Part 1: The End5

3.2K 57 4
                                    

Ilang araw na ang nakalipas, naikukwento ko kay Stephen ang tungkol sa kakambal niya. Gusto sana niyang makita si Matthew pero alam niyang hindi siya pwedeng makita ni Jaxon kaya hanggang tanaw nalamang siya minsan. Gustuhin ko man na ipakilala sila sa isa't-isa ay si Stephen na mismo ang umayaw dahil hindi niya rin gustong makita ang ama.

Hindi ko nga alam pero lately para bang lagi nalang akong bantay-sarado ni Jaxon, lalo kay Matthew. Kapag lalabas kami ni Matthew ay lagi siyang kasama at hindi niya hinahayaan na mapag-isa kami ni Matthew. Hindi kaya nakakahalata na siya?

"Tapatin mo nga ako, Jaxon. Pinagdududahan mo ba ako?" Hindi na ako nakatiis na harapin siya at tanungin, halatang-halata naman kasi sa mga kilos niya na nagdududa siya.

Hindi siya makatingin ng diretso sa akin kaya napahampas ako sa lamesa niya. "Ikaw pa ang nagduda? Hindi ba dapat ako dahil ako ang iniwan mo noon?!" Naiinis kong sumbat, tiningnan naman niya ako at napabuntong hininga.

"Okay, I admit na nagdududa ako dahil narin masyado mo akong mabilis napatawad."

"Gaano ka kasigurado na napatawad na kita Jaxon? Oo, maayos ang pakikitungo ko sayo dahil may respeto naman ako sa kasal natin, at sa anak natin tapos ikaw pagdududahan mo lang ang mga kilos ko?"

Wow, pwede na akong mag-artista.

"Sabihin na natin na hindi mo pa ako napapatawad pero hindi ako nakakasigurado na hindi mo ilalayo sakin ang anak ko, bigyan mo ako ng assurance na hindi mo siya ilalayo sa akin."

"Wala akong matitirhan na maayos, ni minsan nga hindi ako nakakakain tapos sasabihin mo na ilalayo ko sayo ang anak natin? Para ano? Para lumaki sa hirap ganoon ba? Minsan nga naiisip ko na maganda palang inilayo mo siya sakin dahil baka puro hirap lang din ang ranasin niya." May diin ang huli kong sinabi, dahil yun ang totoo. Kung hindi niya sinama si Matthew ay baka puro hirap din ang naranasan nito katulad namin ni Stephen.

Hindi naman umimik si Jaxon at parang may malalim siyang iniisip. Tsk, alam kong si Zachary ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ngayon si Jaxon, baka sinabi na ng gagong iyon ang pagkikita namin. Knowing that guy, masyado siyang galit sa akin.

"Si Zachary ba ang nagsabi sa'yo niyan?" Napatingin naman siya sakin.

Nagkunwari akong nanghihina at napaupo sa upuan sa tapat niya. "Sabi na nga ba at babaliktarin niya ang istory." Nakita ko namang nangunot ang noo niya. "Bakit? May nangyari ba?" Tanong niya. Tumango naman ako ng dahan-dahan.

"Nagkita kasi kami kahapon sa Mall, kakamustahin ko sana siya pero nagulat nalang ako ng magsalita siya ng kung ano-ano at sinasabi niyang huwag na akong lalapit sa inyo ni Matthew dahil naghihiganti lang naman daw ako." Tumigil ako at nagkunwaring umiyak, lumapit naman siya sakin at niyakap ako.

Humarap ako sa kaniya habang lumuluha. "I swear Jaxon, hindi ako naghihiganti sayo. Gusto ko lang na makasama ka at ang anak natin."

Pinunasan naman niya ang mga luha ko at marahan akong hinalikan sa noo. "Shhh, stop crying now Luna. Naniniwala ako sayo, okay? Pasensya ka na kay Zach, baka problemado lang siya. Sayo naman ako naniniwala eh." Niyakap niya ako ulit at gumanti naman ako ng yakap.

Napangisi naman ako.

Sakin ka lang maniwala, Jaxon. Ikaw naman ang gagawin kong uto-uto ngayon.

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon