Part 1: MRH 16

2K 34 3
                                    

Kabuwanan ko na pero hindi ko parin mapigilang mag-crave sa mga weird na pagkain kaya kahit madaling araw ay nagigising ako dahil lang sa pagkain.

Katulad ngayon, inaantay ko si Jaxon na bumalik kasi pinabili ko siya ng strawberry. Sana lang may mahanap siya kasi hindi naman season ng strawberry ngayon.

Anak, bakit kasi gusto mo ng strawberry? Nahihirapan tuloy si Daddy mo.

Sabi ko nga kay Jaxon ay ice cream na strawberry flavored nalang ang bilhin pero umayaw siya at sinabing kung ano ang gusto ko ay yun ang bibilhin niya.

Bumukas ang pinto at pumasok si Jaxon na bitbit ang mga strawberry na nakalagay na sa plato. Napangiti naman ako at agad siyang niyakap.

"Nahirapan ba sa paghahanap ang Daddy?" Paglalambing ko, narinig ko naman ang pagngisi niya at hinalikan ang noo ko.

"Hmm. Kiss lang okay na." Napatawa naman ako sa sinabi niya. Umupo na kami sa kama at nilapag niya ang plato.

"Saan ba gusto ni Daddy?" Malambing parin na tanong ko, lalo namang lumawak ang ngiti niya at tinuro pa ang labi.

May papikit-pikit pa siyang nalalaman.

Napatingin naman ako sa mga strawberry at may naisip na kalokohan. Kinuha ko ang isa at nilapit kay Jaxon at sinubo ito sa labi niya na nakanguso.

"HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Hindi ko napigilan ang tawa ng makita ko ang mukha niya, halatang gulat na gulat.

"Pfft. HAHAHAHAHAHAHAH m-masarap HAHAHAH b-ba?" Nakita ko nalang ang pag-irap niya habang tawa parin ako ng tawa.

Nang makita kong hindi na talaga siya natutuwa ay tumigil na ako sa pagtawa at pinanggigilan ang pisngi niya. Ang cuteeee!

"Shtap itt Momshii." Pakiusap niya pero lalo kong pinanggigilan ang pisngi niya.

Ewan ko ba at talagang nanggigil ako.

Napabitaw nalang ako sa pisngi niya ng makita ang nagtutubig na mata ng asawa ko. Hala!

"Hala, I'm sorry Daddy! Halaaaa, sobrang sakit ba?" Natatarantang tanong ko habang hawak ang mga pisngi niya na sobrang namumula.

Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha ko, bakit kasi pinanggigilan ko siya?

Napatungo ako ng tumulo ang luha ko. Ano ba yan, bakit ang iyakin ko?

Naramdaman ko ang kamay ni Jaxon sa baba ko at inangat ang tingin ko, nakangiti siya habang pinupunasan ang luha't uhog ko.

"Shh, don't cry please. Hindi naman masakit eh, kahit ulitin mo pa ang pagkurot sa pisngi ko." Malambing na sabi niya at patuloy parin sa pagpunas sa mga luha ko.

"S-sorry talaga D-daddy ha?" Ngumiti naman siya ng mas malawak at dinampian ng halik ang labi ko.

"Ayos lang 'yon, Mommy. Okay? Huwag ka ng umiyak, please." Napangiti na ako at niyakap siya sa bewang, na agad naman niyang tinugon.

"I'm so lucky to have you Daddy." Madamdaming sabi ko, naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap niya sakin.

"Mas maswerte ako Mommy. I love you."

Pwede bang sumigaw? Kinikilig kasi ako!

"Ano ba yan, ang tanda na natin pero kinikilig parin ako!" Natatawang sabi ko, natawa rin naman siya at sinubuan ako ng strawberry.

"Walang tanda-tanda sating dalawa, Mommy. Kahit uugod-ugod na tayo ay papakiligin parin kita." Ani niya at kumindat pa. Ang gwapo! Hihihi.

"Oo nalang po Daddy."

"Naging endearment na talaga natin ang Daddy at Mommy 'no?" Napangiti naman ako, siya kasi nagsimula niyan eh.

"Ikaw kasi, pauso ka kaya napagaya ako."

"Napagaya daw pero kinikilig naman." Pang-aasar niya pero nginisian ko lang siya at nilapit ang mukha ko sa mukha niya.

"Ako lang ba ang kinikilig? Ikaw din naman diba, DADDY?" Bulong ko sa tenga niya na nagpalula sa mukha at tenga niya.

Bumalik ako sa pwesto ko at nginisian siya lalo.

"See? Kinikilig ka Daddy." Napailing-iling nalang siya habang ngumingiti sa kalokohan ko.

Well, totoo naman na kinikilig siya. Patay na patay kaya siya sakin! Hihihihi.

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon