Part 2: MRH 10

1.6K 29 9
                                    

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko ng maramdaman kong may yumayakap sakin.

Nang luminaw na ang paningin ko ay nakita ko ang asawa kong mahimbing ang tulog habang nakaunan sa mga braso ko. I smile. Napakagandang panimula ng araw ko.

Nag-stay parin pala siya. Sinusuklay ko ang maigsing buhok niya habang hinahalikan ito, namiss ko 'to. Sobra.

~ Tell me why ~~

Napatingin ako sa cellphone niya, dahan-dahan ko itong kunuha at napakunot ang noo ko ng makita na si Jonas ang tumatawag. Tss, istorbo.

Sinagot ko ang tawag at dahan-dahang tumayo.

"Solar! Nasaan ka ba?"

Napangisi naman ako.

"My wife is still sleeping." Malamig kong sagot, napatigil ito at ilang segundo na hindi nagsalita.

"Kung wala ka ng sasabihin---"

"ANONG GINAWA MO KAY SOLAR!?"

"She's not Solar. She is Sohvi Luna, my wife. As*hole." Madiin kong sabi, narinig ko ang mahinang pagmumura niya sa kabilang linya.

"Ibalik mo na dito si Solar, Jaxon."

"Ibalik? Ha! You're unbelievable, dear brother. Ninakaw mo sakin ang asawa ko." Matapos non ay pinutol ko na ang tawag.

Sakto namang nagising si Luna kaya agad kong binalik ang cellphone sa kama ng hindi niya napapansin.

"Good morning." Umupo ako sa kama at inalalayan siyang maupo, papungas-pungas pa siya at halatang antok pa.

"Morning." Maikling sagot niya at napapapikit ang mga mata. Hinila ko siya at sinandal sa dibdib ko habang hinahagod ang buhok niya.

"I love you." Mahinang bulong ko, tingingnan ko siya at nakitang nakatulog nanaman. Napatawa na lamang ako at binalik siya sa pagkakahiga.

Matapos kong titigan siya ay nagpasya na akong lumabas para tawagan ang secretary ko. Alam kong nandiyan na siya dahil magtatanghali na.

Wala pang 30 minuto ay dumating na ang pagkain na pinabili ko. Bago pumasok sa office ko ay sinabihan ko muna ang secretary ko na i-cancel lahat ng appointments ko ngayong araw.

"Okay ka na ba?" Bungad sakin ni Solar at agad kinapa ang leeg ko, napangiti naman ako at hinawakan ang kamay niya.

"I'm fine, thanks to you. Let's eat?" Halatang hindi pa siya kumbinsido pero nagpahigit narin siya papuntang lamesa.

Nakangiti ko siyang pinagsisilbihan. Na-miss ko ang ganitong tagpo, at hinding-hindi ako magsasawang gawin ito sa kaniya.

"Okay ka na ba talaga?" Tanong niya pa. Kinurot ko na siya sa pisngi dahil sa kakulitan niya.

"Okay na po ako, Ma'am." Inirapan niya lang ako at nagsimula ng kumain.

Nakangiti ko siyang pinagmasdan habang kumakain siya. Still my gorgeous wife.

---

Short ud. 😭

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon