Chaerin's POV
"Okay na ba siya?"
"Ano bang nangyari?!"
"Saan siya nanggaling?"
Napamulat ako sa ingay na narinig ko. May nakita akong tatlong tao na nakapalibot sa akin.
Dalawang babae at isang lalaki.
Bumangon ako at umupo. Medyo masakit ang katawan ko. Ano bang nangyari?
Nilibot ko ang tingin ko. Hindi naman ito ang kwarto namin ni Dara ah? Tinignan ko silang tatlo na nakapa-ikot sa akin.
"Nasaan ako? Sino kayo?" tanong ko.
Nagkatinginan naman silang tatlo. "Ah..eh..ako..ako si Lalice.." sabi nang isang babae na mahaba ang buhok.
"Ako naman si Savannah, just simply call me Nana." -babaeng may bangs.
"Seungri at your service," nakangiting sabi ng lalaki.
Nginitian ko din sila.
"Ah..nasaan ako?"
"Nandito ka sa bahay namin. Inuwi ka dito kagabi ni Kuya Seungri kasi nakita ka daw niyang nakahiga sa tabing dagat. Wala ka daw malay." paliwanag ni Nana.
"Gano'n ba? S-salamat..pero kailangan ko nang umuwi. Baka hinahanap na ako ng mga kasama ko," kailangan ko nang umuwi. Wala sa akin ang cellphone ko, di ko naman sila matext o matawagan. Baka nag-aalala na sila.
"Ah sure, sure. Ihahatid ka namin. Taga-dito ka ba?" tanong ni Lalice.
"Hindi. Nagbakasyon lang kami dito. Nga pala, ako si Chaerin."
"Ah...Chaerin? Ayos na ba pakiramdam mo?"
Tumango lang ako. Inalalayan ako ni Seungri na bumaba namg hagdan nila dahil masakit ang katawan ko, lalo na ang tuhod ko. May pasa kasi at sugat dahil sa pagkakadapa ko kahapon.
"Kumain ka muna. Alam naming gutom ka dahil anong oras na rin naman. Di a nakapag-almusal at tanghalian."
Di na ako tumanggi dahil gutom na ngs ako. Nakita kong '2:16' na sa orasan nila. Hapon na pala.
"Dito ba kayo nakatira? I mean..baka nagbabakasyon lang din kayo."
"Ah oo, nagbabakasyon lang din kami. Magpipinsan kami," -Seungri.
Tumango na lang ako.
"Thank you nga pala ulit."
"Sure, no problem."
Sinabayan din nila ako sa pagkain. Nang matapos kami, umalis na kami para ihatid ako sa bahay na tinutuluyan namin.
"Dito na ba 'yon?" tanong sa akin ni Nana.
"Oo, sigurado ako." sagot ko.
"Eh ba't parang wala namang tao?"
Kumatok kami sa pinto. Maya-maya pa, mukha ni Minzy ang sumalubong sa amin.
"Chae Unnie?!" gulat niyang tanong. Tumingin siya sa likod at sumigaw.
"NANDITO NA SI UNNIE!!" sigaw niya na sobrang lakas.
Pumasok ako sa loob kasama sila Lalice, Nana at Seungri.
Nagsilabasan naman silang lahat tapos kanya-kanya na silang salita. Di ko sila maintindihan.
"Saan ka nanggaling?!"
"Nag-alala kami sa'yo, alam mo ba 'yon?"
"Halos halughugin na namin ang buong resort! Kulang na lang pati ilalim ng dagat sisidin namin mahanap ka lang!"
BINABASA MO ANG
Occupation: My EX's Personal Maid
أدب الهواةName: Chaerin Lee Age: 22 Hometown: Manila, Philippines Gender: Female Civil Status: Single Occupation: ..... . . . MY EX'S PERSONAL MAID (>_<") Written by: Darkest_Senyorita (January 20, 2016)