Part 2: MRH 24

1.4K 24 4
                                    

KASALUKUYAN akong nasa opisina, hindi ko naman pwedeng pabayaan 'tong kumpanya na pagmamay-ari na namin simula noon. Si Luna naman ay bumalik na sa pagtuturo niya, pero magre-resign narin siya next month kasabay ng nalalapit na Teacher's day event na pinlano namin noon. 

Inaayos ko narin ang mangyayari sa mismong araw na iyon at sana ay walang maging sagabal. Habang pumipirma ako sa mga papeles ay biglang nag-ring ang telepono na naka-konekta sa sekretarya ko. 

"Mr. Hatfield!" Napadiretso naman ako ng upo ng marinig ang panic sa boses niya. 

"Why?" Nakarinig ako ng pagbagsak ng pinto at bago pa masagot ng sekretarya ko ang tanong ay alam ko na. Pumasok kasi ang kapatid ko na magkasalubong ang kilay at walang hinto-hintong pumunta sa harapan ko. 

"Ibalik mo na sakin si Solar, Jaxon!" Galit nitong sabi. Napatayo ako at kinwelyuhan siya, hindi pa ako nakakaganti sa panggagago niya samin. 

"Hindi Solar ang pangalan niya, Jonas! Asawa ko siya!" Madiing sabi ko bago siya patalsikin gamit ang kamao ko. 

Nilapitan ko siya at hinigit muli ang kwelyo niya patayo. "Kahit kapatid kita, kayang-kaya kitang pataying hayop ka!" Muli ko siyang dinaluhan ng suntok sa mukha bago pindutin ang intercom para tumawag ng security. 

Nakita ko ang pagtayo niya at agad kong nailagan ang suntok na binigay niya pero hindi na ako nakaiwas pa ng tadyakan niya ako sa tiyan kaya naman napaatras ako at nawalan ng balanse. 

"Inagaw mo siya sakin, Jaxon! Akin si Sohvi pero inagaw mong gago ka!" Dumagan na siya sakin at pinaulanan ako ng suntok pero hindi ako nagpatalo at agad rin siyang tinulak at tinadyakan sa tiyan. 

"Hindi ko siya inagaw sayo, Jonas! Alalahanin mong niloko mo siya!" Susugod pa sana siya ulit nang dumating at hawakan na siya ng mga security ko. 

"Hindi ko siya niloko! Pinrotektahan ko lang siya noon pero ikaw naman 'tong nagpahamak sa kaniya! Binuntis mo siyang gago ka!" Sabi niya habang pilit na kumakawala sa mga security, hindi na lamang ako umimik at papaalisin na sana siya ng muli siyang magsalita. 

"Dahil diyan sa mga walanghiya mong anak kaya nagkahiwalay kami!" Tuluyan nang nandilim ang paningin ko at sinugod siya ng isang malakas na suntok sa mukha. Wala siyang karapatan para tawaging walang hiya ang mga anak ko!

"Tangina mo hayop ka!" Hindi ko siya tinigilan hanggang sa makita kong puro dugo na ang mukha niya. Kulang pa iyan para sa sinabi niya sa mga anak ko!

"Anong nangyayari dito!?" Sabay kaming napatingin sa biglang dumating. 

"Ano bang nangyayari sa inyong magkapatid!?" Tila nahihirapang sambit ni Mommy kaya agad ko siyang dinaluhan at hinagod ang likod. 

"Don't mind this, Mom." 

Binalingan ko naman ang mga security at tumango senyales na pwede na nilang dalhin palabas ang kapatid ko. 

"Ayokong nakikita kayong ganito, Jaxon." Umiiyak na sabi ni Mom habang pinapaupo ko siya, agad akong kumuha ng tubig at pinainom sa kaniya.

"I said don't mind that Mom, makakasama sa inyo yan." 

"Paanong hindi ko iintindihin 'yon, Jaxon? Mga anak ko kayo at ayokong nakikita na nagpapatayan kayo sa galit." 

Miski naman ako, ayokong nag-aaway kaming magkapatid pero sinasagad niya talaga ang pasensya ko sa kaniya. 

"I'm sorry Mom, susubukan kong hindi siya saktan sa susunod." Nakita kong umiling si Mom.

"Wala ng susunod, anak. I'll send him to America para manahimik na kayo ng asawa mo dito." Napangiti naman ako at agad niyakap si Mommy.

"Thank you Mom." 

"Ipapadala ko din siya doon because gusto ko siyang ipa-rehab." Natigilan naman ako. Rehab? Does she mean na nagda-drugs si Jonas?

Tumango si Mom. Oh God, I can't believe this. 

"Paano niyo nalaman Mom? Ang kailan pa?" 

"Bumisita kami ng Dad mo sa bahay niya and nakita namin na puro alak at mga droga ang nandoon. Ayon sa mga kaibigan niya, nagsimula siya noong nawalay sa kaniya ang asawa mo." Napasapo nalang ako sa noo ko. 

"I'll help him, Mom. Hindi ko kayang pabayaan si Kuya sa ganitong kalagayan." Nakita ko ang maliit na ngiti sa labi ni Mom bago nagpaalam para umalis. 

-

Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng mga anak ko at ni Luna. Napangiti naman ako bago siya halikan sa noo. 

Kinuha niya ang mga gamit ko at inilagay sa sofa, naupo naman ako sa mahabang sofa at agad tumabi ang mga anak namin sa akin. Natawa naman si Luna bago tumabi sa kaliwa ko. 

"May sasabihin ako sa inyo. Good and Bad news." 

"Yung Good news muna, Dad!" Suhestiyon ni Crystal, ngumiti naman ako at tumango. 

"Ipapadala na sa America ang Tito Jonas niyo." Nakita ko ang gulat sa kanila pero agad ring ngumiti, binalingan ko naman si Luna at nakita ko ang maliit na ngiti sa mga labi niya.

"Ano yung Bad news, Dad?" Tanong ni Stephen, napabuga naman ako ng hangin bago isinandal ang likod ko sa sandalan. 

"The bad news is, gumagamit ng drugs ang Tito niyo."

"WHAT!?" Sabay-sabay na reaksyon nila, tumango na lamang ako at napahawak sa ulo ko.

"Sigurado ka ba diyan, Jaxon?" Nag-aalalang tanong ni Luna, tumango ako at kinwento sa kanila ang mga pangyayari. 

Pagkatapos naming mag-kwentuhan ay umalis na ang mga bata upang matulog at naiwan naman kami ni Luna na kanina pa tahimik. 

"Kasalanan ko lahat, Jaxon." Pagbasag niya sa katahimikan. Umiling ako at isinandal ang ulo niya sa balikat ko bago halikan ang noo niya. 

"Wala kang kasalanan, Luna. Siya ang may gawa noon." 

"Pupuntahan ko siya." Tumayo siya at naglakad pataas, agad ko siyang sinundan at hinarang.

"Hindi pwede Luna, baka kung ano pa ang gawin niya sayo." Umiling siya at nagpatuloy sa paglalakad. 

"Wala na sa tamang kalagayan si Jonas, Luna! Mapapahamak ka lang!" Nilingon niya ako at nakita ko ang mga luhang tumutulo mula sa mata niya. 

"Kaya mas lalo ko siyang kailangan puntahan, Jaxon! Kailangan niya ako!" 

"Pero kailangan ka rin namin Luna. Kailangan ka namin ng mga anak mo." Mahinang sabi ko, napaiwas siya ng tingin at humakbang bago muling tumigil. 

"Mas kailangan niya ako Jaxon." Nilapitan ko na siya at hinawakan ang mga kamay niya. Kahit sobra na akong nasasaktan, hindi parin ako susuko. 

"Pinipili mo ba siya, Luna?" Tanong ko pero hindi siya sumagot. Nagsimula naring tumulo ang mga luha ko at parang nanlalamig na ang buong katawan ko. 

"Mahal mo na ba siya?" Napakasakit para sakin na itanong iyon. Tumingin siya sakin bago nagsimulang maglakad papalayo. 

Nakapili na siya, at hindi ako ang pinili niya. 


Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon