Part 1: The End 13

3K 40 13
                                    

Kanina ko pa tinititigan ang lalaki na nasa gilid ko at mahigpit na hinahawakan ang kamay ko. Bakit ba siya nandito?

Naalala ko ang katangahang ginawa ko, muntikan ko nang iwan ang mga anak ko! Napakamakasarili kong Ina!

Napapikit nalang ako habang patuloy na naglalandas ang aking mga luha. Paano kung natuluyan ako? Paano kung hindi dumating si Jaxon para iligtas ako? Edi hindi ko na masisilayan pa ang mga anak ko. Ang tanga-tanga ko!

"Luna?" Napamulat ang mga mata ko ng maramdaman ko ang pagtayo ni Jaxon.

"You're awake! Thank God!" Dali-dali niya akong niyakap at ramdam ko ang panginginig ng mga kamay niya habang hinahagod ang buhok ko.

Yayakapin ko na sana siya pabalik ng bigla siyang lumayo at hinawakan ang mga kamay ko.

"Kamusta na ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? O gusto mong makita ang kambal?" Taranta niyang tanong, umiling-iling lang ako at sinenyasan siyang umupo.

"Ilang araw ka ng tu--- teka, umiyak ka ba?" Ngumiti lang ako ng tipid at pinunasan ang mga luha ko.

"May nararamdaman ka ba? May masakit ba? Tell me, nag-aalala ako Luna."

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya na lalong nagpaiyak sa akin, tinakpan ko ng mga palad ko ang mukha ko habang naiyak.

Inupo naman niya ako at niyakap, patuloy lang niyang sinasabi na tumahan ako habang iyak parin ako ng iyak. Sobra akong nakokonsensya sa mga ginawa ko, pakiramdam ko ako na ang pinakamasamang tao.

"S-sorry." Pilit kong bigkas habang umiiyak, humigpit naman ang yakap niya sakin.

"Hindi mo kailangang mag-sorry, Luna. I understand, okay, I understand."

Hindi ko na napigilan pa at niyakap ko narin siya ng mahigpit.

--

Ilang araw narin akong gising at nakauwi narin kami sa bahay ni Jaxon, ang bahay namin.

Masaya na kami, nagkaayos na kami ni Jaxon pati narin ang mga anak namin.

Yun ngalang, wala akong trabaho dahil hindi ako pinayagan ni Jaxon. Kaya ayan, ako nalang ang natira dito sa bahay kasama ang mga kasambahay.

"HELLO LIL SIS!" Muntikan ko ng mabitawan ang vase na pinupunasan ko ng biglang may sumigaw, ang kuya ko lang pala.

Dinala ko ang vase sa salas at nagkunwaring ihahagis ito sa kanya, natatawa naman siyang umiwas at naupo sa sofa.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at nilapag na sa center table ang vase, ngumisi naman siya at napailing-iling.

"Nagkaayos lang kayo ng asawa mo, ayaw mo na akong makita?" Pagdadrama niya, natatawa ko namang hinagis ang unan sa kaniya at ayun tinamaan sa mukha ang loko.

"Ewan ko sayo, ang drama mo. Magpakasal ka na kasi!" Pang-aasar ko, sinimangutan naman niya ako na lalo kong ikinatawa.

"Tsk." Naiinis na inirapan niya pa ako.

"Sige ka, pag hindi ka pa nag-asawa sasabihin ko kay Mom na ipakasal ka sa iba." Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya napatawa ulit ako.

"Manahimik ka nga, lil sis." Nakangiti na niyang sabi, huh, sobrang bilis talaga niyang magpalit ng mood.

"Bakit ka nakangiti diyan?" Taas-kilay na tanong ko.

"Masaya lang ako para sa lil sis, dahil sa waka ay masaya ka na." Napangiti nalang din ako sa sinabi niya.

Tumayo na siya at bigla nalang akong hinigit patayo. "Tara, may pupuntahan tayo." Umangal naman kaagad ako pero hindi siya nakinig, kaya sumama nalang din ako hanggang sa makarating kami sa kotse niya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. Syempre dapat alam ko, nakajogging pants at t-shirt lang kaya ako.

"Malapit lang 'yon kaya relax ka lang."

Hindi nalang ako umimik at tama siya dahil ilang minuto lang ay narating na namin ang isang hotel na pagmamay-ari ni Jaxon. Huh? Anong ginagawa namin dito?

"Tara na!" Bumaba narin ako at sabay kaming pumasok. Ayos lang naman siguro 'tong suot ko 'no? Sa asawa ko naman ito. Asawa ko.

Pagpasok namin ay panay ang mga bati ng mga empleyado. Ngumingiti nalang ako at bumabati din sa kanila. Sa sobrang dami nilang bumabati ay hindi ko napansin na nakapasok na pala kami sa functional hall ng Hotel.

Pagpasok namin ay bigla nalang lumiwanag ang hall at nagsimulang tumugtog ang isang banda habang isa-isang nagpe-play ang mga pictures ko sa big screen.

Hindi ako makalakad sa sobrang gulat ko, kailangan pa akong itulak ni Eleven para lang mapunta sa gitna kung saan nakalagay na doon dapata ako tumayo.

Isa-isang nagsilapitan sakin ang mga taong naging parte ng buhay ko at nag-abot ng rosas, ang mga kaibigan ko noong Highschool at college pati narin ang mga kaibigan ni Jaxon. Sumunod naman ang kambal na nag-unahan pa sa pagbigay sa akin ng rosas kaya naman napatawa ako at ang mga tao dito.

Sa wakas, nakita ko narin siya. Si Jaxon na may hawak na tatlong rosas na kulay puti, dilaw at pula. Lumapit siya sa akin at iniabot ang mga rosas na tinanggap ko naman agad.

"Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng mga rosas na 'yan?" Umiling-iling naman ako habang hindi matanggal ang ngiti sa mukha ko.

Ngumiti naman siya at tinuro ang dilaw na rosas. "Yellow rose means forgiveness, gusto kong mag-sorry sa lahat ng ginawa ko sayo noon. Lalo na nung iniwan ko kayo ni Stephen, I was a jerk pero nagbago ako, at handa akong patunayan sa iyo 'yon."

Unti-unti nang tumulo ang mga luha ko katulad ng pagtulo ng luha niya.

Tinuro niya naman puting rosas. "That means purity and true love, mahal na mahal kita Luna. Hindi man ikaw ang first love ko, ikaw naman ang true at eternal love ko. I love you Luna, my wife."

Pinunasan niya ang luha ko at ang kaniya, tinuro naman niya ang pulang rosas.

"And lastly, red rose means love and respect. Kahit marami na akong ginawang katarantaduhan sa'yo, nirerespeto parin kita. I'm so invlove to you to the point na kaya kong ilaan sayo ang buhay ko para mapatunayan 'yon."

Humagulgol na ako ng iyak ng dahan-dahan siyang lumuhod at naglabas ng isanh box na naglalaman ng diamond ring.

Tumingala siya sakin at ngumiti. I can see happiness and love in his eyes.

"Will you marry me...again?" Natawa naman ako ng mahina ng biglang manginig ang mga kamay niya at halata ang kaba sa mukha niya.

Ngumiti muna ako ng matamis bago tumango at bumigkas ng "Oo", nanlaki ang mga mata niya at nanginginig na isinuot sa daliri ko ang singsing bago tumayo at yakapin ako ng mahigpit.

Matapos niya akong yakapin ay humiwalay siya at nagtatatalon.

"Yes! Yes! She said 'yes'! Stephen! Matthew! Ikakasal na ulit kami ng Mommy niyo!" Natawa nalang kami sa asta ni Jaxon na hanggang nayon ay nagsisisigaw parin habang natalon.

Niyakap naman ako ng kambal at yumakap narin si Jaxon. Nagkatinginan kami at ngumiti sa isa't-isa.

I'm so happy, ikakasal na ulit ako!

END

Chos! Hindi pa tapos 'to, mahaba-haba pa ang mga naiisip kong karugtong. 😂

Good night!

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon