Part 1: The End 1

7.8K 105 2
                                    

"You're hired." Napangiti naman ako at nakipag-kamay, in-assist ako ng isang staff at dinala sa magiging work place ko.

"Thank you." Ngumiti lang siya at umalis na. Napalibot ko naman ang tingin sa magiging opisina ko, secretary lang ang pwesto ko pero enggrande na ang opisina. Paano pa kaya ang opisina ng CEO?

Inayos ko na ang mga gamit ko at nagsimula nang magtrabaho, special request ko talaga na ngayon na ako magsimula na sinang-ayunan naman ng mas mataas sa akin. Nabalitaan ko kasi na ngayon darating ang CEO kaya as his secretary ay kailangan present ako.

Nang matapos ko na ang lahat ng kailangan ayusin ay napansin kong nagkakagulo na ang lahat. Mukhang nandito na nga ang CEO namin kaya naman hinanap ko ang salamin ko sa bag at naglagay ng lipstick, napangisi naman ako.

Let's start the game.

Lumabas na ako ng opisina ko at nakihalo sa mga empleyado na nagkakagulo na sa may harapan ng elevator, nakipagsiksikan naman ako para maka-pwesto sa harapan pero nasa bandang dulo ako malapit sa opisina ng CEO para naman maalalayan ko siya mamaya diba?

Nagbukas ang pinto ng elevator at sabay-sabay yumuko ang mga empleyado, pasimple rin akong yumuko at tiningnan ang CEO na may kasama pang dalawang bodyguard. Diretso lang ang tingin niya kaya naman nag-angat ako mula sa pagkakayuko nang malapit na siya sa pwesto ko.

Nang magtagpo ang aming mata ay saglit siyang natigilan, nagkunwari naman akong nagulat at napaatras. "Luna--" Gulat na sambit niya, naramdaman ko naman ang pagtulo ng isang luha mula sa mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Matagal kaming nagkatinginan, aalis na sana ako pero hindi ko inaasahan na bigla nalang niya akong yakapin sa harapan ng mga empleyado niya.

"Finally! Nakita na kita." Bulong niya habang nakayakap sakin, napangisi naman ako at nagkunwaring humikbi. Naramdaman kong mas hinigpitan niya pa ang yakap at inalalayan niya ako papasok ng opisina niya.

Tss, masyado ata siyang mabait ngayon?

Hinarap niya ako sa kaniya at pinunasan ang mga luha ko, kinulong niya ang mukha ko sa kaniyang mga palad at marahang hinalikan ang noo ko. "I've missed you, Luna. I'm sorry." He sincerely said, hahalikan niya sana ako pero agad akong umiwas at lumayo.

"Bakit mo ako iniwan noon!?" Sigaw ko sa kaniya habang nakaduro ang hintuturo ko, akmang lalapit siya pero agad akong lumayo. "Sumagot ka Jaxon! Bakit mo ako iniwan at sinama mo pa ang anak ko!" Nakaramdam naman ako ng kirot sa puso.

No Sohvi, control your anger.

"Let me explain first Luna, please." Hinigit naman niya ako at muling niyakap, inalalayan niya ako hanggang sa makaupo kami sa sofa ng kaniyang opisina. Umayos siya ng upo pero nanatiling nakayakap sa akin.

"I'm really sorry sa ginawa ko noon, Luna. I left because akala ko hindi pa ako handa sa responsibilidad, akala ko hindi pa ako handang magkaroon ng asawa. I swear, wala akong balak dalhin ang anak natin pero anak ko siya at hindi ko din kayang mawalay siya sakin.--" Pero nakaya mong iwan ang isa mo pang anak. "Pero akala ko lang palang lahat yun Sohvi, dahil nang malayo kami sa'yo ay hindi naging maganda ang buhay namin, lumaki siya na hinahanap ka. Matagal na kitang pinapahanap Luna pero hindi kita mahanap kaya napagdesisyunan naming umuwi para hanapin ka."

Nakatingin lang ako sa kaniya, ngumiti naman siya ng tipid at hinalikan ang noo ko. "Kaya I'm so happy na nandito ka, na nakita kita agad. Kung alam ko lang na makikita kita ng ganito kaaga ay matagal na kaming umuwi. Mahal na mahal kita Luna."

Mahal? Mahal niya ako?

Nakaramdam naman ako ng kirot at saya sa aking dibdib pero hindi ko iyon pinansin. Dahil sa oras na ito, isa lang ang nararamdaman ko. Galit.

"Pwede mo ba akong dalhin sa anak ko, Jaxon?"

Tumango naman siya at umalis muna para may kausapin, agad ko namang nilabas ang cellphone ko at tinawagan si Eleven.

"Kamusta? Nagkita na ba kayo?"

"Yes, and pumayag siyang puntahan namin ang anak ko."

"That's good, balitaan mo nalang ako mamaya pagkauwi mo dito. I'll take care of Stephen first."

"Okay, take care!"

Pumasok naman si Jaxon at sabay na kaming sumakay ng kaniyang kotse. Kaba at excitement ang nararamdaman ko dahil sa unang pagkakataon ay masisilayan ko ang isa ko pang anak, ang anak ko na inilayo ng hudas kong asawa.

Habang nasa biyahe ay bigla na lamang hinawakan ni Jaxon ang aking kamay at hinalikan ito. "I hope we can fix our marriage, Luna. I hope we can fix our family." Ngumiti lang ako sa sinabi niya at hindi nalang umimik.

Natanaw ko na ang mansyon kung saan din ako nakatira ngayon, nang makapasok ang kostse sa loob ay agad akong pinagbuksan ni Jaxon ng pinto at dali-dali akong lumabas. "Nasaan na siya?" Masigla kong tanong, ngumiti naman siya at dinala ako loob ng bahay.

"Matthew son!"

Maya-maya lang ay may nakita akong isang binata na pababa sa hagdan. Awtomatikong tumulo ang mga luha ko nang makita ang anak ko. Hindi pa siya nakakalapit ay patakbo akong pumunta sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. "Anak ko.."

Gayon na lamang ang gulat ko nang itulak niya ako palayo at lumapit kay Jaxon. "Dad who is she?" Tumayo ako ng ayos at lumapit sa kanila, lumuhod ako sa harapan ni Matthew at ngumiti. "Hi Matthew, I'm your mommy."

Nakita ko naman ang pagkagulat sa kaniyang mukha pero agad din siyang lumayo. Hahawakan ko sana siya pero tinampal niya ang mga kamay ko. "Don't touch me!" Sigaw niya sakin, tumayo naman ako at tiningnan si Jaxon.

"Bakit siya ganiyan? Ayaw niya ba sakin?" Nanghihina kong tanong. Napaharap naman ako kay Matthew nang bigla siyang sumigaw. "I don't have a Mom! Iniwan mo kami noon! I hate you!" Napaiyak nalang ako sa sinigaw ng anak ko at agad tumakbo palabas ng bahay nila.

"LUNA! LUNA! WAIT!"

Hindi ko na inintindi pa ang sigaw ni Jaxon, basta tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo at tumigil lang ako nang tuluyan na akong nakalayo.

Naiyukom ko ang mga kamao ko, kasalanan mo 'to Jaxon. Nilayo mo na nga sa akin ang anak ko tapos ako pa ang sinabi mong nang-iwan sa inyo? Ha! Let's see kung hanggang saan ang itatagal mong bwisit ka.


--

Ito na po yung bago! Thank you!


Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon