SC❤2

602 21 2
                                    

AN: Final update ko na. Last na to, sakto nang 60 lahat-lahat eh (Well, kasama yung iba pang notes and such..) IWMYSM, guys..

***

Chaerin's POV

I looked at the wall na katapat lang nitong kamang hinihigaan ko. Nandoon kasi nakasabit ang pinakamalaking wedding picture namin ni Jiyong.

"I miss you.." Pinindot ko na ang switch ng lampshade at pumikit.

It's been 2 years...lagpas na nga eh. Almost 3 years na pala.

Pero hanggang ngayon, di ko pa din nakikita si Jiyong. The last time na lumabas siya ng base ay nung nanganak ako sa kambal. We have twins, parehong babae. Kaso di ko naman siya nakausap o nakita man lang. Ang sabi sa akin nila Dara, nandoon daw siya. Kaso kailangan ulit bumalik dahil saglit na oras lang ang hiniling niya.

Marami nang nagbago sa buhay namin. Ako, hindi na ako nagmomodel. Tinuloy ko na lang ang naiwang business ni Jiyong, yung cafe na pinatayo niya. Marami nang franchise non, pero kinakaya ko namang ihandle. Naisip ko kasi, mas mabuti na yon. Atleast, kahit nandito lang ako sa bahay magagawa ko pa ring magtrabaho. Lalo pa ngayon na tatlo na silang inaalagaan ko.

Sila Yuli, Yerin at Yorin, di na ako nag-abalang kumuha pa ng yaya, kaya ko naman. Isa pa, madalas naman kung dumalaw dito ang mga kaibigan ko. Lalo na sina Kiko at Kris, bagong kasal kasi, kaya ayun, madalas pumunta sa bahay para makipaglaro sa mga bata. Plano na kasi nilang magkababy this year.

Sina Bom at Kuya Mark, nagstay na talaha dito kasama ang nag-iisa nilang anak na si Yeseo. Pumupunta rin sila dito, pero madalas kami ang dumadalaw sa kanila. Mahilig kasing maggala-gala ang mga anak ko kaya naman mas gusto nilang kami ang pupunta doon.

Dara at Taeyang, ano bang ikukwento ko sa dalawang yon? Pfft.. Normal pa rin naman silang dalawa. Madalas pa ring mag-away at mag-asaran, di pa sila kasal. Pero nakatira na sila sa iisang bahay at may tatlo ding anak at puro lalaki. Kaya naman laging masakit ang ulo ni Dara, lagi kasi siyang pingtutulungan ng mag-aama niya.

Si Minzy, she's with Daesung. Sa iisang company lang sila nagtatrabaho kaya naman madalas silang magkasama. Naiinggit nga ako sa dalawang yon, dahil nga sa palagi silang magkasama.

Si Jennie, ayon. Single daw siya, bitter kasi ang babaeng yon. Di daw sila nagkatuluyan ni Kris eh. Kaya nagsusubsob na lang daw siya sa pagtatrabaho. Kung di nga naman din loka-loka ang isang yon.

Dinilat ko ulit ang mga mata ko nang madinig kong bumukas ang pinto. "Good evening, Mommy!" Bati ni Yerin at ngumiti sa akin ng matamis.

"Where are your sisters?" Tanong ko.

"They ar--"

"MOMMEEHHH!"

"NOOO ME FIRST!"

Bumukas na nang tuluyan ang pinto at magkasunod na tumatakbong pumasok sina Yuli at Yorin.

"Good evening, Mommy!" -Yuli

"Good evening, Mommy!" -Yorin

"Goodevening, babies." Sumagot na ako para makuha ang atensyon nila. Nag-uunahan kasi sila parehong makaakyat sa kama. Pero syempre mas matangkad si Yuli kaya siya ang nauna.

"Aghh! Unnie!" Maktol ni Yorin.

"Hey, haha! stop it, you two." Natatawa kong saway sa kanila. Gawain na kasi nilang pareho yan, ang mag-unahan sa pagtabi sa kin sa pagtulog.

"They are so noisy, Mommy.." Mahinhing sabi ni Yerin at humalik sa pisngi ko. "Can we sleep here again?"

"Ofcourse," sagot ko at isa-isang humalik sa mga noo nila.

Occupation: My EX's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon