After 2 days ay tumawag sakin ang mga inutusan ko, naghahanda na ako ngayon para pumunta ulit sa kumpanya ni Jaxon pero hindi para magtrabaho, kundi para kunin ang mayroon siya.
Ang mga anak ko naman ay nasa Lolo't-Lola nila, nasa mga magulang ko. Pinaalam kasi nila sakin na gusto nilang dalhin ang mga bata sa rancho nila, kung saan lumaki si Eleven.
Pumayag naman agad ako dahil mas maayos na iyon kaysa makita nila kami ng Ama nila na magkagulo dito.
Pumasok na ako sa building ng kumpanya ni Jaxon, lahat ay nasa akin ang tingin. Sino nga naman ang hindi mapapatingin kung ang dating secretary ay naka-suot ng magarang damt at may kasamang body guards ngayon?
Dumiretso ako sa Elevator at pinindot ang last floor kung nasaan ang opisina ni Jaxon.
Pagkadating ko sa palapag ay nagkakagulo ang lahat, alam ko na kung bakit. 😏
Tinanggal ko ang shades ko at dire-diretsong pumasok sa opisina niya, nakita kong nakahawak siya sa ulo niya at halata ang pagod sa mukha niya.
"Having a hard time, Mr. Jaxon?" Napalingon agad siya sakin, nang makita niya ako ay dali-dali siyang tumayo at galit na humarap sa akin.
Hindi ko inaasahan ang biglaang paglandas ng palad niya sa mukha ko, sht, nasaan na ba ang mga body guards ko?
"You planned this well, right?" Galit niyang tanong habang mahigpit na hinahawakan ang balikat ko.
Matapang ko siyang hinarap at nginisian.
"Yes, aren't you surprised?" At tumawa ako ng nakakaloko, lalong humigpit ang hawak niya sakin at pabalibag itong binitawan.
Lumayo siya ng bahagya at sinipa ang sofa na nasa harapan niya. "Hindi ko inakala na magagawa mo 'to sakin, Luna."
"Hindi ko rin inakala na magagawa mo akong iwan noon." Madiin na sagot ko, nagulat naman ako ng ibato niya ang vase malapit sa akin.
"Dammit! Kung galit ka sakin dahil doon, sana sinabi mo sakin! Sana hindi ka nagpanggan na pinatawad mo na ako! Sana ako nalang ang pinahirapan mo!"
Tinitigan ko lang siya.
"Bakit? Nung iniwan mo ba ako, ako lang ang nahirapan? Hindi Jaxon! Dahil sa ginawa mo, nahirapan kami ng anak mo! Na umabot sa puntong muntikan nang may mawala samin!"
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya.
"Oh ano? Hindi ka makasagot? Gusto mo bang ilahad ko sa iyo lahat ng paghihirap namin ng anak mo?"
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya habang unti-unting tumutulo ang mga luha ko.
"Iniwan mo kami Jaxon, iniwan mo kami na halos wala ka ng itira! Nagpalaboy-laboy kami sa kalsada at halos wala ng makain. Nagkasakit si Stephen, pero nasaan ka? Habang lumalaki siya, hinahanap ka niya! Pagpasok niya sa school, tinutukso siyang bastardo! Hanggang sa araw na umuwi siyang may pasa sa mukha dahil lang sa panunukso sa kaniya! At naaalala mo pa ba? Noong muntikan na akong malaglagan pero hindi ka man lang dumalaw!? Mas ginusto mo pang hindi nalang sila mabuhay!"
Halos lumabas na ang mga ugat sa leeg ko sa kakasigaw sa kaniya, marahas kong pinunasan ang mga luha ko at nilapag sa lamesa niya ang folder.
"Starting today, ako na ang may-ari ng kumpanya mo at lahat ng ari-arian mo."
---
Matapos ang eksena namin ni Jaxon ay dumiretso ako sa isang bar.
Dapat masaya na ako, diba? Nakapag-higanti na ako sa kaniya, nakuha ko na ang gusto ko pero bakit ganito? Bakit ako umiiyak? Bakit paulit-ulit sa isip ko ang mukha niya?
"Tang***!"
Lumabas na ako ng bar at pasuray-suray na naglakad papunta sa kotse ko pero bago pa 'yon ay may humigit sa akin.
"Let's talk, Luna." Ramdam ko ang galit sa boses niya, napataas ang kilay ko ng makita siya.
"I-ikaw pala! Ang ashawa ko na -- na tinakashan lang ako! Hahaha!"
"You're obviously drunk, Luna. Let's go."
Hindi ko na alam ang nangyari at nagpahigit nalang sa kaniya. Dahan-dahang kong ipinikit ang mga mata ko kasabay ng pagtulo ng isang luha mula dito.
Nagising nalang ako ng bigla kong maramdaman na may nagbuhos sa akin ng tubig, padarag akong bumangon at tiningnan kung sino iyon.
"Jaxon!?" Inilibot ko ang tingin sa kwarto at ngayon ko lang napagtanto na nadito kami sa kwarto namin noon.
"Bakit ako nandito?" Naiinis na tanong ko, kanina lang nasa bar ako ha!
Nakita ko namang ngumisi siya at itinapon ang baso na naglalaman ng alak. Tumingin siya sakin, nakaramdam naman ako ng takot sa mga tingin niya na iyon.
"A-anong gagawin mo?" Nanginginig na tanong ko ng unti-unti siyang lumapit sa pwesto ko.
"Scared huh? Parang kanina lang, ang tapang-tapang mo."
Aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ng mahigpit ang braso ko.
"Asawa naman kita diba? May karapatan naman siguro akong gawin 'to sayo." Bigla nalang niya akong hinalikan ng marahas, pilit akong umiiwas pero hinawakan niya ang pisngi ko ng mahigpit.
Nang bitawan niya ako ay agad akong lumayo sa kaniya.
"Lumayo ka sakin!" Natatakot kong dinuro siya pero ngumisi lang ulit siya.
"Bakit? May karapatan ako sa'yo at sa katawan mo."
"N-no, don't do this to me Jaxon. P-please, don't."
Pero hindi siya nakinig sakin, tinuloy niya ang balak niya sakin.
Matapos niya akong gamitin ngayong gabi ay nakatulog na siya, kahit masakit ang katawan ko ay pilit kong bumangon at nagmadaling umalis.
I hate you Jaxon. I really really hate you.

BINABASA MO ANG
Till It Ends [Hermoso Series]
RomansaFormer 'My Runaway Husband' Date: 6/4/16 (9:40 AM)