang siya pinansin dahil nagring na naman ang cellphone niya.
Nakakainis. Dapat yung trabaho na lang niya ang pinakasalan niya o di kaya yung cellphone niya!
***
Minulat ko ang mata ko at tumingin sa paligid. Napatingin ako sa orasan sa gilid. 4:17, hapon na pala. Bumangon na ako at pumasok sa cr para mag-ayos. Paglabas ko, naabutan ko si Jiyong na may tinitignan sa laptop niya. Napatingin din siya sa akin at agad na sinara ang laptop niya.
"Hey.." lumapit siya sa akin at tinignan ako sa mata. "Okay ka lang ba?" alala niyang tanong.
"Bakit, may sakit ba ako?" tanong ko rin pabalik.
Tumawa lang siya at niyakap ako. "Hindi ka kumain kaninang tanghalian. Gusto mong kumain?" tanong niya.
"Hmm? Kumain naman ako ng mangga kanina ah? Naalala mo?"
"Ah yeah, naalala ko nga.." sabi niya at hinarap ako sa kanya. "Kailan ka pa nahilig sa hinog na mangga? Akala ko ba mas gusto mo yung hilaw?"
Kinibit balikat ko lang siya at nginitian. "Nagugutom na ako." sabi ko.
"Ano bang gusto mong kainin?"
"Hmm..."
"Seryoso ka bang gusto mo rito kumain?" kunot noong tanong ni Jiyong na sinagot ko naman ng tango.
Huminga ako ng malalim para amuyin ang paligid. "Ang bango.." sabi ko at hinila papasok si Jiyong sa loob ng isang coffee shop.
"Dito mo gustong bumawi ng pananghalian mo? I thought, gutom ka." comment niya at naupo na sa isang upuan katabi ng akin.
"Gusto ko ng cookies at dark chocolate cake...saka manggo shake." sabi ko. Yii~?naglalaway na ako sa naiimagine kong pagkain. "I-order mo ako." utos ko kay Jiyong.
"Ako? Bakit ako?" tanong niya habang nakaturo sa sarili niya. "Kasi gusto ko. Please? Oppa.."
"Fine." sabi niya at tumayo na para umorder. Tumingin-tingin ako sa labas. Maliwanag pa naman pero anong oras na rin siguro.
"Here,"
Kinuha ko na agad ang mga pagkain at sinumulang ubusin yon. Grabe. Di naman ako gutom, pero bakit ang sarap ng cake saka ng cookies eehh tapos yung manggo shake pa...
"Bilisan mo, may pupuntahan pa tayo." di ko na lang pinansin si Jiyong at kumain pa rin. "Hey, sabi ko bilisan mo lang. Hindi ko sinabing diretso lunok ang gawin mo. Baka mabuluna--here!" napatayo si Jiyong at inabutan ako ng juice na iniinom niya.
"Pwe!" halos masuka ako sa lasa ng juice. "Ano bang flavor niyan? Rotten Egg?!" lasang ewan.
"It's apple."
"Whatever." sabi ko at tinuloy na lang ang pagkain.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Jiyong. "At bakit kailangang magbihis pa ako ng ganito?" sabi ko habang tinitignan ang suot kong white dress.
"Nandito na tayo." sabi niya at naglakad na. Napatigil naman ako at tinignan ang paligid. Flowers..red carpet...pari at...at..
"M-mommy...Daddy.." hinawakan ako ni Jiyong sa kamay at sabay kaming naglakad. May isang babae na nag-abot sa akin ng bouquet ng red and pink roses.
Nagtataka ako..pero mukhang alam ko na kung anong mangyayari.
"Mom..Dad.." sabi ko nang lumapit sila sa akin. "Andito kayo.."
"Ofcourse. We'll always be here for you.." sabi ni Mommy.
"Yeah, I don't wanna miss this...again." sabi naman ni Daddy. Napayakap ako sa kanila. Nang bumitaw ako, nginitian naman nila si Jiyong.
Hinawakan na ako ni Jiyong sa kamay at naglakad papalapit sa pari.
Yes, kinasal ulit kami. Pero di gaya noon, siguro mas espesyal ngayon.
Nandito na ang mga magulang ko...
Napatingin ako kay Jiyong na nakatingin din pala sa akin. "Ito ba ang kinabubusy-an mo kanina?" tanong ko.
"Oo, gusto kong masiguro na magiging perfect to para sayo..gusto kong nandito ang mga magulang mo. I love you, Chaerin."
"I love you too."
Sa araw-araw, wala akong ibang gustong makasama kundi ikaw lang, Jiyong. From Sunrise to set...
Kumpleto na ako. Kumpleto na ang buhay ko..
Isa na lang ang kulang...
Kailan kaya kami magkakaanak?
BINABASA MO ANG
Occupation: My EX's Personal Maid
FanficName: Chaerin Lee Age: 22 Hometown: Manila, Philippines Gender: Female Civil Status: Single Occupation: ..... . . . MY EX'S PERSONAL MAID (>_<") Written by: Darkest_Senyorita (January 20, 2016)