Part 2: MRH 13

1.5K 30 3
                                    

Kanino magandang 'Point of View' ang gawin? Kay Jaxon o kay Sohvi/Solar? Kaya for now kay Eleven muna ang Point of view natin. :--)

--

I'm so happy na nakita ko na ulit ang kapatid ko. I never knew na makakasama ko siya ulit, akala ko patay na talaga siya. Sobra-sobra ang kalungkutan namin nang malaman namin na namatay siya pero ito siya ngayon, buhay na buhay!

"Hi.." Pagpasok ko sa kwarto nito ay nag-aayos na siya ng pinaghigaan niya. Lumingon siya sakin at ngumiti, how I missed that sweet smile.

"Oh. Good morning!" She greeted happily, tinaas ko ang tray na dala ko at tuluyang pumasok sa loob.

"Kain tayo?" Nilagay ko na sa mini round table ang tray at inayos ang kakainan namin. Umupo naman siya sa upuan habang humihikab pa. Cute.

"Okay. Pero hindi mo ba sasabayan ang asawa mo?"

"Tapos na silang kumain, hinintay lang talaga kitang magising para sabay na tayo." Ngumiti naman siya at tumango.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. Siya parin talaga ang kapatid ko, matakaw parin. Hahahaha.

"Kumain ka, oy." Saway nito kaya naman kumain na ako.

Tapos na kaming kumain at nandito kami sa mini living room ng kwarto niya. Pinalinis ko pa ito at pinatago ang mga litrato niya noon.

"Paano mo nga pala nakilala si Jonas?" Pagtatanong ko.

"To tell you the truth, hindi ko alam. Basta nagising nalang ako sa bahay niya at wala akong naaalala."

That as*hole!

"Hindi ka ba na-curious kung may pamilya ka na?"

Ngumiti ito ng tipid at umiling. May pinakita siyang kwintas na ang pendant ay isang singsing. Wedding ring ba nila 'yon ni Jaxon?

"Naisip ko iyon, nakita ko kasi ang singsing na ito. Akala ko simpleng singsing lang pero nang makita ko kung para saan ang singsing na ito ay naguluhan na ako." 

Tama ako. Singsing nga nila iyon ni Jaxon. Paanong hindi ko malalaman kung lagi niya 'yong pinapakita sakin noon?

That ring is a Tiffany & Co 'Lucida'. It is patented mixed-cut diamond with wide corners in a setting of brilliant diamonds. I think it costs expensive dollars.

"Paano kung malaman mo na may pamilya ka na?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Paano kung malaman mo na may pamilya ka na?"

Sasagot palang sana ito ng biglang bumukas ang pinto at pumasok sina Mommy at Daddy.

"Good morning iha!" I smile when Mom hugged Sohvi. Ngayon ko nalang ulit siya nakitang ganyan kasaya.

Nagpaalam na muna ako sa kanila at lumabas na. I think I should figure out what's going on to Sohvi, kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin siya nakakaalala.

At kapag nalaman kong may kinalaman dito ang Jonas na iyon, hindi ako magdadalawang isip na pabagsakin siya.

I'll make sure of that.

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon