A/N: Basahin niyo po 'yung IMPORTANT NOTE ko sa dulo ng chapter na 'to ha? Ha? Hehe..importante po 'yun.
BTW, update is here!!
***
Kris' POV[Ingat kayo ni Chae ah? Sige na, pai-pai!]
"Yeah, thanks for the concern. Haha! Iuuwi ko na din siya. Bye."
Pagkatapos kong sabihin 'yun kay kina Minzy, bumalik na ako sa loob ng restau. Pero pagbalik ko...
"Chae?"
Nasaan na si Chae? Napatingin ako sa kabilang lamesa, wala na din si Jiyong. Pero nandun pa rin ang babaeng kasama niya.
Napahilamos na lang ako ng mukha. Palabas na sana ako ng restau nang may humawak sa braso ko at pinigilan ako.
"Pwede ba kitang makausap?...Kris?"
Chaerin's POV
"Teka, Jiyong...tama na 'yan! Nakakarami ka na oh!"
Nakaupo kaming pareho sa sahig at kanina ko pa siya inaawat sa pag-inom. Ang tatapang pa ng mga iniinom niyang wine. Puro 10% alcohol pataas eh.
"Sabi ng tama na eh!" inagaw ko sa kanya ang bote ng wine.
Tignan lang niya ako. Poker face pa talaga, tapos di na niya ako pinansin.
Wow! So siya pa ang galit?!
"Ano bang problema mo, Jiyong?!" inis na tanong ko sa kanya.
Di pa rin niya ako pinansin. "Tinatanong kita! Bakit ba ganyan ka?! Anong problema mo?"
"Jiyong ano--"
"You." sagot niya.
You? Ibig sabihin ako? Ha! At ako pa ngayon?
"Anong ako? Bakit ako?" tanong ko.
*dug-dug* *dug-dug*
Tinignan niya ako ng mata sa mata. Feeling ko, pati kaluluwa sa loob ng katawan ko nakikita niya sa tingin niyang yan eh.
"You answer, why you?" tanong niya pabalik.
Napailing na lang ako. Tumayo na ako at tumalikod sa kanya. "Wala akong panahon sa mga palaisipan mong ganyan. Babalik na ako doon. Baka hinahanap na ako ni Kris."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makarinig ako ng pagbasag ng kung ano.
Pagharap ko kay Jiyong, nakita kong basag na ang wine glass na hawak niya kanina. Dumudugo na din ang kamay niya.
"Jiyong!" tumakbo ako papalapit sa kanya para tignan ang kamay niya pero nilayo niya lang sa akin. Lumuhod pa ako sa harap niya para magkapantay kami.
"Jiyong ano ka ba?! Akin na kamay mo dali, patingin na! Baka maimpeksyon yan at lalong sumakit--"
"What do you know about being hurt?"
Natigilan ako sa tanong niya. Being hurt? "Bakit, ano ba akala mo sa'kin? Manhid?"
"Then, why can't you feel what I feel? Why can't you feel how hurt am I?!"
*dug-dug* *dug-dug*
Lumayo ako ng kaunti sa kanya. Ewan ko na. Ayoko na dito pati ng nararamdaman ko. Mabuti pang umalis na lang ako..."mukhang kaya mo na ang sarili mo, mauna na a--"
Literal na nanigas ako sa kinaluluhuran ko.
"J-Ji..yong..Jiyo--ng..hmm.."
Napatugon ako. Sa bawat halik niya...para akong inuubliga na sumabay.
BINABASA MO ANG
Occupation: My EX's Personal Maid
FanficName: Chaerin Lee Age: 22 Hometown: Manila, Philippines Gender: Female Civil Status: Single Occupation: ..... . . . MY EX'S PERSONAL MAID (>_<") Written by: Darkest_Senyorita (January 20, 2016)