Part 2: MRH 33

1.3K 35 5
                                    

NAHULI na ang bumangga sa anak ko at agad itong pinakulong, kahit gustuhin kong diretasahin nalang na patayin siya ay pinigilan ko dahil alam kong Diyos na ang bahala sa kaniya. Pinaasikaso ko nalang ang lahat sa abogado ko dahil gising na si Crystal at pinili niyang sa bahay nalang magpahinga kaya naman nag-leave narin muna ako sa trabaho para maalagaan siya. 

Nagkakasundo narin kami ni Luna sa mga bagay-bagay lalo na sa pag-aalaga sa mga anak namin, pero syempre siya lagi ang panalo. Head over heels kaya ako sa asawa ko kahit hindi niya alam. 

"JAXOOOON!" Napabalikwas ako sa pagkakaupo nang biglang sumigaw si Luna, agad akong tumaas sa pangalawang palapag ng bahay. Nandito kasi silang mag-iina.

"Bakit?" Malumanay na tanong ko, nakaupo silang tatlo sa mahabang sofa habang nanunuod ng mga pelikula habang ako ay inuutus-utusan ng asawa ko na maglinis ng bahay. Great, right?

"Ipagluto mo pa kami ng popcorn, please?" Agad nalusaw ang inis ko sa pang-uutos nila ng makita ko ang 'pleasing face' niya. Ahh, ano bang ginagawa ng asawa ko sakin? Tsk. 

Tumango nalang ako at agad ginawa ang popcorn na hinihiling nila. Masaya naman ako sa ginagawa nilang pag-uutos sakin, at least nagkakaroon sila ng oras para sa isa't-isa. 

Pagkatapos kong lutuin ay sinalin ko na sa malaking bowl at binitbit papunta sa theater room. Pagpasok ko doon ay titig na titig silang lahat sa pelikula na pinapanood, nasa magkabilang gilid ang kambal habang ang asawa at bunso ko naman ay nasa gitna. Napangiti ako, simula nang magising si Crystal ay naging mas malapit na sila ng Ina. Alam ko naman na hindi matitiis ng anak ko na hindi pansinin ang nanay niya. 

"Ito na ang popcorn niyo." Sabay-sabay silang napalingon at agad tumayo si Matthew at kinuha sa akin ang bowl bago bumalik sa pagkakaupo. 

"Daddy, tabi ka samin dito." Nakangiting sabi ni Crystal habang tinuturo ang space sa pagitan nila ni Luna. 

"Hindi pa ako tapos sa gawaing bahay, Princess. Baka magaling ang Mommy mo." Nag-aalangan na sagot ko, nagulat naman ako ng tumayo si Luna at hinigit ako papunta sa sofa na kinuupuan nila.

"Dami mo pang arte, tanda-tanda mo na." Natawa naman ang mga anak namin sa sinabi ng asawa ko. Napangisi naman ako at agad binuhat si Luna paupo sa hita ko. 

"Matanda pala ha!" At sinimulan ko na siyang kilitiin at nakisama naman ang mga anak namin.

Napuno ng tawanan ang theater room, tumigil na ako sa kakakiliti kay Luna at ang mga anak naman namin ang kinikiliti niya ngayon. Napangiti ako sa magandang tanawin na nakikita ko, akala ko hindi na mangyayari ang lahat ng ito; na maging masaya at kumpleto kami. 

Napatingala ako ng maramdaman ko ang pagtutubig ng mga mata ko bago muling sumali sa mag-iina ko. 

Thank You God for giving me this family.



Matapos ang panunuod ng mga pelikula---na nauwi sa kilitian ay nagpasya akong bisitahin sina Mama at Kuya sa mansion namin. Matagal-tagal narin akong hindi nakakabisita sa kanila, at gusto ko rin na dalawin sila para mapuna yung mga panahon na nawala ko dahil sa pagkawala ng memorya ko. 

Bumalik na ang mga memorya ko, kung gaano ako nasaktan noon kay Jaxon hanggang sa magkaayos kami at kung papaano ako nawalan ng memorya dahil sa sunog na naganap sa mall noon. May kasalanan rin si Jonas sa pagkawala ng memorya ko pero hindi ko siya masisisi, alam kong dahil sa pagmamahal niya sakin kaya niya iyon nagawa; minahal ko rin naman siya noong mga panahon na nasa puder niya ako pero na-realize ko na wala nang mas lalamang pa sa pagmamahal ko sa asawa ko--kay Jaxon. Iyon nga lang ay hindi pa nagpapakita ng motibo ang matandang 'yon, aba hindi naman pwede na ako pa ang unang aamin diba? Feeling teenager lang?

Pagbukas palang ng pinto ng mansion ay sinalubong na ako ng yakap ni Mommy, natawa naman ako at niyakap siya pabalik. 

"Ikaw talagang bata ka!" Hindi na ako nakailag ng kurutin niya ako sa tagiliran, natatawa namang kumalas ako sa yakap. 

"Mom naman, hindi na ako bata 'no!" Inirapan naman niya ako at kinurot nanaman sa tagiliran. Ito talagang nanay ko, ang hilig mangurot. 

"Bata ka pa! Iyang isip mo, nako!" Natawa nalang ulit ako at hinila na si Mom papunta sa Dining room kung saan naabutan ko si Dad kasama si Kuya na kumakain na ng miryenda. Aba, bakit kaya wala sa trabaho ang mga 'to?

Agad akong tumakbo papunta kay Daddy at niyakap siya, muntikan naman niyang mahulog ang iniinom na juice kaya napatawa kami. 

"Huwag na kasing masyadong mag-kape, Dad." Natatawa kong sabi bago siya halikan sa pisngi, lumapit naman ako kay Kuya at sinabunutan siya bago maupo sa katabi niyang upuan. 

"Bakit ka napadpad dito, kapatid?" 

"Wala. Masama bang pumunta dito?" Napailing nalang siya sa sagot ko at nagpatuloy sa pagkain. 

"Wait, nasaan nga pala ang asawa mo Kuya?" Takang tanong ko, lagi kaya siyang nakabuntot sa asawa niya. Takot atang maagawan.

"Nasa mga kaibigan niya." 

"Diba kasama doon yung dating manliligaw niya?" Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Kuya at mahinang napamura. Aalis na sana siya ng harangan siya ni Mommy at muling pinaupo sa upuan.

"Tumigil ka riyan, Eleven! Hayaan mo muna ang asawa mo at baka sawang-sawa na sa pagmumukha mo." Natawa naman kaming lahat, habang si Kuya ay hindi na mapinta ang mukha. Kawawang bata. 

"Iyan kasing si Sohvi, Mom!" 

"Bleeh! Takot! Ahh takot!" Pang-aasar ko pa, sinamaan naman ako ng tingin ni Kuya pero unti-unti ding ngumisi. Uh-oh.

"Sus, hindi ka lang niyayaya ulit ng asawa mo na magpakasal eh!" 

"CHE!"

[A/N: I think 5 chapters nalang tapos Epilogue na, wieeeh! Thank you sa pagbabasa! Love lots ~]

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon