Part 2: MRH 12

1.5K 27 0
                                    

Conclusions are suffocating my mind now. Hindi ko na alam kung papaniwalaan ko pa ba si Jonas o susundin ko ang sinasabi ng puso ko? Ilang araw na akong hindi nakakaalis sa pamamahay na ito.

Nalaman ni Jonas na ako ang representative ng school para sa event na collaboration ng school namin at ng kumpanya nina Jaxon. Galit na galit siya, bakit daw ako lumalapit sa kapatid niya. I can't understand his point.

Kinuha niya pa ang cellphone ko for whoever's sake! Ano ako, preso!?

Kaya ngayon ay nag-iisip na ako ng paraan kung papaano makakaalis dito.

Ah! Ang kambal na anak ni Jaxon!

Agad kong hinalungkat sa damitan ko ang lumang cellphone, maliit lang ito at naghihingalo na pero sana ay umayon ito ngayon.

Nang magbukas ito ay sinalpak ko ang natago kong sim card at tinawagan ang binigay na numero sakin ng kambal, iyon ang natatandaan ko dahil pinakabisado pa nila ito sa akin.

Wala pang ilang minuto ay may sumagot na ng tawag.

"Hello?" Nabosesan kong si Matthew ito.

"Matthew! Please tulungan mo ako!---" Sasabihin ko pa sana ang address ko ng maputol ang tawag at tuluyan na ngang namatay ang cellphone ko.

Bigla naman akong nataranta ng makarinig ng mga yabag sa labas ng kwarto ko. Sht, nandito na ba si Jonas?

"Solar! Buksan mo ang pinto!" Nanlaki ang mga mata ko at agad sinarado ang damitan ko. Hinigit ang mabigat na lamesa at iniharang iyon sa aking pintuan, ayokong makapasok dito si Jonas.

Nakakatakot siyang magalit.

"Please Solar, we need to talk. Hindi kita sasaktan." Naging malumanay na ang boses nito pero ayoko parin. Para kaya siyang mangangain nung huling beses na nag-usap kami.

Hihintayon ko nalang sina Stephen at Matthew.

Hindi nga ako nabigo dahil wala pang isang oras ay may narinig na akong mga busina sa labas, sumilip ako at nakita sina Jaxon, Eleven at ang kambal.

Akala ko ang kambal lang ang pupunta.

Nakita ko silang pumasok ng bahay at ilang saglit pa ay narinig ko na ang pagkatok at pagtawag sakin nina Matthew.

Agad kong inalis ang lamesa at binuksan ang pinto. Doon ko nakita na hawak-hawak ni Eleven si Jonas at Jaxon naman ay handa na itong suntukin kaya naman agad ko itong nilapitan at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Tama na." Mahinang sabi ko. Lumingon naman siya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

Pagkatapos niya akong yakapin ay huniwalay siya at tiningnan ng masama si Jonas.

"May ginawa ba sayo ang gagong yan?" Tiim bagang na tanong niya. Umiling-iling na lamang ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

"Wala. Tinawagan ko ang kambal para magpasundo, sorry kung naabala ko kayo." Pagsisinungaling ko, nilapitan naman ako ni Eleven at pabalibag na binitawan si Jonas.

"Doon ka na sa amin, Solar." Deklara nito at sinama na nila ako, tiningnan ko naman si Jonas na masama ang tingin sa kapatid niya.

Naguguluhan na talaga ako sa kaniya. Bakit bigla nalang siyang nagbago?

Nakarating kami sa mansion nina Eleven, agad naman akong dinaluhan nina Mommy at Daddy -- Eleven's parents, yun daw dapat ang itawag ko sa kanila.

"Did Tito Jonas hurt you Mom-- I mean Tita Solar?" Nag-aalalang tanong ni Stephen, napangiti naman ako at ginulo ang buhok niya.

"Salamat sa pagsundo niyo sakin." Sabi ko at binalewala ang tanong nito.

Ayokong sagutin dahil totoong nasaktan ako ni Jonas. Physically and emotionally. Noong araw na galing ako dito ay nalaman niya.

"Galing ka sa mansion ng mga Harper!?" Salubong sa akin ni Jonas ng makapasok ako ng bahay. Nangunot ang noo ko sa inasta niya.

"Bakit parang galit ka? May masama ba?" Tanong ko. Napasigaw naman ako sa sakit ng mahigpit niyang hilahin ang braso ko at tumama ang likod ko sa pader.

Tinitigan niya ako habang mahigpit paring nakahawak sa braso ko.

"Ano ba Jonas! Bakit ka ba ganyan?" Naiiyak na tanong ko.

"Simula ngayon, hindi ka lalabas ng bahay!" Huling sabi nito bago pabalibag na bitawan ang braso ko.

Dahan-dahan naman akong napaupo habang lumuluha. Anong nangyari sa kaniya? Ibang-iba siya sa Jonas na kilala ko.

"Are you okay, Solar?" Nabalik naman ako sa realidad ng magsalita si Jaxon sa gilid ko. Tipid ko siyang nginitian at tumango.

"Ayos lang, pasensya na nga pala sa abala." Ngumiti ito at naramdaman ko ang braso nito na pumaikot sa bewang ko.

"Hindi ka naging abala sakin, Solar. Sabihin mo lang sakin kapag may ginawa ang Jonas na yun, I'll definitely kill him."

Bakit ka ba ganyan Jaxon? Naguguluhan tuloy ako kung sino ka talaga.

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon