Part 2: MRH 1

1.7K 25 3
                                    

This chapter is dedicated to @maryanndevera10 , thank you sa pagsuporta ng 'My Runaway Husband'! Dahil sa inyo sinisipag akong mag-update. Xoxo~ 

--

Ilang taon na ang lumipas, malalaki na ang mga anak namin ni Luna. Si Stephen at Matthew ay College na samantalang si Crystal ay nasa ika-anin na baitang na sa Elementary.

Lahat sila naka-moved on na sa pagkawala ni Luna pero ako habambuhay na atang nakakulong sa nakaraan.

Sinasabihan na nila akong mag-asawa muli pero hindi ko kayang palitan si Luna. Marami naman akong nakikita na maganda at mabait pero walang makakalagpas sa asawa ko.

Ilang taon ang ginugol ko para bumalik sa pagkatao ko. Sa tulong narin ng mga anak ko ay nakayanan kong mabuhay.

Nandito ako sa opisina ko para magtrabaho, mabuti na lamang at tinake-over muna ito ni Dad noong nagluluksa pa kami ng mga anak ko. Dito ko ginugugol ang oras ko pero syempre hindi ko pinapabayaan ang mga anak ko.

*knock knock*

"Boss, pinapatawag daw po kayo sa University ng kambal niyo." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Robert, ang secretary ko.

Ano naman kayang ginawa ng kambal?

"Alright. Ikaw muna ang bahala dito Robert."

"Sure Boss."

Pagdating ko sa University ng kambal ay andaming naglilingunan na mga estudyante at mga guro. Sanay na ako sa mga iyan, lalo na kapag may event ang school na ito.

Pumunta na ako sa opisina ng isang professor at natagpuan ko doon ang kambal na may mga pasa sa mukha at limang lalaki na ganoon din ang kalagayan.

"What happened?" Sinamaan ko ng tingin ang limang lalaki na alam kong sumuntok sa mga anak ko.

Tumingin sa akin ang Professor at tinaasan ako ng kilay. Umayos naman ako ng tayo at hinarap siya.

"What happened?" Pormal kong tanong. Tumikhim naman ito at tumayo rin.

"Ayon sa mga nakasaksi ng gulo, ang anak mong si Matthew ang unang sumuntok kay Jared." Turo nito sa isang lalaki na maangas ang tingin sa mga anak ko.

"I believe na may ginawa ang batang iyan para suntukin siya ng anak ko." Giit ko, hindi naman sa tinotolerate ko ang ginawa ng mga anak ko pero alam ko naman ang ugali nila.

"But Mr. hindi parin mababago na ang anak mo ang nagsimula." Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito.

"Bakit hindi mo muna kaya alamin ang nangyari kung bakit sinapak ng anak ko ang estudyante na iyan?" Nagtitimping sabat ko. Pagdating sa mga anak ko ay hindi ko hahayaang maagrabyado sila.

"What did you do to my son, huh?" Tanong ko doon sa Jared, imbis na matakot ito ay taas noo pa ako nitong tiningnan.

"Wala naman. Sinabi ko lang ang totoo." Maangas na sagot nito, napatayo naman si Stephen at susugurin na sana yung Jared pero agad ko itong pinigilan.

"Don't stop me Dad! Iniinsulto niya kami! Dinadamay niya pati si Mommy! Walang hiya yan!" Pagkarinig ko palang ng sinabi ni Stephen ay hindi ko na napigilan pang kwelyuhan ang Jared na ito.

"You did what?" Nanggigigil na tanong ko, kita ko ang takot nito at hirap na sa paghinga.

"I-I just said the truth." Pabalibag ko itong binitawan, napaupo naman siya sa sahig na agad inalalayan ng mga kasama.

"Tell me, anong sinabi mo ha?" Madiin ko paring tanong.

"Sinabi ko lang na wala silang nanay na dadalo sa Mother's day event namin!"

Sa sinagot nito ay halos hilahin ko na siya para sakalin kung hindi lang ako pinigilan ng mga anak ko.

Ang ayoko sa lahat ay ang dinadamay ang asawa ko.

"You better shut your fvcking mouth, kid." Babala ko dito at nilingon ang professor nila.

"Discipline your student Mrs. Reyes kung ayaw mong pareho kayong mawala sa University na ito." Pagkatapos noon ay sinama ko na palabas ang kambal.

"Are you two okay?" Tanong ko, tumango lang sila at parehas na napaiwas ng tingin.

"We're sorry Dad." Mahina nilang sabi. Napangiti nalang ako at inakbayan sila.

"Wala kayong dapat ika-sorry, dapat binugbog niya na ang limang iyon." Napatawa naman sila sa sinabi ko.

"But Dad, sino ang aattend ng Mother's day event namin?" Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Stephen.

"I can go with you, kinakalimutan niyo na ata ako." Kunwaring tampo ko, napangiti naman sila.

Lahat gagawin ko para sa mga anak ko.

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon