Ito na ang araw na pinakahihintay ng mga anak ko. Ngayon na kasi ang Mother's Day event ng University, in-excuse ko pa sa klase si Crystal para makita niya ang Mommy niya.
"Ang tagal naman ni Mommy, Daddy." Naiinip na reklamo ni Crystal, napatawa naman ako at kinurot ang pisngi niya. Still my little princess.
"Malapit na si Mommy, Princess."
At hindi nga ako nagkamali dahil biglang may tumigil na taxi sa harapan namin at nagmamadaling bumaba mula dito si Luna (Solar).
"Mommy!" Sabay-sabay na sigaw ng mga anak namin at niyakap ito. Nakita ko ang pag-iyak ng mga anak ko habang yakap-yakap nila ang Mommy nila.
"Ah eh... Hello?" Naguguluhang sagot ni Luna pero niyakap niya parin ang mga anak namin.
Umayos naman ng tayo ang mga anak ko at nagpahid ng luha.
"Mommy, wear this po!" Masiglang inabot ni Matthew ang family shirt kay Luna.
"Let's go Mommy sa restroom!" Excited na sabi ni Crystal at hinigit na ang Mommy niya sa restroom.
"Happy?" Nakangiti kong tanong sa kambal, sabay silang tumango at ngumiti.
"Siya nga si Mommy." Ani ni Stephen habang sinusundan ng tingin ang mag-ina ko na papuntang restroom.
"Kahit hindi niya tayo natatandaan, alam kong masaya siya nung makita kami." Dagdag ni Matthew, inakbayan ko silang dalawa.
"Maghintay lang tayo at gagaling din ang Mommy niyo." Pagbibigay ko ng lakas ng loob, sumang-ayon naman sila at sabay-sabay na naming sinundan ang mag-ina.
Masaya ang lahat ngayon sa Event. Laging sumasali ang mga anak ko at si Luna sa mga laro at kadalasan sila ang nananalo.
Kitang-kita ko sa kanila ang kasiyahan, hindi rin nahirapan si Luna na pakisamahan ang mga anak namin dahil alam kong ramdam niya ang lukso ng dugo sa mga ito kahit hindi niya alam.
"Mommy, paki-punasan naman po yung likod ko." Natawa naman ako ng mahina sa inaasal ng kambal. Mga college student na pero nagpapa-baby parin sa Mommy nila.
Lumapit naman sa kanila si Luna at pinunasan ang pawisang mga likod nila. Agad kong nilabas ang DSLR at kinuhanan sila ng litrato. Perfect.
Natapos ang mga games ng matiwasay at ngayon na ang awarding kuno daw.
"And the winner for the 'Mother of the Year' is none other than Mrs. Luna Hatfield!" Nagtalunan naman ang mga anak ko at dinala ang Mommy nila sa stage, wala namang kamay-malay si Luna na siya ang binanggit dahil nga Solar ang pangalan niya. Hahaha.
Kinuhanan ko sila ng litrato at wala akong pinapalampas na sandali.
"Daddy, halika dito!" Sigaw ni Crystal kaya umakyat narin ako ng stage.
"Family picture!" May isang photographer na pumunta sa harap at kinuhanan kami ng mga litrato.
"Last pose! Daddy, kiss niyo si Mommy!" Kinikilig na sabi ni Crystal. Nakita ko namang namutla si Luna na nagpatawa sakin.
"1....2....3..." Bilang ng photographer, at saktong pag-flash ay hinalikan ko sa pisngi si Luna habang nakatingin siya sa camera.
"Yiiiiieeeeeh!" Kantsaw ng ibang mga tao na nandoon. Kitang-kita ko naman ang panumula sa mukha ng asawa ko na lalong nagpangiti sakin.
I hope maalala niya na lahat para magkakasama na talaga kami.
---
Short update. Good night! 😊
BINABASA MO ANG
Till It Ends [Hermoso Series]
RomanceFormer 'My Runaway Husband' Date: 6/4/16 (9:40 AM)