Part 1: The End 8

2.6K 45 3
                                    

Dalawang araw na akong hindi pumapasok sa opisina, nandito naman si Stephen at sinabi nito sakin na pagkaalis ko nung araw na iyon at umuwi na sila ni Matthew.

Dalawang araw na akong nag-iisip kung itutuloy ko pa ba ang mga plano ko. Alam kong wala pa ako sa gitna pero parang hindi ko na kaya, hindi naman ako ganito noon pero simula nang makilala ko siya ay napuno na ng galit ang puso ko.

Ang iniisip ko, ang dalawang anak ko ang nakasalalay dito. Maiipit sila at masasaktan kung hindi man kami magkaayos ng Ama nila, pero anong magagawa ko kung wala na talaga?

Kinuha ko ang laptop at binuksan ang mga emails ko, as usual ay puro tungkol sa kumpanyan namin ito. Isang email naman ang napansin ko, hindi ko kilala ang sender kaya agad kong pinindot ito.

Napadiin ang pagkakapindot ko sa mouse ng aking laptop sa nakita. Pabalibag kong binalik ang laptop at kinuha ang cellphone.

"Hello, nagawa niyo na ba ang ini-utos ko sa inyo?"

"Almost done, Ma'am. Kaunting araw nalang ang kailangan natin."

Sumilay naman ang ngisi sa aking labi.

"Good. I'm expecting na matatapos niyo ito ngayong linggo."

Binaba ko na ang tawag at humarap sa malaking salamin ng aking kwarto, kailangan ko ng ipakita kung sino at ano na ako ngayon.

Kinuha ko muli ang Laptop at nag-type.

Handa na sana akong umamin sa mga pinlano ko pero ng makita ko ang mga litrato na'to, mas lalong tumindi ang galit ko sa kaniya. Buong akala ko ay nagbago na siya, na mabubuo namin ang aming pamilya, na magiging masaya narin ako sa wakas pero akala ko lang pala iyon. Hindi ka parin pala nagbabago, Jaxon.

Pinindot ko na ang send at napangisi ng mapasa ko na ang resignation ko. Muling akong humiga at naiyukom ng mahigpit ang mga kamao ko. Starting today, ipapakita ko na sa kaniya ang bagong ako.

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon