Part 1: MRH 18

1.8K 28 6
                                    

It's been months since pinanganak ko ang anak namin na si Crystal Lei Hatfield. Halos hindi ko na nga siya mahawakan dahil kung wala siya sa mga lolo't lola niya, nasa mga kuya naman niya siya tapos si Jaxon naman ang laging nagpapatulog sa kaniya.

Anak ko rin yon eh! Hmp.

"Bakit nakabusangot ang asawa ko?" Malambing na tanong ni Jaxon pero tinalikuran ko lang siya. Tampururot muna ang peg ko.

I heard him chuckled. Aba ang loko!

"Nagtatampo nanaman ba hmm?" Tanong nito at niyakap ako mula sa likuran. Naramdaman ko ding hinahalikan niya ang leeg ko kaya lumayo agad ako.

"Hindi mo ako madadaan sa ganyan mo Jaxon."

Joke. Gusto ko lang na bumawi siya. Hihi.

Harot.

"Nagtatampo talaga ang asawa ko, hindi na ako tinatawag na Daddy." Paawa pa nito pero inirapan ko lang kahit gusto ko ng tumawa sa itsura niya.

"Bakit? Tatay ba kita?" Pamimilosopo ko. Bigla naman siyang ngumisi at dahan-dahang lumapit sa akin.

Uh-oh.

"Binabalaan kita Jaxon! Huwag kang lalapit sa akin!" Babala ko kaagad at tumayo na mula sa pagkakaupo ko sa kama namin. Dahan-dahan kong tinungo ang pinto at tumakbo palabas.

Narinig ko naman ang malakas niyang tawa.

Walang hiya! Kikilitiin niya nanaman kasi ako, last time na ginawa niya iyon ay para na akong mauutot sa kakatawa. Kainis.

"Mom!" Lumingon naman ako sa gawi ng mga anak ko sa garden. Nakaupo sila sa damuhan at syempre ang bunso namin ay nakahiga sa maliit na higaan nito.

Natawa naman ako sa istura nila. They're wearing head bands na may mga kung ano-anong design. Ganyan sila kapag gusto nilang patawanin si Crystal.

Lumapit ako sa kanila at agad kinuha ang bunso namin. Magkasabay naman silang sumiksik sa gilid ko.

"Mom, ang hirap naman patawanin ni Princess." Nakangusong reklamo ni Stephen, ganoon din si Matthew.

Hinarap ko naman sa akin si Crystal. "Wala ba sa mood ang prinsesa namin?" Malambing kong tanong dito at hinalikan sa pisngi.

Bigla naman itong ngumiti at tumawa ng mahina.

"Ang daya!" Napatawa naman ako sa sabay na sigaw ng kambal.

Napatingin naman sa kanila si Crystal at ngumiti ng matamis. Kahit baby pa siya, parang alam niya na ang kahinaan ng mga kuya niya. Hahaha.

Agad namang napangiti ang kambal at nilaro nanaman si Crystal.

Masyaa lang akong nakatanaw sa kanila. Nung una nga ay hindi magkaintindihan ang kambal at si Jaxon. Gusto kasi ng kambay at Crystal ang itawag sa bunso namin habang si Jaxon naman ay gustong Lei ang itawag.

Kaya sa huli, ako ang nasunod. Princess ang tawag namin kay bunso na sinang-ayunan nilang lahat.

"Thank you." Napa-igik naman ako ng may bumulong sa akin, ang asawa mo pala.

"For what?" Ngumiti naman siya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Inayos ko naman ang upo at niyakap siya.

"For giving me a complete family, for loving me, and for everything."

Napangiti naman ako. Masyado talaga siyang sweet, kainis!

"May kailangan ka 'no?" Biro ko na nagpatawa sa kaniya. Piningot niya ang ilong ko at hinalikan ako sa labi.

"Ewan ko sayo. Huwag mo akong iiwan ha?" Madamdaming sabi niya, ngumiti ako ng malapad at hingipitan ang hakap.

"Never."


---

Abangan...


"May babae pa sa loob! Tulungan niyo siya!"


"Please! Save my wife!"


"We're sorry pero hindi natagpuan pa ang babae."

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon