Part 2: MRH 7

1.5K 24 4
                                    

Solar

Naguguluhan na ako sa pangyayari. Simula kasi nung nagkatagpo sina Jonas at Jaxon ay masyado na akong pinaghihigpitan ni Jonas.

"Sabing wag ka munang pumasok, Solar." Madiin na sabi nito, napapikit ako ng madiin at sinamaan siya ng tingin.

"Bakit ba Jonas? Ano bang problema mo!?" Naiinis na sumbat ko, nakita ko naman ang pagbabago ng ekspresyon niya naging malumanay na ito.

"Please Solar, makinig ka sakin." Pakiusap niya pero inirapan ko lang siya at tuluyan ng umalis ng bahay niya kung saan ako nakikitira.

Habang papunta ako sa eskwelahan ay napapangiti ako. Naaalala ko kasi nung inimbitahan ako ni Jaxon sa Mother's Day event, sobrang gaan ng pakiramdam ko sa mga anak niya na para bang ayaw ko ng humiwalay sa mga ito.

"Good morning Solar!" Napangiti naman ako ng mabungaran si Jaxon sa harap ng classroom ko. Ngumiti siya at inabot sakin ang bouquet ng white rose.

Napailing ako at tinanggap ang bouquet.

"Nandito ka nanaman?" Kunwaring naiinis ako, natawa naman siya at pinagbuksan ako ng pinto.

Nilapag ko ang bag sa lamesa at inayos ang mga upuan ng mga estudyante ko, tumulong narin siya sa pag-aayos.

"If I know namimiss mo na ang kagwapuhan ko." Sagot nito at kinindatan pa ako, loko talaga.

"Ang hangin mo." Sagot ko nalang, tinaasan niya lang ako ng kilay at mapang-asar na tumawa.

Nagku-kwentuhan lang kami habang inaantay ang mga estudyante ko. Paunti-unti na rin naman silang dumarating kaya ng makumpleto sila ay pinalayas ko na si Jaxon.

Kahit ayoko pa---- joke.

"Teacher, is he your boyfriend?" Tanong ng isang estudyante ko, natawa naman ako at umiling.

"No, baby." Sagot ko dito at sinumulan na ang pagtuturo ko.

Si Jaxon? Boyfriend ko? Sana nga.

ECHOS LANG.






Short POV of Solar

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon