Part 2: MRH 26

1.3K 21 0
                                    

"Matthew! Stephen! Princess! Let's eat our breakfast!" Masiglang pagtawag ko sa kanila, narinig ko naman ang mga yabag pababa.

"Good morning Daddy!" Masiglang bati ni Crystal at hinalikan ako sa pisngi.

"Good morning too Princess."

"Good morning Dad!" Sabay na bati ng kambal. Pinaupo ko na sila at hinanda ang mga niluto ko para ngayong umaga.

"Ako ang maghahatid sa inyo mamaya sa school." Sabi ko habang nilalagay ang mga ulam sa lamesa.

"Talaga Dad? Yes!" Napangiti naman ako at umupo na. Nagdasal muna kami bago kumain.

Habang kumakain kami ay nagku-kwento lang sila ng mga masasayang nangyayari sa school nila. These past few days ay puro masasayang kwento ang binabahagi nila, hindi rin nila binabanggit ang Mommy nila kapag magkakasama kami.

Pero kilala ko sila.

Bago ako matulog ay sinisilip ko sila sa kwarto, naabutan ko silang umiiyak habang hawak ang picture namin na magkakasama. Paulit-ulit na binibiyak ang puso ko sa nakikita ko.

Bakit ganito ang buhay namin? Bakit puro nalang problema?

"Dad?" Napatingin ako sa kanila at napansin ko na hindi ko pa pala nagagalaw ang pagkain ko. Nginitian ko lang sila at sinabihan na ipagpatuloy ang pagkain nila.

Pagkatapos naming kumain ay gumayak na kami at hinatid ko na sila sa school. Habang papunta ako sa opisina ay napansin ko ang playground sa tabi ng kalsada. Agad kong hininto ang kotse at pinark.

Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng maliit na playground. Wala parin palang pinagbago.

Naupo ako sa swing at napabuga ng hangin.

"Hindi ka na ba babalik, Luna?"

"Sinong kausap mo diyan?" Agad akong napalingon at nakita ang isang estudyante na kumakain ng ice cream.

"Ako ba ang kinakausap mo?" Takang tanong ko. Napairap naman siya at tumabi sa katabing swing.

"Ay hindi! Diba ikaw nga ang tinatanong ko kung sino ang kausap mo?" Napatawa nalang ako sa sinagot niya, oo nga naman. Mga kabataan nga naman ngayon.

"So Mr., anong problema?"

"Bakit ko dapat sabihin sayo?" Nakita kong umirap nanaman siya. Maldita ang batang 'to.

"Dahil maganda ako. Okay na?" Natawa nalang ako at napabuga ng hangin. Okay, suko na ako sa batang 'to.

"It's about my wife." Panimula ko.

"I knew it! Isa ka rin siguro sa nilamon ng pag-ibig 'no?" Napailing nalang ako sa term na ginamit niya. 'Nilamon ng Pag-ibig'? Wth.

"Ano namang tungkol sa asawa mo?"

"She left me. She left me and our children."

"Shoot! Ang sakit nga niyan. Ano naman ang dahilan? Lalaki ba?"

"She chose to be with my brother." At sinimulan ko nang i-kwento sa kaniya ang mga nangyari. Hindi ko alam kung bakit ko 'to sinasabi sa kaniya, maybe masyado na talagang mabigat ang dinadala ko.

"Aruy, masakit nga talaga 'yan." Reaksyon niya matapos kong i-kwento. Bigla na lamang naging seryoso ang mukha niya at nginitian ako ng tipid.

"Kung mahal mo, ipaglaban mo. Pero ilang beses ka ng lumaban diba? Hindi lahat ng sundalo, nananalo sa laban pero hindi ibig sabihin 'non ay sumusuko sila. Sabi mo nga may mga anak kayo, kaya mas dapat mong ipaglaban, hindi lang para sa'yo kundi para sa mga anak mo. Magpahinga ka lang saglit tapos kapag okay ka na, edi lumaban ka!"

Natigilan ako sa sinabi niya. Tama siya.

"Nakuha mo ba?" Bumalik ang pagkamaldita nito. Nginitian ko siya at tumango.

"Masyado kang maraming alam, ang bata bata mo pa. Pero salamat."

"Hindi ako tumatanggap ng salamat."
Sasagot na sana ako pero ngumiti siya at nagpatuloy.

"Gusto ko maging masaya kayo ng pamilya mo and kapag dumating ang araw na 'yon, tawagan mo ako." May binigay itong papel na naglalaman ng pangalan at numero niya.

Brazil Rose Castro
09-+-+-+-+-

Napangiti ako at tumango.

"Sige una na ako, basta ha!" At naglakad na siya paalis habang kumakaway sa akin.

"Ingat!" Ngumiti ako at kumaway rin hanggang sa hindi ko na siya nakita.

I can't believe na sa isang teen ager ako natauhan. That girl. Sigurado akong marami na siyang natulungan na tao.

-----

[A/N: Beep! Beep! Si Brazil Rose Castro po ang susunod na bida sa ating Hermoso Series. Ibig sabihin, malapit na tayong mamaalam sa MRH. Huhuhu. Thank you sa pagbabasa! *Hearts everywhere*]

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon