Part 1: MRH 17

1.9K 31 4
                                    

Nandito na ako sa Hospital at inaantay nalang na manganak ako. Desisyon talaga ni Jaxon na dapat bago ako manganak ay nasa Hospital ako, baka daw kasi hindi niya kayanin mag-drive. Hahahaha 😂

"Mommy, hindi pa ba lalabas si Baby?" Napatawa naman ako kay Matthew, kanina pa niya ako kinukulit tungkol doon.

"Hindi pa Matt eh, excited na talaga ang Kuya." Napangiti naman siya at hinawakan ang tiyan ko.

"Excited na po kami ni Stephen, Mom. Nakapag-plano na nga po kami para sa binyag ni baby." Lalo akong napatawa.

Hinawakan ko ang buhok niya at ginulo ito.

Ngumiti naman siya ng maliit at tumingin sa akin na may pangamba sa mata niya. Ha? Bakit?

"But Mom, I'm scared." Nangunot naman ang noo ko at tumango senyales para ituloy niya.

"I-I might scare her, or kaya masaktan ko siya." Napangiti naman ako at tinap ang space sa gilid ko para maupo siya.

Sumunod naman siya agad saka ko iniakbay ang braso ko.

"I assure you, son na hindi yun mangyayari. You know what? Kapag nandiyan kayo ng kambal mo, sumisipa lagi si baby at alam ko na natutuwa siya." Lumiwanag naman ang mukha niya sa sinabi ko.

"Really?" Manghang tanong niya.

"Uhuh. Stephen, come here!" Lumapit naman samin si Stephen. Parehas kong hinawakan ang kamay nila at inilagay sa tiyan ko.

Bigla naman silang nagtatatalon nung naramdaman nila ang pagsipa ng kapatid nila.

These kids, alam kong magiging mabuti silang kuya sa bunso namin.

Sakto namang pumasok si Jaxon, agad lumapit ang kambal sa kaniya at nag-unahan sa pag-kwento.

"Dad! Ang galing sumipa po si baby natin!" Stephen


"Oo nga Dad! Sabi ni Mommy, masaya daw si baby!" Matthew


Nakita ko naman ang pagngiti ni Jaxon bago niyakag ang dalawa papunta sa akin. Humalik siya sa labi ko bago naupo.

"Ayos ka lang ba?" Tumango naman ako at hinawakan ang kamay niya.

"I'm happy." Mahinang bulong ko. "Kasi ngayon, nandito ka habang manganganak ako." Kasabay non ang pagtulo ng isanv luha mula sa mata ko.

Agad iyong pinahid ni Jaxon at hinalikan ang likod ng kamay ko.

"I'll stay with you forever, wife. Kahit saan ka pa magpunta, hahanapin kita." Sincerity is written all over his face, dahan-dahang lumapit ang mukha niya...

Pero biglang...

"A-aray!" Napahawak ako sa tiyan ko ng bigla itong sumakit. Agad lumayo si Jaxon at natatarantang tiningnan ako.

"What happened!?" Hindi ko nasagot ang tanong niya ng sumakit ulit ang tiyan ko at napaiyak na ako dahil sa sakit.

"Call the doctor, Stephen!"

"Shhh! Inhale! Exhale!" Sinunod ko agad si Jaxon habang mahigpit na hinahawakan ang kamay niya. Naramdaman ko naring basa ang hita ko.


---


"One last push Mrs!" Mahigpit ang kapit ko kay Jaxon habang hinihingal.


Somehow, I feel relieved kahit na nanganganak ako. Dahil nandito si Jaxon, nandito ang mahal ko.

"Kaya mo yan, wife! Push!" Umire na ako ng isang napaka-lakas at narinig na namin ang iyak ng isang bata.

Iyak ng baby namin.

"I'm so proud of you, wife. Thank you. I love you so much." Bulong sakin ni Jaxon, napangiti naman ako at nararamdaman ko na ang pagod.

"You can rest now, Mommy." Huling narinig ko bago pa dumilim ang lahat.



---

Malapit na ang exciting part sa story! Omg. Pero bago yon, don't expect na mag-a-update ako in the next 4 days. Out of town ang peg ng Lola niyo. 😂


God Bless!

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon