Part 1: The End 6

2.9K 54 3
                                    

Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Jaxon ay naging maluwag na ulit siya sa mga pagbisita ko kay Matthew, hinahayaan niya narin na lumabas kami ng anak ko na kami lang.

"Mom, saan po tayo pupunta?" tanong ni Matthew habang nagmamaneho ako papunta sa bahay namin, gusto ko kasi na ipakilala na siya sa kapatid niya. Alam ko naman na makakarating kay Jaxon ito pero syempre, alam ko na ang mga ginagawa ko.

"Nandito na tayo." Bumaba na ako at pinagbuksan ng pinto ang anak ko, pagbaba niya ay agad siyang kumapit sa akin. Ganito daw talaga si Matthew kapag hindi niya alam ang lugar.

Ngumiti lang ako sa kaniya at dinala siya sa Garden ng bahay namin, nakita ko naman doon si Stephen na naglalaro kasama ng aso nito. "Stephen anak!" Agad lumingon sa amin si Stephen at nagliwanag ang mukha niya ng makita si Matthew.

"Mom! Matthew!" Niyakap niya agad ang kakambal, nakita ko ang pagkalito sa mukha ni Matthew pero agad din siyang gumanti sa yakap ni Stephen. Bigla nalang tumulo ang luha ko sa nakitang tagpo nilang magkapatid.

Nang humiwalay sila sa yakap ay agad akog binalingan ni Matthew. "Mom, k-kapatid ko po ba siya?" Alangan na tanong niya sakin, tumango naman ako at ngumiti. "Yes Matthew, siya si Stephen ang kakambal mo."

--

Habang naglalaro sila sa Garden ay masaya lang akong nakatanaw sa kanila, hindi na muling nagtanong pa kanina sa Matthew. Nang kumpirmahin ko na kambal sila, ayun nag-solo na ang dalawa at hindi na ako pinansin. Hahahaha.

"Happy?" Ngumiti naman ako kay Eleven at tumango. "Sobra." Masayang sagot ko, tumabi naman siya sakin at inakbayan ako.

"Itutuloy mo pa ba?" Natigilan naman ako sa tanong niya at napabuga ng hangin. "Oo naman, hindi ko pa nga nasisimulan eh."

"Sigurado ka ba? Don't get me wrong Sohvi, pero baka magsisi ka sa huli."

"Alam ko naman ang mga consequences na kahaharapin ko, Eleven. Pero hindi narin ako mapipigilan."

"Hindi na ba talaga? Paano ang mga anak mo?"

"Sa akin sila, Eleven. Kahit anong mangyari sa amin ni Jaxon, sa akin sila."

Tumayo na si Eleven at tinapik ang balikat ko. "Kahit anong desisyon mo, nasayo ang suporta ko. Basta isipin mo munang mabuti bago ka kumilos ha?" Napangiti naman ako.

"Salamat."

Paano ko nga ba nahanap ang tunay kong pamilya?

Natandaan ko, noong mga panahon na iniwan kami ni Jaxon. Walang-wala ako noon at wala akong malapitan, nasa kalagitnaan ako ng ulan bitbit si Stephen nang tumigil ang kotse ni Eleven sa tapat namin. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari noon dahil paggising ko ay nasa mansion na ako, nahimatay daw kasi ako at mabuti nalang ay mahigpit ang hawak ko kay Stephen.

Nakilala ko naman na sila ang tunay kong pamilya nang makita ko ang larawan ko noong bata pa ako sa kwarto ni Eleven. Kinwento sa akin ng totoo kong mga magulang na ninakaw lang ako mula sa kanila dahil narin sa galit ng mga kumuha sa akin.

"MOM!" Napatingin naman ako sa kambal, tumakbo sila papunta sa akin at niyakap ako.

"May kailangan ba ang kambal ko? Hmm?" Ngumiti naman sila at bigla nalang hinalikan ang magkabilang pisngi ko.

"Gusto lang po namin na mag-thank you kasi pinakilala niyo na po kami sa isa't-isa!" Masayang wika ni Stephen.

"Yes Mom, I'm so happy na makilala ko na ang kakambal ko." Ani naman ni Matthew.

Napangiti naman ako at niyakap silang dalawa. "Lahat gagawin ni Mommy para inyo, mahal na mahal ko kayo."

"We love you too Mom."

Kung hindi mo sana kami iniwan noon Jaxon, masaya sana tayo ngayon.

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon