Prologue

1K 23 1
                                    

Prologue

Dahan dahan akong humakbang, ingat na ingat na sana huwag magsipag tunugan ang mga tuyong dahon sa paanan ko. Lumingon ako sa paligid, walang ibang tao dito sa Lover's Lane maliban sa isang lalaking nakahiga sa dulong bench.

At sya ang pakay ko.

Inangat ko ang camera ko para makita kung ayos na ba 'tong pwesto ko. Hindi pa din! Leche, pwede bang hindi ako maging OC ngayon? Kahit ngayon lang.

Pero wala akong nagawa. Natalo ng OC self ko ang coward self ko kaya humakbang pa ko ng isa.

Isa, dalawa, tatlo....

Lord, please patulugin nyo po sya ng mahimbing. Lord, wag nyo pong hayaang mahuli please. Promise po, uuwi na po talaga ko sa'min. Susundin ko na po si mommy. Kahit every other day pa po.

Pakiramdam ko talaga, parusa ko 'tong nangyayari sakin ngayon kasi hindi na ko nakakauwi. Pangako, magiging mabuting anak na po ako.

Nagtago ako sa likod ng puno at sumilip. Ayun, tulog pa din.

Hay nako, Deia kung hindi lang kita mahal na babae ka. Sa dinami dami ba naman kasi ng hihinging regalo picture pa ng crush nya. "Since, photographer ka naman, picturan mo na lang baby ko" At dahil gipit ako ngayon kasi nga hindi pa ko umuuwi, kaya wala pa kong allowance, e pinatos ko na gusto nya.

At three-fourths ng pagkatao ko ang nagsisising pumayag ako. Hindi ko na tinangkang magdownload sa internet dahil nawarningan na ko ng magaling kong kaibigan.

"Wag mong subukang magdownload kasi friend, lahat ng pictures nya sa fb, twitter, instagram, kahit tagged photos lang meron ako"

Uuwi talaga ko sa bahay. Desidido na ko. Walang makapipigil sakin.

Inayos ko na ang camera ko para makuhanan na 'tong lalaking 'to na walang iba kundi si Grey Andy Chivas at hindi ko alam kung san napulot ng kaibigan ko 'to.

Isang maayos at magandang picture lang ang kailangan ko. Isa lang talaga.

I adjusted the lens to capture the perfect angle. Leche, ang gwapo naman pala talaga ng lalaking 'to. Kahit natutulog mapagkakamalan mong nagmomodel eh.

Now, I'm done. Tatalikod na sana ako nang napatigil ako. Ang ganda ng ilong nyang sobrang taas, and his lips.

Goodness, tumalikod ka na! Sabi ng konsensya ko.

But it's my passion to capture beautiful things. Pangontra ng isa ko pang konsensya. (Hayst, bat ba ang dami kong konsensya) And absolutely, he's the epitome of beauty. Kahit sabihan ng beautiful 'tong lalaking 'to, okay lang hindi nakakabakla.

I compromised with myself. Isa na lang then I'll go. Isang focus sa mukha lang. Hindi naman siguro magigising 'to no? Ikakasaya ni Deia 'tong picture.

I fixed the camera according to the angle I want and captured his face.

Agad nanlaki ang mata ko ng tumayo sya at lumingon sa'kin. Oh my goodness! Lord, pakisabi po sa parents and friends ko na mahal na mahal ko sila.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. I should move, I really should.

But his eyes.

I stared at his eyes for so long and I feel like I was captured.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon