Part 2: MRH 28

1.4K 27 7
                                    

A/N: Malay niyo ending na yung sunod na chapter. ;--)

Lumipad pa-America kahapon ang mga magulang ko para kamustahin si Jonas. 1 buwan narin pala ang nakalipas simula nang umalis siya at iwan kami dito. Dalawang linggo nalang at gaganapin na ang Teacher's day na inorganize ng kumpanya ko para sa pinagta-trabahuhan ng asawa ko noon, na sana ay event din kung saan ako magpo-propose sa kaniya. 

Binubuhos ko ang atensyon ko sa pag-aalaga sa mga anak ko, lalo na't sila ang pinaka-apektado sa pag-alis ni Luna. 

"Dad, may trabaho po ba kayo ngayon?" Tanong ni Crystal habang inaayos ko ang necktie ko, tumango naman ako at ngumiti sa kaniya. Napanguso naman siya. 

"Bakit Princess? Gusto mo bang gumala tayo ngayon?" Kumislap ang mga mata niya at tumango-tango. 

"Pwede ba Dad? Pretty please?" Natawa na ako ng mahina at hinalikan siya sa noo. "Your wish is my command, Princess." Agad naman itong humalik sa pisngi ko at tumakbo na palabas. Narinig ko pang sinigawan niya ang mga kuya niya para magbihis. 

Agad akong hinubad ang pang-opisina ko at nagpalit ng damit. Kinuha ko narin ang isa sa mga car keys, yung Nissan Murano ang napili ko dahil 'yon ang kadalasan naming gamitin kapag magba-bonding kami. 

Saktong pagbaba ko ay nakita ko ang mga anak ko sa salas, mukhang may pinagtatalunan pa ata.

"What's wrong, guys?" Natigil naman sila sa sigawan at agad na nag-unahang nagsalita pero agad ko ring pinigil. Wala akong maiintindihan kung sabay-sabay sila. 

Nakita kong nakabusangot na ang mukha ni Crystal kaya siya ang una kong pinagsalita.

"Sina Kuya kasi, Dad! Gusto nilang magpalit ako ng damit kasi ang iksi daw ng suot ko. Hindi naman Dad, diba?" Pinasadahan ko naman ang suot niya at agad na napataas ang kilay ko. Hindi nga siya masyadong maigsi pero alam ko ang pag-iisip ng mga kabataang lalaki ngayon. Tsk. 

"Maigsi naman talaga ang damit mo, Princess. Magpalit ka nalang ng pants kung gusto mo talaga na naka-sleeveless ka." Mahinanon na paliwanag sa kaniya ni Stephen. 

"Tama ang Kuya mo, Princess. Mas mabuting magpalit ka kung ayaw mong mapaaway nanaman ang mga Kuya mo." Nakita kong umikot ang mga mata nito bago tumaas muli sa kwarto nito. Naiiling naman ang kambal sa inasan ng bunso namin. 

Noong nakaraan lang kasi ay nakasuot din ng shorts ang anak ko habang nagba-bonding kami. Ayon at may nambastos noong iniwan ko sila para bumili ng pagkain, pagbalik ko ay may pasa sa mukha ang kambal habang yung nambastos ay hilo na sa suntok ng mga anak ko. Susuntukin ko nga sana kung hindi lang dumating ang mga kasama nung lalaki.

Matapos ang ilang minuto ay bumaba na ulit si Crystal at sumakay na kami sa kotse. Habang nasa byahe ay nagtatanong sila kung saan kami pupunta pero hindi ko sila sinasagot kaya ayun at sila nalamang ang nagkwentuhan. 

Matapos ang ilang oras ay nakarating na kami sa safe haven namin. Nakita ko naman ang galak sa mukha ng kambal habang si Crystal ay naguguluhan. Bumaba na agad ang kambal at nagpagulong-gulong sa damuhan. 

"Nasaan tayo Dad?" Crystal. Binitbit ko na ang mga pagkain namin at sabay kaming naglakad ni Crystal papunta sa mga Kuya niya. 

"Safe haven natin 'to, Princess. 1 year old pa nung huli tayong pumunta dito ng magkakasama, pero madalas ako dito simula nang mawala ang Mommy niyo." 

Habang hinahanda ko ang mga pagkain ay nagku-kwento ang kambal kung ano ang naaalala nila sa lugar na ito. Sinulyapan ko naman si Crystal, nakita ko ang lungkot sa mga mata niya kaya agad kong tinapos ang ginagawa ko at tinabihan siya. 

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon