Part 2: MRH 35

1.2K 32 6
                                    

Nabanggit ko bang bumalik na ako sa pagtuturo? Kung hindi pa, oo bumalik na ako sa pagtuturo at kung hindi pa edi kunwari hindi niyo nalang alam. 

Pauwi na ako ngayon galing sa eskwelahan dahil half-day lang naman at tapos ko na gawan ng powerpoint ang mga ituturo ko bukas. 

Lalagpasan ko na sana ang isang bake shop nang mapansin kong ang taong nasa loob non, agad kong inatras ang kotse at mabuti na lamang ay wala masyadong dumadaan sa lugar na 'to. Agad kumunot ang noo ko ng makita kung gaano kalaki ang ngiti niya habang kinakausap ang isang babae. 

Aba! At talagang nakikipagtawanan pa ang damuho kong asawa. Oo, asawa ko nga ang nasa loob ng bake shop kasama ang isang mukhang bata pa na babae. Blonde ang buhok at halatang nasa 20's palang ang edad. Napatingin ako sa salamin ng kotse ko; medyo halata na sa mukha ko na 30 na ako pero hindi naman ako ganoon ka-tanda tingnan, maganda parin naman ako ha. 

Bahala siya diyan! 'Wag na 'wag niya akong papansinin sa bahay mamaya..

Mabilis kong pinaandar muli ang kotse at agad akong nakarating ng bahay. Napansin kong wala pa ang mga anak ko kaya agad na akong tumaas sa isa sa mga guest room at ni-lock ang pinto noon. Bahala 'yang asawa kong 'yan, hindi pa nga ulit kami kinakasal tapos nakikipaglandian na sa iba!? 



Napamulat ako ng mga mata ng marinig ang mga katok sa pinto. Nakatulog pala ako? Tumayo ako at bubuksan na sana ang pinto nang maalala ko na baka asawa ko ito, che bahala siya diyan. Hindi ko pa limot ang nakita ko kanina 'no. 

Bumalik ako sa higaan at naupo 'roon. 

"Luna, open the door please." Rinig kong sabi ng asawa ko sa labas. Dahil sa inis ay pinulot ko ang flat shoes ko at hinagis sa pinto, malakas iyong tumunog dahil  sa bigat. 

"May problema ba tayo, Luna?" Napa-irap naman ako. 

"Umalis ka diyan! Hindi ako tatabi sa'yo!" Sigaw ko, pero ang damuho ay patuloy parin sa pagkatok. 

"Ano bang problema, Luna? Stephen! Kuhanin mo ang susi ng guest room!" Agad akong napatayo at pumwesto sa tapat ng pinto.

"Subukan mong buksan 'to Jaxon, tatakasan talaga kita!" Pagbabanta ko. 

"Then tell me kung ano ang problema." Parang nakikiusap ang tinig niya pero hindi ako madadala diyan. 

"Bukas na at gabi na! Lumayas ka na diyan, matutulog na ako." Sabi ko nalang at bumalik muli sa paghiga.

Wala na akong nakarinig na muli pang pag-katok kaya napikit na ako at matutulog na sana ngunit narinig ko ang pag-click ng pinto at ang pagbukas nito. Sisinghalan ko na sana ang asawa ko pero natigilan ako nang marinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga.

"You made me worried, Luna." Mahina niyang simula, mariin kong hinawakan ang kumot at nagpanggap na natutulog. 

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at inalis ang ilang hibla ng aking buhok sa mukha ko. 

"Akala ko nilayasan mo na ako kasi nakita kong nandiyan na yung kotse mo pero wala ka naman dito. Mabuti nalang ay nasabihan na agad ako ng isang katulong bago pa ako magwala." At tumawa siya ng mahina. What? Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to?

"Baliw na siguro ako, Luna. Ayokong hindi kita nakikita at nalalapitan kaya ito, sinuway ko ang utos mo. Pero ayos lang, tulog ka naman at hindi mo alam." 

Loko, nagtutulog-tulugan kamo.

"Ilang taon na ang lumipas pero ang lakas parin ng pintig ng puso ko kapag nakikita kita. Sana lagi nalang tayong ganito, pero syempre gusto ko rin na may basbas tayo ng Diyos."

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon