Part 2: MRH 16

1.5K 26 3
                                    

Solar

It's been 2 weeks since umalis si Jaxon. I don't know what happened to him, hindi siya tumatawag sakin at sa mga bata.

"Mom, tumawag na po ba si Daddy?" Tanong ni Crystal. Mommy na ang tawag nila sakin, ayos lang naman sakin 'yon.

"Hindi pa Princess eh." Nakita ko ang lungkot sa mukha nito, I know she's so worried to her Dad. Hindi daw kasi sila sanay na malayo ito sa kanila.

"But don't worry, I can sense that your Daddy is fine." Ngumiti lang ito at nagpaalam na papasok na sa eskwelahan.

Speaking of school, hindi muna ako pumapasok para mabantayan ang mga bata. Alam naman ito ng principal namin.

About Jonas? Nagtataka nga ako at wala siya sa bahay, hindi parin siya umuuwi hanggang ngayon. Pero mas okay narin yun dahil alam ko naman na papauwiin niya ako kaagad kapag nalaman niyang nandito ako.

Pagkatapos kong maglinis ng bahay ay binuksan ko ang TV at pinalipat-lipat ang channel nito hanggang sa mapukae ng isang balita ang atensyon ko.

"CEO Jaxon Hatfield together with the New top model of Taiwan here in International Airport"

Iyon ang nakalagay na headline at pinakita nga sina Jaxon na kasama ang isang babaeng kinapos ang tela na nakasabit sa kaniya na parang linta. Napataas naman ang kilay ko, wow.

"Mr. Jaxon! Are you two dating?"

Bigla namang ngumiti ang babaeng kasama ni Jaxon at tumango. Luh, di naman siya ang tinatanong. Siya ba si Jaxon? Siya ba? Feeling neto.

"To answer your question, yes we are dating...again." Sabay kapit pa nito kay Jaxon na halos idikit niya na yung b0obs niya sa mukha ni Jaxon. Ew.

"How about your late wife Mr. Jaxon?" Doon na napatingin si Jaxon sa reporter, magsasalita na sana ito ng unahan nanaman nung linta.

"He already moved on, and ofcourse it is because of me." At tumawa pa ito na parang kinikilig.

Pinatay ko na agad ang TV, nakakaimbyerna lang!

Bakit ka ba naiinis diyan?

Hindi ko alam! Siguro kasi ano, siguro kasi hindi siya tumatawag! Oo tama. Hindi siya nagsasabi sa mga anak niya tapos may kalandian lang pala siya. Tama yun lang.

Argh! Ano bang nangyayari sakin? 😑

Inantay ko nalang na makauwi ang mga bata, alam narin naman siguro nila ang balita na pauwi na ang Daddy nila.

"Mom! We're home!" Agad ko naman silang sinalubong at kinuha ang mga gamit nila. Isa-isa nila akong hinalikan sa pisngi bago pumasok.

"Have you heard the news, Mom?" Mukhang aburido na tanong ni Sander. Tumango naman ako bago ilapag ang mga iced tea nila.

"Uhuh. Pauwi na ang Dad niyo."

"Bakit may kasama na babae doon si Dad!? Argh! Ang pangit-pangit naman nung girl!" Napapairap na sabi ni Crystal, natawa naman ako at umupo sa kaharap nilang sofa.

"Ayaw niyo bang magkaroon ng bagong Mommy?" Nagkatinginan naman sila at sabay-sabay na umiling.

"Kayo po ang Mommy namin." Sagot ni Matthew, napangiti nalang ako at umiling sa kanila.

"Ano ba kayo, kung mahal iyon ng Daddy niyo kailangan niyong tanggapin. Maliwanag ba?" Umiling parin sila.

"Paano kapag pinakilala yung babae bilang girlfriend niya? Kailangan niyong tanggapin iyon."

"Kahit anong mangyari Mom, hindi ko siya tatanggapin." Sagot ni Sander.

"Right." Pag-sangayon naman nung dalawa.

Natawa nalang ako sa utak ko. Kawawang Jaxon, hindi tanggap ng mga anak niya ang kalandian niya.

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon