Jaxon
Hindi ako makapasok sa trabaho dahil kanina ko pang umaga hinahanap ang box ni Luna, hindi ko naman matanong ang mga anak ko dahil nakapasok na sila sa eskwelahan.
Kinuha ko ang cellphone at agad tinawagan si Solar. Baka nasa kanya ang box na 'yon, hindi pa dapat niyo 'yon makita.
"Bakit?"
"Solar, may nakuha ka bang box dito sa kwarto ko?" Kinakabahan man ay hindi ko iyon pinahalata, baka magtaka lang siya.
"Box? Wala naman, bakit?"
"Pasensiya na sa abala, mahalaga kasi yung box."
"Ganon ba? Bye muna, magsisimula na ang klase ko."
At doon niya na pinatay ang tawag. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala sa kaiya ang box pero dapat ko parin iyong hanapin, iyon nalang ang mga alaala ni Luna sa amin.
Habang naghahanap ako ay biglang nag-ring ang cellphone ko, agad ko itong sinagot ng makita kong ang pangalan ng inutusan kong mag-imbestiga.
"Mr. Hatfield, nasa akin na po ang mga impormasyon tungkol sa asawa at kapatid niyo."
"Alright, pumunta ka na sa opisina ko."
Agad akong nagbihis para pumunta sa opisina, mamaya ko nalang hahanapin ang box pagdating ng mga bata.
Pagdating ko sa opisina ay sumalubong sa akin ang inutusan ko, agad naman niyang inabot ang ilang folder sa akin at umupo sa harapan ng lamesa ko.
"Napag-alaman po namin na ilang araw walang malay si Mrs. Hatfield sa Hospital ng kapatid niyo, hindi rin nilabas ni Mr. Jonas ang mga detalye ng asawa niyo sa Hospital kahit anong pangalan nito kaya nahirapan tayo noon na hanapin siya."
"Paano naman nangyari na hanggang ngayon ay walang maalala ang asawa ko? Sabi mo noon ay hindi naman naging masama ang lagay ng asawa ko." May nilabas naman siyang isang gamot at nilagay iyon sa lamesa.
Propranolol
"Nalaglag po 'yan ng asawa niyo nung sinundan namin siya, nakita rin namin na iniinom niya 'yan. Ang propranolol po ay ang iniinom ng mga taong nakaranas ng trauma para malimutan nila ang mga masasamang nangyari. At ayon po sa Doctor na nakausap namin kaya hindi pa bumabalik ang alaala ni Mrs. Hatfield dahil sa gamot." Napa-higpit ang hawak ko sa mga folder.
"Si Jonas ba ang nagbibigay ng gamot na 'yan?" Tumango naman siya, lalong kumuyom ang kamao ko. Kahit kapatid ko siya ay kayang-kaya ko siyang patayin ngayon mismo.
"You may leave now, ipapadala ko nalang sa account mo ang pera." Tumango naman ito at umalis na.
Agad kong inayos ang mga gamit ko at naghanda na para umalis, kailangan kong makausap si Luna/Solar at kuhanin ang mga gamot sa kaniya. Bahala na kung magtaka pa siya, ang gusto ko nalang gawin ngayon ay ang mabawi siya sa walang hiya kong kapatid.
Nang makarating ako sa classroom ni Solar ay nakita kong wala na siyang mga estudyante kaya agad akong pumasok kahit na hindi kumakatok.
"Ay palakang tupa!" Natawa naman ako ng makita kong nagulat siya sa pagpasok ko, inirapan niya lang ako at nagpatuloy sa ginagawa niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya habang tutok parin sa mga papel ang atensyon niya. Dapat na ba akong mainggit sa mga papel?
"May itatanong lang ako." Doon na siya napatingin sa akin at nakita ko ang pangamba sa mukha niya. Ha? Bakit naman?
"A-ano 'yon?" Mukhang kabado pa na tanong niya, umupo ako sa harapan ng lamesa niya at nilapag ang gamot na binigay sa akin ng imbestigador kanina.
"Iniinom mo ba ang gamot na 'to?" Tanong ko at hindi na pinansin ang reaksyon niya kanina. Mukha naman siyang nakahinga ng maluwag bago kuhanin ang gamot.
"Oo, bakit?" Nilahad ko agad ang palad ko sa harapan niya at nagtataka siyang tumingin sa akin.
"Akin na ang mga gamot, hindi mo alam kung ano ang ginagawa niyan." Lalo namang nagtaka ang reaksyon niya pero nilahad ko parin ang kamay ko.
"Ano ba ang gamot na 'yon?" Naiinis na tanong niya, napahinga naman ako ng malalim.
"Sige na Solar, ibigay mo na sakin." Pagpipilit ko pa pero tinampal niya lang ang kamay ko at tinaasan ako ng kilay.
"Sabihin mo muna kung ano ang gamot na 'yon."
Ang kulit naman ng asawa ko. Tsk.
"Sabi mo hindi mo maalala ang nakaraan mo diba?" Naguguluhan naman siyang tumango sa tango ko, kinuha ko ang gamot na binigay ko kanina at hinarap sa kaniya.
"Itong gamot na 'to ang dahilan kung bakit wala kang maalala, Solar. Kaya pakiusap lang, huwag mong iinumin ang mga gamot na binibigay sa'yo ng kapatid ko."
Kita ko naman ang gulat at pagkalito sa mukha niya.
"Ano? Pero sabi sakin ni Jonas ay makakatulong ito para sa pagbalik ng memorya ko."
Umiling-iling ako at tumayo na, may kailangan pa akong gawin.
"Maniwala ka sakin, Solar. Maiwan na kita." Hindi ko na siya inantay pang sumagot at umalis na.
Kailangan kong makita ang walang hiya kong kapatid.
BINABASA MO ANG
Till It Ends [Hermoso Series]
RomanceFormer 'My Runaway Husband' Date: 6/4/16 (9:40 AM)