Part 1: The End 7

2.9K 46 3
                                    

As expected, sinugod ako ni Jaxon pagkapasok ko palang ng opisina niya. Ano pa bang sasabihin niya? Edi syempre tungkol sa isa pa naming anak.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sakin, Luna?" Nanghihinang tanong niya, hinawakan ko naman agad ang kamay niya.

"Intindihin mo naman ako, Jaxon. Hindi ko siya kayang iharap sayo, baka kasi...." Sinadya kong hindi dugtungan ang sinasabi ko ng ilang saglit. Nakita ko namang napaatras siya sa dinugtong ko.

"...ilayo mo rin siya sakin." Mahinang dugtong ko.

Nagulat na lamang ako ng sipain niya ang office table ko. Tsk, kapag yan nasira siya magpapalit niyan ha.

"That's bullsht Luna! Anak ko rin siya kaya may karapatan akong makilala siya! Kung hind ko pa nalaman kay Matthew, wala ka talagang balak na sabihin sakin!?" Galit na sigaw niya at hinablot ang braso ko, nakaramdam naman ako ng takot sa ginagawa niya. I expected this pero hindi ko parin maiwasang matakot sa kaniya, ganitong-ganito din siya noon nung..

"Ano!? Iiyak ka lang diyan? Ako na nga ang pinagkaitan mo ng anak Luna, ikaw pa ang may ganang umiyak!?" Nararamdaman ko na ang unti-unting pagbaon ng mga kuko niya sa braso ko.

Umiyak na ako ng tuluyan at sa ganoong eksena kami dinatnan ng mga anak namin, agad silang tumakbo sa pwesto namin at nilayo ako sa ama nila.

"Dad, what are you doing?!" Pasigaw na tanong ni Matthew, para namang natauhan si Jaxon at binaling ang tingin sa akin. Lalapit pa sana siya pero agad akong lumayo at pumunta sa likod ni Stephen.

Napatingin naman siya kay Stephen. "S-stephen?" Akmang yayakapin niya na sana si Stephen pero agad siyang iniwasan nito.

"Bakit mo sinasaktan ang Mommy ko?" Matapang na tanong ng anak ko, lumapit sa pwesto namin si Matthew at pumwesto sa harapan ko na para bang pinoprotektahan ako sa Daddy nila.

Napatingin naman sakin si Jaxon "L-Luna, hindi ko sinasadya 'yon." Umiling-iling ako at umatras, oo alam kong magagalit siya pero hindi ko naman alam na hahantong sa paraan na ginawa niya noon sa akin. Ayoko ng matandaan pa 'yon.

"A-aalis na ako." Paalam ko, aalis na sana ako ng bigla akong hawakan ni Jaxon sa braso. Napapikit ako ng mariin at hindi nakakilos agad.

Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha ko, naaalala ko nanaman ang araw na iyon. Ang nagtulak sakin para maging ganito ako.

"Please Jaxon, uuwi na ako." Mahinang pakiusap ko, nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakakapit niya sa braso ko ay agad akong naglakad palabas ng opisina niya. Hahayaan ko muna doon ang kambal.

Habang nagmamaneho ako ay hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Bigla kong naalala ang lugar na lagi kong pinupuntahan nung dalaga pa ako, niliko ko ang kotse at nagmaneho papunta doon.

Pagbaba ko palang ay sumalubong na sakin ang preskong hangin at ang puting buhangin. Napangiti ako at nagsimulang maglakad-lakad.

Naisip ko yung nangyari kanina. Oo, in the first place alam kong ako ang mali dahil tinago ko sa kaniya si Stephen. Tsaka yun din naman ang gusto kong mangyari diba? Ang galitin siya para magkaroon ako ng dahilan para tuluyan na siyang hiwalayan. Pero hindi ko naman alam na ganoon ang magiging response niya, sobra-sobra ang galit na nakita ko sa mga mata niya.

Pumatak ang luha ko ng maramdaman ko ang sakit ng ginawa niya ngayon at noon.

--

Nandito ako ngayon sa restaurant kasama ang first boyfriend ko, pero lilinawin ko lang, wala na kami ngayon at highschool pa ako nung naging kami. Magkaibigan din naman kami kaya wala namang masama kung lalabas kami diba?

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon