Part 1: The End 3

3.8K 67 5
                                    

Ganoon lang ang routine ko araw-araw, magpaawa sa kaniya tuwing umaga, ipamukha sa kaniya ang mga kasalanan niya at ang pagsuyo kay Matthew. Pero syempre hindi ko naman pinapabayaan ang anak ko na si Stephen.

"Kain na muna tayo, Luna." Napatingin naman ako kay Jaxon na may bitbit na lunchbox, nilapag niya ito sa lamesa ko at siya na ang naglikom ng mga files na nakakalat. Mahirap palang mag-secretary, kung hindi lang dahil sa plano ko. Tsk.

Lagi niya rin akong sinasabayan ng pagkain, sinusundo niya rin ako doon sa squatter area tapos hinahatid niya naman ako doon kapag uwian. Pero ang hindi niya alam ay kapag hinahatid niya ako ay nandoon na si Eleven at doon ako dumidiretso.

"Nga pala Luna, bakit wala ka kagabi sa bahay mo?" Napatigil naman ako sa pagkain at napainom agad ng tubig. Sht, bakit siya napadaan doon?

"Ha? Ahm, may pinuntahan kasi akong dati kong mga katrabaho. Tapos ano, birthday kasi kaya kaninang madaling araw lang ako nakauwi, buti nga at hindi ako late." Palusot ko, tumango-tango naman siya at nagpatuloy sa pagkain. Whoo, buti naman at nakalusot.

"Bakit ka nga pala napadaan don?" Tanong ko.

"Ibabalita ko kasi sana sayo na pinapapunta ka ni Matthew sa bahay." Natigil naman ang pagsubo ko at agad humarap sa kaniya.

"Talaga!?" Masiglang tanong ko, ngumiti naman siya ng malawak at tumango.

Agad akong tumayo at niligpit ang gamit ko. "Tara na! Wala ka namang schedule ngayon eh!" Excited na sabi ko, natawa naman siya at niligpit narin ang mga gamit niya.

"You're the boss, Madam."

Kung noon ay may kaba akong nararamdaman papunta sa kanila, ngayon ay wala na dahil puro excitement nalang. Matagal ko ring inintay na si Matthew mismo ang magpatawag sakin, pero siguro nakukulitan na siya sakin dahil halos araw-araw ko siyang pinupuntahan.

"Ano nga palang sinabi ni Matthew? Bakit niya daw ako pinapapunta?" Hindi ko maiwasang itanong kay Jaxon.

"Hindi ko nga din alam, bigla nalang siyang pumasok sa kwarto ko kagabi tapos sinabi niya na gusto ka niyang makausap."

Pagkarating namin ng mansion nila ay bumaba na ako at sinalubong naman ako ng mga kasambahay. "Good Afternoon Ma'am, dito po tayo." sumunod naman ako sa kanila at dinala nila ako sa harap ng isang malaking pinto. I guess kay Matthew na itong kwarto.

Kumatok naman ako sa pinto at ilang saglit lang ay binuksan ito ni Matthew, ngumiti naman ako sa kaniya. Binuksan niya ng malaki ang pinto kaya pumasok na ako at nilibot ang paningin sa loob ng kwarto niya, kambal nga talaga sila ni Stephen. Parehas silang mahilig sa mga libro.

"Bakit mo nga pala ako pinapunta?" May lambing na tanong ko, lumapit ako sa kaniya at tinabihan siya sa kama. Nakayuko lang siya habang pinaglalaruan ang mga kamay niya.

Ilang saglit na katahimikan bago siya magsalita.

"Uhm. I-- I-m Uh. I'm sorry." Napangiti naman ako at niyakap siya. Hindi ko na naiwasang maluha habang yakap-yakap ko siya. "Wala kang dapat ika-sorry, Matthew anak. Namiss ka ni Mommy." Naramdaman kong gumanti ng yakap ang anak ko.

"Shh, I'm sorry again Mom. I've missed you too."

After non ay nagkuwentuhan kami tungkol sa mga nangyari sa kaniya sa ibang bansa, nasabi niya na wala naman daw siyang masyadong kaibigan dahil tutok daw siya sa pag-aaral. Muntikan pa nga akong masamid sa laway ko nang banggitin niya ang tungkol sa kapatid.

"Mom, alam niyo po minsan nararamdaman ako na may kapatid ako." Ngumiti lang ako at iniba na ang topic namin.

Ganoon ba talaga kapag kambal? Kahit hindi mo alam ay nararamdaman mo na mayroon kang kakambal?

"Mukhang nagkakasiyahan ang mag-ina ko ha." Napatingin kami kay Jaxon na may bitbit na merienda, pinatong niya muna iyon sa lamesa at sumama sa amin sa kama.

Nagkukulitan silang mag-ama habang ako ay nakatingin lang. Kung hindi mo lang sana ako iniwan noon Jaxon ay masaya tayo ngayon kasama si Stephen.

Pero hindi, iniwan niya ako noon at dahil doon ay marami ang nangyaring trahedya sa buhay namin ni Stephen. Hinding-hindi ko mapapatawad si Jaxon dahil doon, dahil kahit gustuhin ko man na kalimutan nalang lahat ay mahirap, lalo na't buhay ang muntikan nang mawala noon.

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon