[14] If I Were You

1.7K 79 2
                                    

Dedicated to: FaithCherrieSoriano

Chaerin's POV

"I'm here to be with the person I love."

Napalunok ako nang sabihin 'yon sa akin ni Kris. Does it mean?

"Hahahaha!" tawa ni Kris.

Ano? Teka..

"Ba-bakit ka tumatawa? May naka--katawa b-ba..?" utal-utal na ako sa kaba habang siya tawa pa rin ng tawa.

"Yung--hahaha--mukha mo--haha! Ang epic mo!"

"Nakakainis ka! Pinapagtripan mo na naman ako." tatayo na sana ako nang higitin niya ako pabalik.

"Joke lang. Ang drama kasi. Ayoko lang umiyak sa harap ni Grace, baka mamaya bumangon 'yan sa hukay tapos batukan ako dahil sa pina-iyak kita sa drama namin."

"Bakit ba lahat na lang kayo tuwang-tuwa kapag naiinis ako?"

"Ang cute mo kasi kapag nakabusangot ka." ramdam ko na nag-init ang pisngi ko sa sinabi ni Kris.

"May tanong nga pala ako." sabi ni Kris.

"Anong nangyari sa gago mong ex? May topak ba 'yun?"

Ako naman ngayon ang tumawa.

"Well.. Gago nga siguro siya. Pero, diba't mas nakakagago kung nagagawa naming magkasama ng hindi kami nagkakagulo? Haha. May amnesia kasi siya. Limot niya na lahat. Nakalimutan na niya lahat ng sakit ng nakaraan."

Natahimik si Kris at halatang nagulat sa sinabi ko. Pero nakabawi din agad. "Nakalimutan ka na niya?"

"Lahat naman tayo nakalimutan niya." paglilinaw ko.

"Alam mo naisip ko din minsan, iumpog ko na lang kaya ang sarili ko sa pader? Baka sakaling magka-amnesia din ako tapos makalimutan ang lahat."

"Para makabawi ka at makalimutan mo din siya?" tanong na naman ni Kris.

Tumingin ako sa kanya na nanliliit ang mata. "Ano bang gusto mong palabasin?" biro ko sa kanya.

"Wala naman...maybe, inlove ka pa kasi sa kanya hanggang ngayon kaya naman naisip mo n--"

"Hindi na. Tapos na ako do'n."

"Sabi mo eh. Pero, bakit ayaw mong sabihin ang totoo? Na dating naging kayo?"

"Hindi ko alam. Siguro kasi ayoko lang talaga." Ayaw pang sabihin ni Bom. Wala akong idea, pero sinusunod ko pa din siya. Maybe mamaya, siguro dapat alamin ko na.

"Pero kung may pagkakataon ka, sasabihin mo ba? Na dating naging kayo?"

Natahimik ako sa tanong ni Kris. Napaisip din ako. Paano nga kaya?

"Depende. Pero siguro.. hindi na din. Para saan bang sabihin ko pa? Para guluhin ang isip niya at ang isip ko? Mas okay na..na tayo na lang ang may alam atleast okay ang lahat. Saka nakaraan na 'yon, di na dapat balikan pa. Lalo na kung wala ka namang babalikan."

"Babalikan? Tama ka naman... Tara na nga. Magdi-dilim na. Hatid na kita sa inyo."

Nagpaalam na kami kay Grace saka ako hinatid ni Kris sa amin.

*****

*tok-tok-tok*

Naalimpungatan ako sa katok na narinig ko kaya napabangon ako mula sa pagkakahiga.

"Sino yan?" tanong ko bago humikab. Inaantok pa ako.

"Unnie Chae, let's eat na daw. It's tanghali na!"

"Ah, oo... Susunod ako."

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 12:23 PM? Tanghali na nga.

Pagkabangon ko, pumunta muna ako ng cr para gawin ang mga dapat kong gawin. Nang okay na ako, bumaba na ako.

Nakita ko si Jennie na naka-school uniform pero si Minzy hindi. Si Bom naman naghahanda pa ng pagkain.

"Di ka papasok, Minzy?" tanong ko nang umupo ako sa tabi niya.

"Saturday ngayon, Unnie wala akong pasok."

"Eh ba't si Jennie papasok?"

"Every Thursday ako walang class,Unnie." -Jennie

Oo nga pala, College na ang dalawang 'to. Iniisip ko kasi Highschool pa din sila.

"Eh si Dara nasaan?"

"May photoshoot daw siya kaya maagang lumayas." sabi ni Bom. "Ako naman, wala din pero next week straight days ako sa office." dagdag pa niya.

"Tinanong ko ba?"

"Baka kasi tanungin mo din total lahat naman tinatanong mo. Inunahan lang kita."

"Ay Ewan."

Kumain kami habang nagku-kwentuhan. Nakakainis nga eh, ako lagi naho-hotseat nila. Pagtulungan daw ako?

Oo nga pala, yung itatanong ko na naman kay Bom.

"Ano bang---"

*kring-kring*

"Ako na mag-answer!" sabi ni Jennie bagk sagutin ang tawag sa telepono.

"Hello?....Ahm,yes po...wait lang..." tumingin sa akin si Jennie. "For you daw. Si Mr.YG"

Napatayo agad ako at lumapit kay Jennie. Kinuha ko ang phone at sinagot,

"Hello, Mr. YG?"

[Ah, yes. Ako nga. Kasama mo ba si Jiyong? Pakisabi naman na sagutin niya ang cellphone niya. Kanina pa kami tawah ng tawag. And kanina kayo late.]

"Late po?"

[Oo, may photoshoot siya ngayon. He's an indorser of Moonshot.]

"Ah okay po. Sasabihin ko."

[Okay thank you.]

Tapos binaba na ang tawag. Ay nako, bakit hindi sa akin sinabi ni Jiyong. Di man lang ako tinext.

Dinial ko ang number niya at tinawagan. Pero palaging cannot be reach. Tinext ko na din siya pero di naman nagrereply.

Nasaan na naman ba 'yun?

Nakakainit ng ulo.

Ako na lang ba talaga ang palaging mamomroblema para sa kanya? Ako na lang palagi ang aayos ng mga gusot niya?

Paano kung wala ako dito?

Paano kung hindi ako ang naging PA slash katulong niya?

Sana kasi nagkaamnesia na lang din ako. Para hindi lang ako ang may problema.

Sana may amnesia na lang din ako, edi sana limot ko na siya.

Sana ako na lang ang may amnesia at hindi siya. Para naman maramdaman niya ang problemahin ang isang tao na dating mahalaga sayo pero ngayon limot ka na.

"Sana nagkapalit na lang tayo ng mundo. Ako naman ang sinaktan mo eh."

Napatawa na lang ako sa sarili ko.

Ako nga ang nasaktan noon..pero hanggang ngayon ako pa rin ba?

Sana lang talaga...

...If I were you.

________

Happy 2k reads!

\( ˆoˆ)/•+°.*\( ˆoˆ )/*.°+•\(ˆoˆ )/

Occupation: My EX's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon