[49] Back Home

431 11 0
                                    

Chaerin's POV

Napahinga ako nang malalim bago buksan ang pinto ng bahay. Bumungad agad sa akin ang asawa ko at si Kiko na nakangiti sa kin.

"Chae.." lumapit agad sa akin si Jiyong at niyakap ako. Pero nanatili lang akong nakatayo at hindi makagalaw.

Shit.

Gustong gusto kong sabihin sa kanya na sobra saya ko...kasi madadagdagan na kami..pero...tuwing naalala ko sila ni Kiko kagabi..

"Saan ka ba nanggaling? Alam mo bang nag-alala ako? Bakit di ka nagpaalam sa akin?" lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa akin "Don't you dare leave me again."

Humiwalay ako sa kanya at tinignan si Kiko. "Akala ko kasi, kailangan niyo ng oras ni Kiko. Nakakahiya naman at baka maistorbo ko pa kayo."

"What?" tanong ni Jiyong.

"Pwede ba, Jiyong? Wag na tayong magpanggap dito! Alam ko nang niloloko niyo ako ni Kiko. Narinig ko kayo kagabi...may pinaplano kayo..pinag-uusapan niyo ako..mga sinungaling kayo.." sabi ko habang umiiyak. Maya-maya pa, nakarinig ako ng tawa.

Napatingin ako kay Kiko. Talaga nakuha niya pang tumawa?

"Pinagseselosan mo ba ako, Chaerin?" tanong nito sa akin.

"Bakit, totoo naman diba? Hindi ka lang basta katulong dito..at alam ko na yun." matapang kong sabi.

"Yeah, she's not just a maid." sabi ni Jiyong. Buti inamin mo.

"She's my cousin."

***

Kanina ko pa tinitignan si Kiko at pikit pinapasok sa utak ko ang mga sinasabi niya. Kinukwento niya lahat sa akin..si Nana...si Kris...si Hayi...

"Ang sakit sa ulo." sabi ko.

"Sige na nga. Di na ako magkukwento." sabi ni Kiko at tumahimik na.

Naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Jiyong. "Don't do that again. Tinakot mo ako." sabi niya at siniksik ang mukha sa leeg ko.

"Sa susunod, gusto kong sasabihin mo sa akin lahat ng nararamdaman mo.."

May bigla naman akong naalala sa sinabi niya. Humarap ako sa kanya na ikinakunot ng noo niya.

"Bakit?" tanong niya.

"M-may...sasabihin sana ako.." ugh. Paano ba to? Kinakabahan ako

"Ano yun?" tanong niya.

"K-kasi...kasi....

..buntis ako."

*deafening silence*

Lalo akong kinabahan nang hindi magsalita si Jiyong. Napatingin naman ako kay Kiko na mahinang tumatawa.

Baliw ba to?

"Okay." yun lang ang sinabi ni Jiyong.

"Okay? Okay lang?!" napatayo ako at pinameywangan siya. "Okay lang talaga? Hindi ka man lang ba magsisigaw dahil sa tuwa? Ghad! I'm pregnant at okay lang?!"

Kumunot naman ang noo ni Jiyong at lalong tumawa si Kiko.

"Hindi ako OA para gawin yun, Chae." tumayo si Jiyong at hinalikan ako.

"Kahit hindi mo sabihin, ang pagiging halimaw mo nitong mga nakaraan, alam ko na." sabi niya at tumawa na rin.

Napangiti na lang ako.

Pwede pala yon? Mauna pa nilang malaman kaysa sa akin?

***
[I'm happy for you, Anak.] naiiyak na sabi ni Mommy.

"Ehh..wag kang umiyak. Naiiyak na din tuloy ako." sabi ko.

[Haha..basta masaya ako para sayo. Alam kong magiging mabuti kang ina. Nandito lang kami ng Daddy mo para sayo.]

Napangiti naman ako. Oo, okay na sila ni Daddy. Pero, kaibigan na lang. Tanggap ko na rin naman. Okay lang sa akin kung hindi na sila magbalikan pa, ang mahalaga okay kami..at masaya.

"Thank you, Ma." sabi ko. Nagkwentuhan pa kami ni Mommy tungkol sa mga bagay-bagay, mahaba na rin ang usapan bago namin putulin dahil may kailangan pa siyang gawin.

Naikwento ko na nga rin pala kay Dad, kay Bom at Kuya Mark ang tungkol sa pagbubuntis ko. Masaya solang lahat para sa akin. Lalo tuloy akong naeexcite sa paglabas ng baby.

"Kaya lang..mukhang matatagalan pa.." bulong ko habang hinihimas ang tiyan ko.

Nagpacheck up na kami ni Jiyong noong nakaraan. I'm 2weeks pregnant. Nakakapanibago nga lang kasi may mga bagay na akong gustong-gusto ko ngayon. Nagbabago na ako lalo na emotionally. Mabilis na akong umiyak ngayon, mainis at magdamdam. May mga pagkain din akkng ayaw kong kainin. Yung mangga, naalala kong ayoko non, pero halos wala na akong ibang kainin kundi yun lang.

Naawa na nga ako kay Jiyong minsan. Madalas kasi, nagigising ako sa madaling araw dahil nagcracrave ako sa mga pagkain na wala naman kami dito sa bahay. Kaya ang tendency, gigisingin ko siya para siya ang bumili.

"Ito na yung omelet mong...may peanut butter." nakangiwing sabi ni Jiyong at inihain sa akin ang pinaluto ko para sa hapunan.

Alam kong nandidiri si Jiyong sa pinaluto ko, ako rin naman, pero..ito ang gusto ko eh.

Nasasanay na sa akin si Jiyong kahit papaano. Nag-aadjust na siya lalo na kapag sobrang init ng ulo ko.

"I love you, Oppa." sabi ko at nagsimula nang kumain.

Nakita ko naman sa peripheral vision kong napangiti siya sa akin.

Kaming dalawa na lang ang nandito. Umuwi na si Kiko sa kanila. Sabi pa niya 'ayokong makaistorbo'.

Pumayag na din si Jiyong dahil baka daw ang pinsan niya pa ang paglihian ko. Ayaw niya daw magaya ang anak namin sa sutil niyang pinsan.

"Craving satisfied, my wife?" tanong ni Jiyong nang makitang naubos ko na ang niluto niya.

Maganda rin palang buntis ako no? Atleast kahit minsan, maapreciate ko naman ang luto ng asawa ko hehe

"Anong iniisip mo?" tanong niya.

"Wala naman.." I playfully said.

"Really huh?" nginisian ako ni Jiyong. Kaya inirapan ko naman siya.

"Magluto ka pa nga."

Napangiti na lang ulit ako nang tumayo siya at pumuntang kusina. Di naman sa ang bossy ko at inuutus utusan ko lang ang asawa ko.

Pero nakakatuwa lang kasi naiintindihan niya ang sitwasyon ko. At hindi niya ako sinasabayan kapag may pinoproblema ako.

Sumunod ako sa kanya sa kusina. Nakita ko siyang nagsasalin ng peanut butter sa isang mangkok na may itlog.

Niyakap ko siya mula sa likod.

"Thank you, Oppa. Para sa lahat."

Humarap din siya sa akin para yakapin ako pabalik. "No need to say thank you. Kahit hindi mo hilingin, ibibigay ko ng buong-buo. Mahal kita, at kahit pa umabot sa punto na di mo na kaya, nandito lang ako...patuloy na mamahalin ka." he said before kissing me.

Occupation: My EX's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon