Part 1: The End 12

2.6K 45 4
                                    

Hindi ko na alam kung paano susundan ang story, nawala ata ako sa plot. 😂😂

----

Jaxon's POV

Hanggang ngayon ay hindi parin gumigising si Luna, napag-alaman rin namin ang sakit niya sa puso kaya naman nang maging maayos ang kalagayan niya ay agad siyang inoperahan.

Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin na may sakit siya?

Nagbabantay ako sa kaniya ngayon dito sa Hospital habang ang kambal naman ay nasa hotel malapit dito.

Bumukas ang pinto at pumasok si Eleven na may bitbit na pagkain, nilapag niya iyon sa lamesa at naupo sa sofa. Binalik ko nalang ang atensyon sa asawa ko na mahimbing paring natutulog.

"Nandoon ka ba nung mga panahon na nanganak ang kapatid ko?" Napalingon naman ako kay Eleven at umiling.

Oo, wala ako nung panahon na pinanganak niya ang kambal. Gag* kasi ako.

"Kaya pala nagulat ka ng malaman mo na may sakit siya?"

"Ha?"

Bigla namang sumeryoso ang mukha niya at umayod ng pagkakaupo.

"Sinabi lang ito sa akin ni Sohvi ng matagpuan ko siya." Tumango naman ako, senyales na ipagpatuloy niya.

"Bago siya manganak, nalaman ng mga Doctor na may sakit siya sa puso. Sinabi nila na kapag pinilit ni Sohvi ang mag-normal delivery, pwede niya itong ikamatay. Gusto man ng mga Doctor na gawing CS ang delivery ni Sohvi ay pinilit ni Sohvi na mag-normal delivery. Kaya kahit nasa alanganin ang buhay ni Sohvi, pinanganak niya parin ang kambal niyo."

Gumapang ang konsensya sa katawan ko at nakaramdam din ako ng bigat sa puso. Kung nandoon lang sana ako, kung inalagaan ko lang sana siya noon.

Argh! Ang laki kong gag*!

Napasabunot nalang ako sa buhok ko.

"Hindi ko 'to sinasabi sayo para konsensyahin ka. Papayagan kitang suyuin ulit ang kapatid ko pero sana hindi mo na siya saktan pa, madami na siyang pinagdaanan dahil sayo."

Tumayo na siya at nagpaalan na pupuntahan ang kambal.

Binaling ko naman ang atensyon kay Luna, hinawakan ko ang kamay niya at marahan itong hinalikan.

"Babawi ako Luna. Alam kong napaka-gag* ko at hindi ko na deserve ang pagmamahal mo pero babawi ako, pupunan ko lahat ng araw na wala ako sa tabi niyo."

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon