Bom's POV
Kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang oras. 7:30, isang oras bago siya tumawag. Bago tumawag ang papa ni Chaerin.
Kanina ko pa sinusundan si Jiyong at Chaerin. Nauna akong umalis ng bahay para hindi ako mahalata.
Siguro kung iisipin niyo, ang sama kong kaibigan.
Kasi ako dapat 'tong sumusuporta kay Chae. Isa dapat ako sa masasaya na magkabalikan sila ni Jiyong.
Imbis na ganito ang ginagawa ko.
Na ako pa mismo ang pwedeng maging ugat ng paghihiwalay nila.
Pero no choice ako.
Mali ang utang na loob ko sa pamilya ni Chaerin. Siguro, kung hindi dahil sa kanila, hindi ko na alam kung saan ako pupulitin ngayon.
"Bom?" napatigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang boses ni Chae mula sa kabilang pinto.
"B-bakit?"
"Pwede ba tayong mag-usap?" sagot niya pabalik. Naglakad ako papunta sa pinto. Huminga muna ako nang malalim bago siya pagbuksan.
"May kailangan ba tayong pag-usapan?" tanong ko sa malamig na tono. Gusto ko kasi, hangga't maari, iwasan ko muna siya. Ayokong malaman niya. Ayokong mahalit siya sa akin, lalo na sa tatay niya.
"Bom, galit ka ba?" tanong niya sa akin habang nakayuko.
Habang nakatingin sa kanya, gustong-gusto kong sabihin lahat. Gusto kong sabihin na ang sama kong kaibigan para maging dahilan ng muli niyang pag-iyak.
Gusto kong sabihin lahat sa kanya. Pero hindi. Hindi pwede.
"Bom naman! Nakakatampo ka na eh! Ilang araw ka na bang ganyan sa akin? Sa aming lahat dito sa bahay?" sabi niya. Oo nga pala, pati pala sila Dara iniiwasan ko din. Ayoko lang na may makaalam pang iba, baka lalo lang gumulo.
"Iniisip ko tuloy, may sikreto ka na sa amin.." nakanguso niyang sabi.
Mas mabuti nang isekreto sa ngayon..
"Uy ano na? Sagot ka naman diyan! Ay di bale na, ako na lang ang magkukwento! Namiss na kasi kita eh." sabi niya bago pumasok sa kwarto ko magtatalon sa kama.
"Chaerin, pwede bang bukas na lang? Pagod na kasi ako eh." sabi ko. Bigla naman siyang tumigil sa pagtalon. Ineexpect ko na magtatampo siya pero to my surprise, ngiting-ngiti pa siyang lumapit sa akin.
"Uyy...saan ka ba kasi galing at napagod ka? Umamin ka nga! Nagdate din kayo ni Kuya Mark ano? Yii~" sabi niya habang tinutusok-tusok ang tagiliran ko.
Siguro kung walang problema, pwedeng mangyari 'yun. Pero hindi na ngayon. Lalo pang nag-iiwasan kami ni Mark.
Ay hindi. Ako lang pala ang umiiwas. Nalaman ko kasi na niloloko niya lang ako na tutulungan niya ako, pero ang totoo, ginagawa niya lang pala yun para lalong magkalapit ang dalawa.
"Hala hala! Hindi siya sumagot oh, silence means yes, ibig sabihin nagdate nga kayo?"
Ang kulit ni Chaerin. Ganito ba talaga to? Oh blooming at masigla lang dahil inlove na naman siya?
Nagui-guilty na talaga ako.
"Oh sige na nga, total, wala ka naman sa mood, ikukwento ko na lang ang araw ko." kinikilig niyang sabi.
"Alam mo ba, Bom? Nagdate kami ni Jingyo Oppa ngayon~"
Jingyo Oppa?
"Ay! Oo nga pala, Jingyo Oppa na ulit tawag ko sa kanya. Kagaya nung dati? But anyways, ang saya-saya ko talaga ngayon. Kasi alam mo ba? Kahit sa mall lang kamo nagdate, feeling ko ang sweet pa din. Kahit hindi masyadong ma-effort tignan pero ang sweet pa rin para sa akin!" sabi niya na halatang masayang masaya.
BINABASA MO ANG
Occupation: My EX's Personal Maid
FanficName: Chaerin Lee Age: 22 Hometown: Manila, Philippines Gender: Female Civil Status: Single Occupation: ..... . . . MY EX'S PERSONAL MAID (>_<") Written by: Darkest_Senyorita (January 20, 2016)