Part 1: The End 11

2.7K 45 3
                                    

Hindi ko na alam kung ilang araw na ang lumipas simula nang pumunta ako dito. May bahay naman ako at mga gamit pero hindi ko na inabala na tingnan ang cellphone ko.

Araw-araw iisa lang ang routine ko. Gigising, kakain, maliligo, tititig sa dagat, at matutulog.

Gusto ko munang lumayo sa lahat. Hindi ko sila kayang harapin, miski ang mga anak ko. Sobrang sama kong Ina sa kanila, mas inuna ko ang galit kaysa sa kapakanan nila.

Tinanggal ko ang tsinelas at tumapak sa tubig, napasinghap ako ng hangin sa lamig ng tubig.

Habang unti-unti akong lumalakad, mas gumagaan ang pakiramdam ko. Para bang sinasabi na kapag lumakad ako, malelet go lahat ng hinanakit ko.

Hanggang sa mapansin ko na nasa malalim na part na ako ng dagat. Tumigil ako saglit at tumingala sa langit, tama ba ito?

Napangiti nalang ako ng mapait at lumingon, umaasa na may pipigil sakin pero wala. Tumulo ang luha ko at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa wala na akong maapakan.

Jaxon's POV

Ilang araw na ang nakalipas pero hindi parin nagpapakita si Luna, umuwi na ang mga anak namin pero wala parin siya.

Nakasakay ako ngayon sa chopper ko kasama ang kambal, may kutob na kasi ako kung nasaan siya.

Tuwang-tuwa naman ang kambal habang tumitingin sa paligid, dagat ang nakapalibot at sobrang linaw ng tubig.

Nilibot ko ang aking tingin at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang babae na naglalakad sa dagat. Inutusan ko agad na ilapag ang chopper at tumakbo papunta sa dagat.

"Luna! Luna!" Hinabol ko siya pero pagtungtong ko palang sa tubig ay lumubog na siya. Agad akong sumulong sa tubig at nilangoy ang ilalim.

Sumasakit na ang ulo ko dahil sa tubig pero sinikap ko paring abutin ang kamay ni Luna, nakapikit na siya at wala ng malay.

Nang higitin ko ang kamay niya ay agad ko siyang sinalo at hinalikan, pinasa ko ang hangin na mayroon ako sa kaniya.

Dahan-dahang dumilat ang mga mata niya, napangiti ako at dinala na siya pataas.

Pag-ahon namin ay sumalubong ang isang salbabida na tinapon ng kasama ko. Nakita ko pa sa bangka ang kambal na kumakaway samin.

Pagtingin ko kay Luna ay halatang gulat siya sa nangyari, agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Thank God you're safe, Luna."

Nang maramdaman kong bumigat na siya ay doon ko nalaman na nawalan na siya ng malay kaya dali-dali namin siyang sinakay sa bangka at dinala sa Hospital.

Hindi na kita pakakawalan pa, Luna.

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon