Part 2: MRH 27

1.2K 24 5
                                    

Nakarating na ng America sina Jonas at Luna, tumuloy sila sa tirahan ng mga magulang ni Jonas. Simula nang iwan niya ang Pilipinas ay tahimik na siya at hindi nagsasalita, iniisip niya parin ang pangyayari bago sila umalis. Ang pagmamakaawa ni Jaxon, ang pag-iyak ng kambal at ang galit ni Crystal sa kaniya. Tila nadudurog ang puso niya kapag naaalala ang galit sa mga mata ni Crystal. 

"Ayos ka lang ba?" Ngumiti siya ng tipid kay Jonas at tinulungan ito sa pag-aayos ng mga gamit nito sa kwarto. Hindi niya maaaring iwan si Jonas sa ganitong kalagayan, naging miserable ito dahil sa kaniya. 

Napaigtad siya ng maramdaman niya ang pagyakap nito mula sa likuran. 

"Huwag mo akong iiwan Sohvi, please." Humarap siya dito at nginitian ito. Hinaplos niya ang pisngi nito.

"Hindi kita iiwan, Jonas. Promise." Ngumiti na ito at nagpatuloy na sila sa pag-aayos. Hindi niya mainitindihan ang sariling nararamdaman. Gusto niyang samahan si Jonas ngunit binibiyak naman ang puso niya tuwing naiisip sina Jaxon na iniwan niya. 

Matapos nilang mag-ayos ay pumunta na siya sa kaniyang kwarto para mamahinga. Inabot niya ang isang bag at binuksan ito, kinuha niya ang journal na naroroon. Iyon ang journal na nakita niya noon sa bahay nina Jaxon, at doon niya nalaman na hindi siya si Solar, kundi siya si Sohvi Luna. 

Simula noon ay hindi niya na ito muling nabuklat, nahihiwagaan parin siya sa laman nito. Maaari kayang nakasulat dito ang mga nakikita niyang ala-ala sa utak niya? Naguguluhan siya minsan kapag may lumalabas na senaryo sa kaniyang isipan na hindi niya mawari kung totoo ba o hindi. 

Babasahin niya na sana ang nasa pangalawang pahina nang may kumatok sa pintuan. Agad niya itong tinapon pailalim sa kama at mabilis na pumunta sa pinto para pagbuksan si Jonas. 

"May kailangan ka ba?" Tanong niya agad rito habang sinisilip ang journal sa ilalim ng palihim. 

"Wala naman. Nagustuhan mo ba ang kwarto mo?" Pinatuloy niya ito at naupo sila sa kama. Tumango siya dito at ngumiti. 

"Bukas na ba ang schedule mo?" Tanong nito. Nakita niyang natigilan si Jonas at tumango rin matapos ang ilang segundo. Inakbayan niya ito at kinurot ang pisngi. 

"Huwag ka ngang kabahan! Nandito lang ako para sa'yo, okay? Kahit ilang taon ka pa sa rehab, nandito lang ako." 

---

"Bakit mo hinayaan na sumama siya sa kapatid mo!?" Napayuko nalang ako ng iyan ang salubong sakin ni Mom sa opisina. 

"Believe me Mom, we tried to convince her to stay with us pero buo ang desisyon niya na iwan kami at sumama kay Jonas." 

Sa tuwing naaalala ko ang eksena na iyon ay gusto kong magwala. Gusto kong umiyak. Para akong pinapatay sa nangyayari. Hindi naman ako ganito noon eh, ni wala akong pakialam kung umalis ka sa buhay ko. Pero simula nang dumating si Luna sa buhay ko, natuto akong magpahalaga at magmahal. Bullsht.

"Ang mga anak niyo? Ayos lang ba sila?" Ngayon ay lumambot na ang ekspresyon ni Mom. 

"They're not fine, Mom. Pinapakita nila sakin na ayos lang pero lagi ko silang naaabutan sa gabi na umiyak, lalo si Crystal. Ngayon na ngalang niya nakasama ang Mommy niya pero ganito pa ang nangyari." 

"Anong plano mo? Tutunganga ka nalang dito sa opisina mo at hahayaan na masira ang pamilya mo!?" Napahilamos ako dahil sa inis. Hindi ko na alam ang gagawin! Sumobra ang pagkakaluwag ko kay Luna kaya ngayon nakaya niya akong iwan! Nagawa niya kaming iwan ng mga anak niya!

"Hahayaan ko muna siya Mom. Magpapahinga lang ako. Gusto ko ring makapag-isip muna bago ako kumilos, simula nang dumating siya sa buhay ko ay hindi na ako nakakapag-isip ng tama. At kapag kaya ko na ulit, babawiin ko siya sa ayaw at gusto niya." 

"Sa totoo lang anak, sobra akong na-disappoint sa ginawa ng asawa mo pero may part sakin na naiintindihan ko siya. Naguguluhan pa siguro siya dahil sa mga nawalang memorya niya." 

"Sana nga ganoon lang Mom, sana ako parin ang mahal niya." 

Umalis na si Mom at naiwan na akong mag-isa sa opisina. 


---

[A/N: Short update lang 'to. Nag-iisip pa kasi ako kung dapat ko na bang wakasan ang istoryang ito at patayin nalang ang isa sa kanila. Hahaha joke. Anong gusto niyong maging kapalaran nila?] 

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon