Part 1: The End4

3.3K 59 6
                                    

Nandito ako sa bahay dahil day off ko ngayon, hindi ko naman madadalaw si Matthew dahil may special class ito ngayong araw at saka gusto ko munang bumawi kay Stephen.

Kaya ito, nandito kami sa isang Mall. Actually, ayaw niya sa mga malls pero dito siya nagyaya dahil may bibilhin daw siya and para kanino? Para lang naman doon sa 'classmate' niya na lagi niyang kinuwkento. I bet na gusto niya yung girl na 'yon.

"Steph, ano bang hinahanap mo?" Kanina pa kasi kami dito sa may department store sa section ng damit ng mga babae, kanina parin siya pinagtitinginan dahil bukod sa gwapo ang anak ko ay siya ang naghahalungkat ng mga damit dito.

"Ito Mom oh." Tinapat niya sakin ang phone niya at pinakita ang isang damit. Simple white dress na mayroong gold belt, hinigit ko na ang anak ko paalis ng Department store dahil alam ko naman kung saan makakabili non.

"Mom! Hindi ko pa nahahanap yung damit! Wait lang po!" Natawa nalang ako sa anak ko habang higit-higit ko siya, dinala ko siya sa isang boutique at pinakita sa kaniya ang dress na hinahanap niya.

"Ito ba ang hinahanap mo?" Nakangiting tanong ko, ngumiti naman siya at tumango-tango. "Wow Mom! Alam mo pala kung saan makakakita ng ganyan." Natawa naman ako at iniabot iyon sa kaniya.

Habang binabayaran niya ang dress, take note sa kaniyang pera ang ginamit niya, ay nagtitingin-tingin lang ako at hindi sinasadyang mapatingin sa isang lalaki sa labas ng boutique. Naramdaman ko ang galit na dumaloy sa katawan ko, nahanap narin kita.

"Anak diyan ka muna ha."

Lumabas ako ng boutique at pasimpleng dumaan sa harapan niya. "S-sohvi?" Tumigil naman ako sa harapan niya at ngumisi. "Oh wow, nandito ka pala Mr. Zachary?" Nakita ko siyang namutla at hindi mapakali.

"M-may kailangan ka ba?" Halatang kabado na tanong niya. Ngumisi ako at medyo lumapit pa sa kaniya. "Kailangan? Meron naman." Nakita kong pinagpawisan na siya kaya lumapit pa ako at tumapat sa tenga niya. "Kailangan kong gumanti sa ginawa niyo." Bulong ko at umalis na sa harapan niya para balikan ang anak ko.

"Saan ka galing Mom?" Ngumiti naman ako ng masigla sa anak ko. "May nakita kasi akong dating kaibigan kaya nilapitan ko muna."

Dating kaibigan. Kaibigan ni Jaxon na nagtulak sa kaniya para iwan ako, ang dahilan kung bakit kinuha ni Jaxon ang anak ko.

--

Humahangos na umalis ng mall si Zach at agad pumunta sa opisina ni Jaxon.

"Oh? Bakit parang balisa ka?" Bungad sa kaniya ni Jaxon.

"Nagkita na ba kayo ni Sohvi?" Walang paligoy-ligoy na tanong ni Zach sa kaibigan, nalilito namang tumango si Jaxon.

"Yes, nakita niya na ngarin si Matthew---"

"What!? Sht! Pare hindi mo kilala si Sohvi ngayon!"

"Ano bang sinasabi mo, Zach? Siya parin si Sohvi Luna na asawa ko at nagkaayos na kami." Nalilitong sagot ni Jaxon, napasabunot naman ng buhok si Zach at umupo sa tapat ni Jaxon.

"Look Jaxon, ginagantihan ka lang ni Sohvi. Hindi ka ba nagtataka na basta-basta nalang kayong nagkaayos? Gumising ka pre! Ginagantihan ka lang ni Sohvi at para makuha niya ang anak niyo!"

Nagulat naman si Jaxon sa sinabi ni Zachary pero hindi parin siya nagpaniwala dito.

"Huwag mo ngang siraan si Sohvi, Zach! Nagulat ka lang siguro sa balita kaya ka nagkakaganyan." Sita ni Jaxon pero ayaw paring sumuko ni Zachary kaya walang ibang nagawa si Jaxon kundi paalisin ang kaibigan.

Napasandal si Jaxon sa kaniyang upuan at napabuga ng hangin.

Hindi mo naman ako ginagantihan, diba? Hindi mo magaga 'yon diba, Luna?

Naiisip pa lang ni Jaxon na ginagantihan lamang siya ng asawa ay naninikip na ang dibdib niya. Sana ay hindi totoo ang sinabi ng kaibigan dahil hindi niya alam ang gagawin, baka hindi niya kayanin kung ganoon nga ang hangarin ngayon ng asawa.

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon