Get ready for this chapter, guys.
By the way, I miss you!
***
Chaerin's POV
No cellphones.
Grounded.
No care.
No trust.
No more communication.
At ang pinakamahirap at pinakamasakit sa lahat?
No more Jiyong.
Habang suot-suot ko itong white mini-dress ko, akala ko magiging masaya ako. Pangarap ko ito eh. Yung magsusuot ako ng puting dress para sa engagement party at white gown sa kasal.
Pero tingin ko, imposible na yun ngayon.
Papunta na nga ako sa engagement eh. Sarili kong engagement party.
Isang linggo pa lang naman ang nakalilipas pero feeling ko sobrang tagal. Yung feeling na sa loob ng isang linggo na yon, wala akong ginawa kundi hintayin siya araw-araw. Hintayin siyang dumating at sabihin ipaglalaban niya ako.
Pero di naman siya dumating.
Siguro, hanggang doon na lang. Dapat ko na lang tanggapin na hindi kami ang nakatadhana sa isa't isa. Pangalawang beses na kaming naghiwalay. Pero tingin ko, mas masakit ngayon. Kasi di man lang niya ako pinaglaban.
"Let's go." cold na sabi ni Kris at lumabas na ng kotse.
Sumunod ako sa kanya. Maraming tao ngayon dito, marami ding taga-media dahil inannounce ni Daddy sa lahat.
Nandito rin ang mga kaibigan ko. Lahat sila present, si Jiyong lang ang wala.
Sabagay, kung siya ang nasa posisyon ko at ikakasal siya sa iba, tanga kong sobra kung pupunta ako diba?
Nagsimula na ang party. May mga entertainer muna sa stage. Pero wala akong ganang manood.
"Hi.." bati ko nang nakangiti pagpunta ko sa table nila Bom.
Hindi nila ako sinagot pero tumayo sila para yakapin ako. Niyakap ko rin sila nang sobrang higpit. How I miss them..
"Wag mo nga kaming i-hi-hi diyan! Ngingiti-ngiti ka pa...mas matutuwa pa ako kung iiyak ka sa harap namin!" naiinis na sabi ni Dara at mahina akong pinalo. Niyakap niya ako ulit.
"Atleast alam ko na hindi ka okay kaysa pinaplastik mo yang sarili mo.." sabi niya pa.
Umupo na din ako sa table nila. Nandito silang lahat. Sina Bom, Dara, Minzy, Jennie, Taeyang, si Kuya Mark, at si Daesung...
"Kamusta?" tanong ni Taeyang na pa-casual na nakangiti sa akin.
"Tinanong pa.." bulong ni Dara sabay irap.
"Okay lang ako...tingin ko." sagot ko pero kahit ako ayaw kong maniwala.
"Namiss ka namin, Chae.." sabi ni Minzy.
"We're here para sa'yo, Unnie. We love you nang sobra!"
Feeling ko gusto ko na naman umiyak. Bakit ba ang bait bait nila? Ano bang nagawa kong mabuti para bigyan ako ng mga kaibigang tulad nila?
"Insan, tahan na. Pangit ka na nga, baka maging kamukha pa kita sa kakaiyak mo sige ka." hinampas ko naman si Kuya Mark.
"Tuloy na ba talaga ang kasal?" tanong ni Daesung. Tumango naman ako.
"Paano na si Jiyong?"
Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin matapos ng tanong na yon.
Paano na nga ba?
BINABASA MO ANG
Occupation: My EX's Personal Maid
FanfictionName: Chaerin Lee Age: 22 Hometown: Manila, Philippines Gender: Female Civil Status: Single Occupation: ..... . . . MY EX'S PERSONAL MAID (>_<") Written by: Darkest_Senyorita (January 20, 2016)