[21] Trip

1.7K 71 16
                                    

Dedicated to: sandraheartfillia

Thank you sa pagbabasa! Akala ko nagbibiro ka lang na binabasa mo 'to. Haha pero thank you talaga! Miss ko na kayo~~!

*****

Chaerin's POV

Napaupo ako agad.

Kaibigan siya ni Kuya Mark? Pero...alam naman ni Kuya Mark na...

Di bale na nga. Sabi ko nga. Di ko na dapat damahin 'yon. Damahin talaga? Ang makata ko na, nababaliw na ako.

Boss ko lang si Jiyong. PA niya lang ako. Wala ng iba pa.

"Chae..."

"Bakit?" tanong ko kay Kris.

"Wala...wala. Gusto mong matulog? Maaga pa naman ng konti eh,"

"Sige,"

Dapat nga siguro matulog na lang ako.

Pinikit ko ang mga mata ko para matulog. Naramandaman ko na may humawak sa ulo ko. Napadilat ako, nilagay lang pala ni Kris 'yong ulo ko sa balikat niya.

"Para di ka mangalay," bulong niya.

Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ba ang bait ni Kris? Sana noon pa lang napansin ko na siya. Edi sana siya na lang boyfriend ko ngayon.

Eh? Ewan ko. Itutulog ko na lang 'to.

Jennie's POV

What's going on this world ba? They are so kakaiba today. Ugh...let me rephrase that. Since no'ng sumakay lang pala kami inside this van.

Bom Unnie and Mark Oppa are nagbubulungan. They are like bubuyogs..I can't hear eh. But I think, they are seryoso sa pinag-uusapan nila.

Si Kris Oppa naman, he looks like he's mad. His kagwapuhan tuloy is fading na. Chaerin Unnie is still in shock. Maybe it's because of Jiyong Oppa.

Dara Unnie is so tahimik din. I know she's tahimik talaga pero, this is different kaysa dati. I wonder why?

Then...there's Minzy Unnie. She's weird din. She keeps on murmuring something like... 'Ang gwapo niya talaga...' then her face will turn into super pula like kamatis or what so ever.

But I'm here. Just sitting pretty. Cooling myself.

They're so weird ( ̄. ̄)

Bom's POV

"Hoy, bakit hindi mo sinabi sa'kin na sila pala 'yong mga kaibigang sinasabi mo?" pabulong kong tanong kay Mark.

Lumingon ako sa likod tapos umiling.

May tensyon na dito sa loob ng sasakyan. Mga tahimik silang lahat sa likod pero halata mo na hindi sila mga komportable.

"Malay ko bang magiging gan'yan reaksyon nila? Akala ko okay lang eh." pacool niyang sagot. Grabe, parang okay na okay lang talaga sa kan'ya.

Mahina lang ang usapan namin ni Mark. 'Yong tipong, kami lang nakakarinig.

"I'm just helping you. I heard about your plan."

Nilingon ko siya sa sinabi niyang 'yon.

Saglit din siyang tumingin sa akin tapos sa daan.

"Kaya nga pinagsisinungaling mo si Chae, diba? Ginagawa mo kasing biro eh, ang laki kaya ng epekto sa buhay nilang dalawa 'yong gagawin niyo."

Napayuko ako sa sinabi niya. Totoo naman kasi...pero ayoko lang masaktan ang kaibigan ko, kapatid na nga turing ko sa kanya.

"'Wag kang mag-alala, kinausap din nila ako. Sinabi nila sa akin ang plano mo... Niyo.  Tutulungan kita... Ilalayo natin si Chae kay Jiyong." seryoso niyang sabi.

Occupation: My EX's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon