Nagtuloy-tuloy ako ng pasok sa Hospital at hindi na nag-abala pang batiin ang mga empleyado dito. Nang makarating ako sa tapat ng opisina ng kapatid ko, akmang bubuksan ko na ito ng bigla akong pigilan ng secretary niya.
"Ay sir, bawal po muna kayong pumasok. May kausap pa po si Dr. Hatfield." Pagpigil nito pero hindi ko siya kinibo at binuksan na ang pinto. Nakita ko namang natigilan ang kapatid ko at ang kausap nito sa pagpasok ko.
"Mag-usap tayo Jonas." Seryosong wika ko.
Saglit siyang tumingin sa akin bago binalingan ang kaniyang kausap, nagpaalam na ito at umalis. Agad naman akong pumunta sa pwesto ng kapatid ko at kinwelyuhan siya, gigil na gigil na akong sapakin siya pero kailangan ko paring magtimpi.
"Bakit mo 'to ginagawa kay Luna?!" Gigil kong tanong, nakita ko naman ang pag-dilim ng mukha niya pero hindi ako natinag, kahit mas matanda siya ay kayang-kaya ko siyang pabagsakin sa mga kamay ko ora mismo.
"Sa tingin mo bakit?" Nanunuyang tanong nito kaya hindi ko na napigilan pa't dinala ko na ang kamao ko sa mukha niya, napaupo naman siya sa sahig sa lakas noon. Hinigit ko ang kwelyo niya patayo.
"Hindi ka nakakatuwa, Jonas. Tigilan mo na ang asawa ko!"
"At bakit ko gagawin 'yon ha!?" Tinulak ako nito kaya't napaatras ako at nabitawan ang kwelyo niya, siya naman 'tong humigit sa kwelyo ko ngayon.
"Una palang ay akin na si Sohvi! Binuntis mo lang siya't inagaw sakin!" Tinulak ko naman ito ng malakas kaya napalayo na siya sakin, lalong umigting ang panga ko sa galit sa sinabi niya.
"Hindi ko pinagsisisihan na nabuntis ko siya noon! At ikaw ang dahilan kung bakit siya nabuntis! Niloko mo siya kaya siya naglasing ng gabing iyon!"
"Hindi ko siya niloko! Walang hiya ka para buntisin ang babaeng mahal ko, pinaglalaruan mo lang naman siya diba? Kaya mas maganda na nasa poder ko na siya ngayon!"
Binigyan ko ulit siya ng isang malakas na suntok dahil sa sinabi niya. Dmn, kahit walang pagmamahal ang namagitan samin ni Luna nung ay minahal ko rin siya agad lalo na't hindi siya mahirap mahalin.
"Wala kang alam sa mga pinagdaanan namin, Jonas! Sinira mo ang pamilya ko, hayop ka!" Sinugod ko na ito at pinaulanan ng mga suntok, siya naman ay gumaganti pero hindi ko hinahayaan na makarami siya. Gustong-gusto ko na siyang patayin!
Natigilan na lamang kami ng biglang bumukas ng malakas ang pintuan at pumasok doon ang asawa ko.
"Anong nangyayari dito!?" Pumagitna siya sa aming magkapatid kaya agad ko siyang hinuli gamit ang mga braso ko bago pa siya malapitan ni Jonas.
"Don't come near him, Luna." Seryosong saad ko at hindi pinansin ang reaksyon niya sa pagtawag ko sa kaniya ng ibang pangalan. Sooner or later ay malalaman niya na siya ang asawa ko.
"Stay away from him, Solar! Ginugulo niya lang tayo!" Angal naman ni Jonas, nakita ko ang kagalakan sa mukha niya ng pumiglas sa akin si Luna at lumapit sa kaniya. Hahabulin ko sana siya ng lingunin niya ako at binigyan ng masamang tingin.
"Paano mo nagawa sakin 'to, Jonas?" Natigilan ako sa biglang pagsalita ni Luna kay Jonas, halata sa boses nito ang sakit.
"A-anong nagawa ko, Solar?"
Napa-atras ako ng biglang ibato ni Luna ang mga gamot at litrato sa harapan ni Jonas. Ang gamot na pinapa-inom sa kaniya at ang mga litrato namin noon, paano niya nakuha ang mga iyon?
Kita ko ang gulat at takot sa mukha ni Jonas, nilapitan siya ni Luna at sinampal sa magkabilang pisngi na nagpatigil sa akin.
"Pinagkatiwalaan kita Jonas! Bakit mo ako nagawang ilayo sa pamilya ko!?" Umiiyak na tanong nito habang walang sawa na hinahampas ang aking kapatid. Doon na ako nagising at agad siyang dinaluhan para yakapin, kinulong ko siya sa aking mga bisig habang malakas siyang umiiyak.
"H-hindi 'yan totoo Solar, m-maniwala ka sakin!" Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko ng subukan niyang abutin ang asawa ko, tinago ko ang mukha ng asawa ko sa aking dibdib at hinarap ang aking kapatid.
"Hindi ko alam kung papaano 'to nalaman ng asawa ko, Jonas. At ngayon, binabawi ko na siya." At binuhat ko na si Luna papalabas ng opisina ng kapatid ko habang sumisigaw siya na ibalik doon ang asawa ko. Hindi, akin lang ang asawa ko.
"Are you okay?" Tanong ko dito habang nakasubsob parin siya sa dibdib ko at umiiyak, inabot ko ang kanyang noo at marahan itong hinalikan.
"Maaayos din ang lahat, Luna. I love you." Wika ko bago ito halikan muli sa noo.
BINABASA MO ANG
Till It Ends [Hermoso Series]
RomantizmFormer 'My Runaway Husband' Date: 6/4/16 (9:40 AM)