Part 2: MRH 25

1.2K 18 3
                                    

Mag-uumaga na pero nandito parin ako sa labas ng bahay namin para salubungin si Luna. Nagbabakasakali ako na magbago ang isip niya at balikan niya kami dito.

"Dad?" Napalingon naman ako at nakita si Stephen, may hawak siyang dalawang mug at naglakad papalapit sakin. Hindi ko maiwasang malungkot kapag nakikita ang mga anak ko, paano nalang kapag hindi na kami balikan ni Luna? Paano ang mga anak namin?

"Bakit gising ka na agad?" Tanong ko. Inabot niya sakin ang isang mug, black coffee, alam talaga nila ang paborito ko.

"Actually, wala pa akong tulog Dad."

"Bakit? Hindi ka ba kumportable sa kama mo?" Umiling siya at umupo sa tabi ko.

"Narinig ko kayo kanina ni Mom." Natigilan ako. Narinig niya?

"Huwag mong intindihin 'yon, Stephen. Hindi lang kami nagkaunawaan ng Mommy mo." Pagdadahilan ko.

"No need for excuses,Dad. I heard it clearly." 

Rinig na rinig ko sa boses niya na nasasaktan siya. Pakiramdam ko ay isa akong napaka-walang kwentang ama at asawa, ni hindi ko man lang sila mabigyan ng buong pamilya! Napaka-wala kong kwenta!

"I'm sorry, son. Napaka-wala kong kwentang ama sa inyo, ni hindi ko man lang naipaglaban ang Mommy niyo. Ang gago ko! Ako ang dapat sisihin sa lahat ng nangyayaring 'to. Wala na akong nagawang tama sa pamilya natin---" 

"Don't say that Dad!" Napahinto ako ng bigla siyang sumigaw at tumayo, kitang-kita ko ang mukha niya na hilam na sa luha. 

"Hindi ko man kayo nakasama noon, pero alam kong lahat ginagawa niyo para sa pamilya natin! Kayo ang nag-alaga samin noong mga panahon na akala natin patay na si Mommy, ikaw yung nandiyan kapag tinutukso kaming walang ina at kahit marami kayong ginagawa sa trabaho hindi niyo nalilimutan na kausapin kami. You're the best Dad, Dad. Kaya huwag niyong sabihin na wala kayong kwenta." Napaiyak na lang ako sa sinabi ng anak ko. Ngayon lang siya nag-open sa akin ng ganito. 

"He's right Dad." Napalingon kami at nakita si Matthew na papalapit sa amin. 

"Nakikita namin na ginagawa niyo lahat para sa atin. Desisyon iyon ni Mommy at wala tayong magagawa kundi ang intayin siya." 

Pinunasan ko ang luha ko at pinaupo sila sa harapan ko. 

"Gusto niyo bang malaman kung paano kami naging mag-asawa ng Mommy niyo?" Parehas silang tumango.

"Actually, it's my birthday when we second met...

It's my 22nd birthday today kaya naman nandito kami sa bar ng mga kaibigan ko para mag-celebrate. Nakapag-celebrate narin naman ako sa bahay pero umalis narin kami agad dahil pinipilit lang ako ni  Mom na mag-asawa na. 

No way! I'm just 22 at gusto ko pang mag-enjoy sa buhay. 

And speaking of mag-enjoy, may lumapit sakin na isang kilalang modelo. Jackpot!

"Hey." Pagbati niya at agad akong sinunggaban ng halik. Woah! I didn't know na ganito pala siya. Puro kasi pang-inosente ang minomodel niya kaya't hindi mo talaga aakalain na may ganito siyang ugali. 

Sinenyasan ko ang mga kabarkada ko na may nahuli na ako. Nagtawanan naman sila at nagsi-hiyawan, mga gago talaga. 

"Let's go babe." Pag-aaya nito, bago ako sumunod ay nilibot ko muna ang tingin sa bar counter at napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang isang pamilyar na babae doon. 

"Wait." Pagpigil ko sa kasama ko. Lumingon siya sakin at agad kumawit sa braso ko, ano ba 'to Koala? 

"Why babe? Bilisan na natin." Umiling-iling ako at tinanggal ang braso niya na nakakapit sa braso ko. Hinarap ko siya at binigyan ng isang pamatay na ngiti.

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon