Dedicated to: theabeh
*****
Chaerin's POV
"So you're here Mr. Kwon, good to see you then. Are you ready?" Dinig kong sabi ng isang babae kay Jiyong.
Nag-uusap lang sila sa mga bagay na hindi ko alam. Habang ako..
Nakatitig lang sa lugar kung nasaan ako. Nakakamangha lang kasi ang ganda pa din ng lugar na 'to. Mas gumanda na siya kaysa una kong nakita. Kaysa nung una ako dinala ni Jiyong...
Noon kasi...parati siyang may laban dito. Dinadala niya ako at si na sa na para naman daw meron siyang inspiration. Sinusuportahan ko siya. Nagfa-fan chant pa nga ako minsan...hanggang sa mawalan ako ng boses. Pero..
Hanggang alaala na lang yun.
Eh? Bakit ko ba iniisip yun?! Okay na ako 'no!
"It's beautiful, isn't it?" Nagulat ako nang biglang magsalita so Jiyong. Wala na pala yung kanina niyang kausap.
"Oo...ang ganda..." sabi ko habang nakatingin sa paligid.
"First time here?" Napatigil ako sa tanong niya. Ano ka na Chaerin? Di ka nga niya maalala diba? Kaya posibleng di niya na din maalala yung mga oras na inaalala mo!
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Hindi...dati na akong napunta dito...may nagdala na sa akin dito...Isang napaka-importanteng tao."
"You have a boyfriend?!" Medyo gulat niyang tanong. Umiling ako.
"Wala." Mapait kong sabi. Bitter ko ba? Eh sa wala akong lablayp eh!
"Wala o...wala na?"
"Ewan. Di ko din alam. Di ko alam kung babalik pa ba siya. Pero siguro hindi na..." tapos may bigla akong naisip.
"NAGTAGALOG KA BA?!" Tumawa naman siya ng mahina. Good mood na siya? Talaga bang trip niya kapag malungkot ko banas ako? Nananadya yata to eh!
"Lets go." Sabi niya at naunang naglakad. Habang ako sinusundan siya.
"Wait here. I'll just talk to someone." Tapos umalis na siya. Umupo naman ako sa couch na malapit.
Maya-maya pa...
Nakarinig ako ng ilang sigawan at usapan na pagkalas-lakas mula sa loob ng pinasukang pinto ni Jiyong.
"What?! She's not here? How could I perform now?!" Galit yung boses at alam kong kay Jiyong yun.
"Sorry po. Pero...hahanap na lang po namin kayo ng iba."
"Find another one? Then, go! Find ang girl who looks alike Lyda, a girl who sings like her and a girl whose name is LYDA!"
Tapos bigla na lang binalibag ang pinto at lumabas ang isang galit na galit na Jiyong.
May sumunod sa kanyang lalaki na sa tingin ko isang staff ng PBS. Nakayuko na siya.
"Uhm...J-jiyong?.." na pa tingin sa akin yung lalaking kaunod niya at biglang nagliwanag ang mukha.
"Kasama niyo po?" Tanong nung staff kay Jiyong pero hindi siya sumagot. Tumingin naman sa akin yung lalaki.
"Magkasama kayo?" Tanong niya sa akin. kaya naman tumango ako na medyo nagtataka.
"I know what you're thinking. We have no choice. Get her dressed." Medyo mahinahon na si Jiyong.
Nagulat ako ng bigla akong hawakan nung lalaki...pero mukhang bakla yata.
"B-bakit? Saan mo ako dadalhin?...Ji-Jiyong?" Tinawag ko si Jiyong pero na kaya likod lang siya.
"Go with Lex." Sinong Lex?
"Ako po si Lex." Biglang salita ng bakla...confirmed.
"O-okay..." dinala niya ako sa isang dressing room.
Dressing room? Na naman?!
"Suotin niyo po ito, Miss?"
"Chaerin." Sabi ko.
"Miss Chaerin. Pag okay na po. Labas na po kayo dito para ma-make up-an na kayo at makapag-rehearse kasama si Sir Jiyong." Tumango ako kahit wala akong naintindihan.
Anong rehearse? At bakit kaipang magmake up ako? At ewan bahala sila! Si Jiyong naman ang nagsabi nito eh. Wala akong magagawa.
Nung ayos na ako. Lumabas na ako. Pinaupo ako nung Lex sa tapat ng make up stool. May lumapit sa aking babae na sobrang ganda. Punuwesto siya sa likod ko.
"Hi! So ikaw si Chaerin? Ako nga pala si Pony." Sabi niya habang nakangiti.
"Hello..." sabi ko na lang din.
Inayos ni Pong yung buhok ko. Panay siyang sabi na 'ang ganda naman ng buhok mo' kaya thank you din ako ng thank you.
Medyo kinulot niya yun in a way na mukha na akong tao ngayon haha!
Sunod siya humarap sa akin at minake up-an ko. Medyo mabilis lang yun tapos hinarap niya ulit ako sa salamin.
Ako naman...'ako to?' Di na ako mukhang napulot sa kung saan saan ni Jiyong!
"Ang ganda mo kaya di ka mahirap ayusan. Sige na. Hinihintay ka na ng boyfriend mo." Bigla akong napatingin sa kanya.
"Uhm..sorry...nakita ko kasi kayo dating magkasama parati dito kapag may performance siya. Bago siya na aksidente."
"N-nakita mo kami noon?"
"Oo, angsweet niyo nga eh. Ang swerte mo kay Jiyong."
"Ay ganun ba? Pony kasi....di ko boyfriend si Jiyong."
"Huh? Pe---"
Natigilan si Pony nang may biglang pumasok. Pinapatawag na daw ako ni Jiyong.
"Sige aalis na ako sa susunod na lang." paalam ko.
"O-okay."
Tapos umalis na ako. Oh, Pony! Kailangan kitang makausap ulit!!
****
Omayghad! Grabe nakapag-update ako!!
BINABASA MO ANG
Occupation: My EX's Personal Maid
FanficName: Chaerin Lee Age: 22 Hometown: Manila, Philippines Gender: Female Civil Status: Single Occupation: ..... . . . MY EX'S PERSONAL MAID (>_<") Written by: Darkest_Senyorita (January 20, 2016)