Part 2: MRH 9

1.8K 33 5
                                    

I sincerely dedicate this chapter to @ericahannah16 . Salamat sa laging pag-vote! Huhuhuhu sobra akong natutuwa. God Bless! 😘

--

"What do you need?" Bagot na tanong niya. Nginisian ko siya at uminom ng kape na kaka-serve lang sa amin.

"My wife. I need my wife." Madiin na sagot ko, nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya kaya hinanda ko na ang sarili ko.

"Your wife? Akala mo ba hindi ko alam ang kagaguhan mo noon?" Ako naman ang napayukom ang kamao sa sinabi niya. Wala siyang alam sa nangyari noon!

"Really? Alam mo? Alam mo rin ba na nagsisimula palang kami ulit nung kinuha mo siya samin?" Giit ko. Napatayo na siya at kinwelyuhan ako.

"Kahit anong sabihin mo, akin na ang asawa mo at wala siyang matatandaan ni isa sa mga ala-ala niyo." Dahil sa sinabi niya ay nanggigigil ko siyang tinapunan ng suntok.

Napatumba siya at agad ko siyang dinaganan para paulanan ng mga suntok.

"Walang hiya ka! Sinira mo ang pamilya kong hayop ka!" Ni hindi siya makalaban dahil sa sunod-sunod na suntok ko. Tumayo ako at tiningnan siya ng masama.

"Tandaan mo 'to Jonas, wala akong pakialam kung kapatid kita kaya lahat gagawin ko mabawi ko lang ang asawa ko." Bago ako tuluyang umalis ay tinadyakan ko siya.

Believe me, napakahirap para sa akin nito. Gago man kaming dalawa noon ni Jonas ay masasabi kong close talaga kami. Pero walang kapa-kapatid ngayon, kukuhanin ko sa kaniya ang asawa ko.

Sinisimulan na ang plano para sa gaganaping Teacher's Day sa school kung saan nagtatrabaho si Luna. Ginawa ko itong engrande dahil hindi lamang Teacher's Day ang magaganap doon.

"So it's settled, it will be held on next 3 months." Pinale kong sabi, tumango ang lahat at tinapos ko na ang meeting.

"Solar, please stay." Nagtinginan naman ang mga empleyado pero hindi ko nalang sila pinansin.

Inantay kong maubos sila bago isara at i-lock ang pintuan, agad akong lumapit sa asawa ko at walang babalang niyakap siya.

"Ah-eh, Jaxon ano bang ginagawa mo?" Mahina niyang tanong pero hindi naman niya ako tinutulak kaya lalo ko siyang niyakap.

"I'm so tired, Solar. I need rest." Pag-amin ko, kinapa-kapa niya ang leeg ko at biglang humiwalay sakin.

"Ang init mo! May mahihigaan ka ba?" Tinuro ko ang isang pinto na karugtong ng opisina ko, inalalayan naman niya ako papunta doon at tinuro ko sa kanya ang secret room ko na may kama.

Inihiga niya ako at umupo naman siya sa tabi ko. Argh, gusto ko siyang katabing humiga.

"Bakit ba kasi pinilit mo pang pumasok kung may sakit ka naman pala?" Sermon nito na nagpangiti sa akin, ramdam ko kasi ang pag-aalala niya.

"Ngiti-ngiti ka pa diyan. Hay, saglit lang at pupunasan kita." Hindi na ako nagreklamo pa at sinimulan na niya akong punasan kahit alam kong naiilang siya.

Buong araw niya akong inalagaan at hindi iniwan. Sinabi ko ngang umuwi na dahil baka mahawa siya pero ayaw naman niya akong sundin.

"Dito muna ako hangga't hindi bumababa ang lagnat mo." Bossy niyang sabi, napangiti nalang ako at hinalikan ang kamay niya.

"Alright. I'll just sleep, good night my love."

At nakangiti kong ipinikit ang mga mata ko habang hawak ang kamay niya.

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon