Part 2: MRH 4

1.5K 21 6
                                    

Kinansela ko lahat ng schedule ko ngayon para dalawin ang aking asawa sa school kung saan siya nagtatrabaho.

"Good morning Mr. Hatfield, may kailangan po ba kayo?" Tanong ng Principal na nakasalubong ko. Good thing na sinusuportahan ko ang school na ito kaya malaya akong makakapasok.

"Good morning too. Nandito ba si Solar?"

"Yes Mr. Hatfield, gusto mo bang ipatawag ko siya?" Umiling-iling ako at tinanong kung saan ito nagtuturo.

Pagkarating ko sa classroom ay nakita ko siyang masayang nagtuturo sa mga bata na nasa unang baitang pa lamang. Halatang masaya siya sa kaniyang ginagawa, maaliwalas din ang kaniyang mukha.

Buong klase niya ay nakatitig lang ako sa kaniya. Nang mag-recess ang mga bata ay inintay kong maubos muna ang mga estudyante sa loob bago kumatok sa pinto.

"Pasok!" Rinig kong sabi niya at dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

"Ikaw?" Gulat nitong sabi ng makita ako sa pinto, ngumiti ako ng matamis at sinarado ito.

"Good morning." Bati ko at umupo sa harapan ng kaniyang mesa. Umupo na siya at inayos ang buhok nito. Gorgeous.

"Good morning din. Bakit ka nga pala nandito?" Magalang na tanong nito.

Nilapag ko ang I.D niya sa lamesa at tinulak ito papunta sa kaniya.

"Napansin ko kasi yan kaya pinulot ko na. Pasensya ka na nga pala sa nangyari doon."

Kinuha niya ang I.D at kinabit sa lace niya.

"Salamat ha. At saka wala na 'yon sakin, siguro kamukha ko lang ang asawa mo." No wife, ikaw talaga ang asawa ko.

Ngumiti lang ako at inabot ang kamay sa kaniya.

"By the way, I'm Jaxon Hatfield." Pormal na pagpapakilala ko, inabot naman niya ang kamay at ngumiti.

"Solar Kristine Nueva." Bibitaw na sana siya pero mas hinigpitan ko ang hawak dito bago pakawalan.

"Let's be friends." Hindi tanong ang sinabi ko kundi utos. Hahaha.

"Oh, okay. Friends." Natatawa niyang sagot na nagpangiti sakin. Same laugh.

"Nga pala. Are you free this Sunday?" Napatingin naman siya sa calendar niya sa lamesa bago tumingin muli sakin.

"Yap. Bakit?"

Kinuha ko ang invitation at nilapag sa lamesa.

"I just want to invite you sa Mother's day event ng University. Doon kasi nag-aaral ang kambal kong anak kaso wala na ang Mommy nila." Napabuntong hininga pang sabi ko, nakita ko naman ang paglambot ng expression niya.

"Nasaan ba ang Mommy nila?" Usisa nito. Gusto ko sanang sabihin na ito nasa harapan ko.

"Wala na siya, matagal na."

Tumahimik muna saglit kaya napaismid ako bago siya lungin muli.

"Papayag ka ba? Nung isang araw lang ay napaaway ang mga anak ko dahil tinukso silang walang Ina. Ayoko lang na mangyari ulit iyon."

"Ganun ba. Sige sasama ako, sana lang tanggapin ako ng mga anak mo na ako ang pupunta." Lumaki ang ngiti ko at hinawakan ang mga kamay niya.

"Thank you! I owe you this one. I promise na tatanggapin ka ng mga anak nati-- ko." Ngumiti siya at nagpaalam na akong aalis.

Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong ako ng mga anak ko at excited sa ibabalita ko.

"Pumayag ba si Mommy?" Tanong agad ni Stephen. Masaya naman akong tumango na ikinatalon nila sa tuwa.

Magkakasama narin tayo sa wakas. 

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon