Epilogue

1.3K 33 6
                                    

A/N: Seriously, I don't know how to end this huhuhuh TT

***

In just one day I and my ex-boyfriend Jonas broke up, I went to the bar and met Jaxon -- we shared a moment na nagdulot para maikasal kami but umalis siya ng walang pasabi dala ang isa kong anak. He was once my runaway husband, hanggang sa bumalik siya pero ako naman 'tong naghiganti sa kaniya, saglit kaming sumaya pero nangyari ang trahedya na nagpahiwalay samin ng tuluyan. Akala nilang lahat ay patay na ako, miski ako hindi ko alam ang totoong pagkatao ko noon pero nagkatagpo ulit kami, dumanas ng maraming pagsubok bago mahangad ang happy ending  na nararapat samin. 

See how complicated life is? Pero matatapos ang lahat ng pagsubok sa masayang pangyayari. 

Sa pagmamahal ko sa kaniya, naranasan kong umiyak, masaktan at lumigaya. Akala ko noon ay napakasakit niyang mahalin pero hindi-- hindi ko pala kayang mawala siya sa buhay ko kaya kahit anong sakit ay hinaharap ko makasama lang siya. 

Maayos na ang lahat ngayon tho lagi kaming nagkakaroon ng tampuhan na hindi naman talaga nawawala sa mag-asawa pero bago naman matapos ang araw ay nagkaka-ayos rin kami. 

Baliw kasi 'yon. Baliw na baliw sakin, chos. 

Isang buwan nalang pala at makakalabas na si Jonas sa rehab at babalik na siya dito sa Pinas kaya itong asawa ko ay bugnot na bugnot nanaman, baka daw kasi agawin nanaman ako ng kuya niya sa kaniya. Baliw. 

"Ikaw dapat ang pinapa-rehab, napapraning ka na." sabi ko sa kaniya kasabay ng pag-irap, kanina pa kasi namin 'to pinag-uusapan at hindi niya talaga binibitawan ang topic. 

"Wife, hindi mo naman ako masisisi. Baka mamaya ilayo ka nanaman ng lalaking 'yon, tanda mo ba yung sinabi niya nung kasal natin?" 

Natawa naman ako nang maalala ko ang panloloko ni Jonas kay Jaxon noong kasal namin, umattend siya noon at pinayagan naman na makasama kami sa araw ng kasal namin ng kapatid niya. 

"Tandaan mo bro, pag nakauwi na ako dito sa susunod, babawiin ko na talaga si Sohvi." 

Kaya muntikan nang magrambulan ang magkapatid sa simabahan, mga asal bata.

Sinusundan ko lang ng tingin ang asawa kong praning na palakad-lakad sa harap ko at kung ano-anong pinagsasabi tungkol sa kapatid niya. 

"Humanda talaga siya sakin pagbalik niy---" Agad ko siyang hinalikan sa labi kaya napatigil siya sa pagsasalita at napatulala sa mukha ko. 

Edi natahimik siya

Ilang segundo lang ay ngumisi siya at bahagyang ngumuso na ikinataas ng kilay ko. 

"Pwedeng isa pa?" Napairap nalang ako at pinitik ang noo niya bago mahiga sa kama. Umayos ako ng higa nang maramdaman ko na may nadadaganan ako-- bag ko pala. 

Sumampa sa kama si Jaxon at tumabi sa akin habang nakatagilid na higa. Despite his age, gwapo parin siya at mukhang bata. 

Napakunot ang noo ko nang biglang may naalala -- oo nga pala!

Ngumiti ako ng matamis sa kaniya, biglang nangunot ang noo niya na para bang naguguluhan sa pagngiti ko. Bumangon ako at umupo saka kinuha ang bag ko.

"May ipapakita ako sa'yo." Sabi ko habang nangangalkal sa loob ng bag. 

"Ano Wife? Buntis ka ba ulit?" Napamaang naman ako sa tanong niya at agad siyang binatukan. Baliw talaga 'to!

"Anong buntis ang pinagsasabi mo? Nakatatlo ka na 'no!" Bigla namang lumungkot ang mukha niya at halatang nadismaya sa sinabi ko. 

Nang tuluyan ko ng makita ang hinahanap ko ay agad ko itong nilagay sa palad niya. 

"Ano ba 'to?" Malungkot ang boses na tanong niya at hindi man lang tiningnan ang binigay ko sa kaniya. 

"Tingnan mo kaya." Nakangiting sabi ko, at nang makita na niya ang inabot ko ay biglang nanlaki ang mga mata niya at tumingin sa akin.

"Yes." Pagkumpirma ko. Bigla nalamang niya akong niyakap at ramdam ko ang panginginig ng mga balikat niya. 

"Thank you Wife! Thank you!" Lumayo siya at tinadtad ng halik ang mukha ko na nagpatawa sakin. Tumayo na siya at tumatakbong lumabas ng kwarto namin.

"Kids! Magkakaroon na kayo ng bagong kapatid!" Sigaw niya pagkalabas niya palang at natatawa ko siyang sinundan. 

"Hindi ba kayo nagulat sa balita?" Tanong niya sa mga anak namin na nakatingin lang sa kaniya.

"We already knew dad, kahapon pa." Natawa nalang kami pero hindi iyon kinaasar ni Jaxon at talagang nakitawa pa samin.

**

After months, naipanganak ko na ang bunsong anak namin ni Jaxon. Bunso na talaga 'to at hindi na siya makakaulit pa. 

Napapangiti ko silang pinagmasdan habang pinagtitripan nila ang Daddy nila.

Totoo nga ang sinabi nila na 'Love is Perfect', siguro nga hindi perfect yung mga napagdaanan namin pero 'yon ang mga naging dahilan kung bakit mas matatag na kami ngayon. I'll treasure every moment with them 'til my last breath, ito yung hinding-hindi ko malilimutan-- ang pagmamahal namin sa isa't-isa. Marami akong natutunan sa mga pinagdaanan namin ng asawa ko pero iisa ang tumatak sa puso't-isipan ko-- 'Love is sacrifice', yes sinakripisyo ko ang lahat; ang kaligayahan at pagmamahal ko. Kailangan mong magsakripisyo para maging masaya ka sa huli; hindi ibig sabihin na nagsakripisyo ka ay inaabuso ka na, no, dito mo mapapatunayan na nagmamahal ka ng totoo. And ofcourse makukuha mo rin ang pagmamahal na deserve mo. 

"Hey, tulala ka na diyan?" Sabay halik sakin ng asawa ko.

"Nothing, masaya lang ako." Nakita kong napangiti siya habang nakatingin sa mga anak namin na nilalaro ang bunso.

"I'm happy as well, hindi ko na nga alam kung mas may isasaya pa 'to." Napangiti ako at sumandal sa dibdib niya. 

"Basta lagi mong tatandaan yung sinabi ko sa'yo noong kasal natin." Napangiti ako sa sinabi niya at tiningnan siya sa mata

"Until death do us part-- no, death will not be our end. I will love you until the world is gone, till it ends."  sabay naming bigkas at ngumiti sa isa't-isa.

"I love you." Tiningala niya ako at hinalikan ng puno ng pagmamahal ang labi ko bago ngumiti ng matamis. 

"I love you too, wife."

And yes, after all the trials, here we are. Happy and contented.

***


A/N: OMG. Totoo bang natapos ko na 'to? Huhuhu I will surely miss you guys! Salamat sa pagtatiyaga niyo sa napakabagal kong update! Lahat ng pagbabasa, votes and comments niyo ay sobrang na-a-appreciate ko! I don't know how to put these in words, sobra pa sa happy ang nararamdaman ko tuwing may mga positive feedback na natatanggap ang story galing sa inyo. Thank you, thank you and thank you guys! Happy New Year and I wish 2017 will be good to us! Please support my other stories too~ I love you guys! Love love love love love lots ~ 

END 

12/31/16 (8:36 PM)

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon