Part 1: MRH 19

1.7K 24 1
                                    

Nasa isang Mall kami ngayon para mamasyal, hawak ko ang kambal at si Jaxon naman ang may hawak sa bunso namin.

"Mom, let's go to the bookstore please?" Pakiusap ni Stephen na agad naming sinang-ayunan. Kanina pa kasi niya guston pumunta doon.

Nang makapasok kami sa bookstore ay binitawan ko na ang kambal para malaya silang makapili. I spoiled them kapag books ang usapan pero kapag laruan it's a no no to me.

"Mana talaga sakin ang mga anak natin." Nakangising sambit ni Jaxon habang karga-karga ang natutulog naming bunso.

Inirapan ko naman siya. Lagi niyang pinipilit na sa kaniya namana ang katalinuhan ng mga bata.

"Sa akin naman namana yung ugali." Sabat ko pero ang loko ay tinawanan lang ako. Baliw.

"I know that wife." Sabi nito at kinindatan pa ako.

Sasagutin ko pa sana siya ng bigla kaming makarinig ng pagsabog kasunod ang sunod-sunod na alarm.

Bigla akong tinubuan ng kaba.

"STEPHEN! MATTHEW!" Agad akong tumakbo sa kinaroroonan ng mga anak ko at hinila papunta kay Jaxon.

"Let's go!" Sinampa niya si Stephen sa likod niya at kinarga si Matthew, mabuti na lamang ay makapit sa kaniya ang bunso namin.

Takbo lang kami ng takbo habang humahanap ng daan palabas, halos naglalaglagan narin kasi ang ilang bahagi ng mall.

Please keep us safe, Lord.

---

Takbo lang sila ng takbo hanggang sa makita nila ang daan palabas. Agad tumakbo si Jaxon ng mabilis upang hindi na makalanghap pa ng usok ang mga anak dahil nasusunog narin ang buong mall.

Nang maibaba niya ang mga bata sa ligtas na lugar ay agad siyang lumingon upang salubungin ang asawa ngunit ganoon na lamang ang kaba niya ng makita na hindi makadaan ang asawa dahil sa nasusunog na bagay sa harapan nito.

"LUNA! LUNA!" Pinabantayan niya sa kambal ang bunso nila at tumakbo malapit sa asawa ngunit hindi siya makadaan dahil sa malaking sunog.

"Lumabas ka na Jaxon! Kaya ko na ito!" Sigaw ng kaniyang asawa ngunit hindi niya ito pwedeng pabayaan.

"No! Hindi kita iiwan dito, Luna! Intayin mo lang ako, ililigtas kita!" Sinubukan niya muling dumaan ngunit mas lalong lumakas ang apoy.

"Ang mga bata Jaxon! Alagaan mo sila!" Alam na ni Luna na imposible siyang makalabas, kaya't gusto niya ng sabihin ang lahat sa asawa hangga't may lakas pa siya.

"Don't say that Luna! Sabay natin silang aalagaan! Please, huwag kang ganyan." Nag-uunahan na sa pagtulo ang luha ni Jaxon.

Napaubo naman si Luna dahil narin sa usok na nalalanghap nito.

"Susubukan kong lumaban, Jaxon. Basta lagi niyong tatandaan na mahal na mahal ko kayo."

Yun nalamang ang huling narinig ni Jaxon sa asawa at kitang-kita niya kung papaano nabagsakan ng mga kagamitan ang asawa niya.

Hindi siya makakilos.

Ni hindi niya kayang ikurap ang mga mata.

Natauhn na lamang siya ng may biglang sumigaw.

"May babae pa sa loob!" Nakita niya ang mga bumbero kaya agad niyang nilapitan ang isa sa mga ito.

"Please save my wife!" Halos lumuhod na siya sa harapan nito. Agad na tumango ang bumbero at pumasok sa building.

Pinuntahan niya ang mga anak na nagsisimula ng umiyak at hinahanap ang kanilang Ina.

"Dad, makakaligtas naman si Mommy diba?" Pilit pinipigil ni Stephen ang kaniyang pag-iyak. Tinanguan niya ang mga ito kahit siya man ay hindi sigurado.

Napapikit na lamang siya at napatungo.

Lord, please save my wife.

Ilang minuto ang nagdaan at humupa na ang sunog, hinihintay niya parin ang mga bumbero.

Lumapit sa kaniya ang isa ngunit hindi nito bitbit ang kaniyang asawa.

"I'm so sorry Mr. pero hindi na namin natagpuan ang asawa ninyo sa loob." Ani nito at umalis na.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Biglang tumigil ang kaniyang paghinga sa nalaman.

Wala na ang asawa niya.

Hindi na niya muling masisilayan pa ito.

"Mommy! Mommy!" Rinig niya ang pag-iyak ng kaniyang nga anak ngunit hindi parin siya makakilos.

Naramdaman niya ang pagtulo ng kaniyang mga luha at dahan-dahang napaluhod.

"No... No... Wife, buhay ka... Hindi pwedeng hindi.. NOOO!" Iyak na siya ng iyak habang ang kaniyang mga anak ay nakayakap na sa kaniya.

Wala na ang asawa niya.

"Hindi! Hindi pa siya patay! Nangako siya! Nangako siya na hindi niya tayo iiwan. Nangako siya..." Iyak na siya ng iyak at wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya.

Biglang nagsisulputan ang mga reporters at pumunta sa pwesto nila.

"Mr. Hatfield, totoo po bang naiwan sa loob ang inyong asawa?"

"Totoo bangp patay na siya?"

"Ano na ang inyong gagawin sa pagkawala ng inyong asawa?"

Napatayo siya at hinarapa ng mga reporters, ni hindi niya pinunasan ang luha sa kaniyang mukha.

"MY WIFE IS NOT DEAD! LEAVE US ALONE!" Malakas na sigaw niya at takot naman na lumayo ang mga ito.

Hindi pa siya patay. Hindi pa naman diba?

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon