Part 1: MRH 20

1.6K 20 3
                                    

Hanggang ngayon ay hindi parin ako naniniwalang wala na ang asawa ko. Huling burol niya na ngayon ngunit walang nakalagay na abo sa jar dahil wala namang natagpuan na bangkay niya.

Hindi ako ang nagplano nito kundi ang biyenan ko. Nakatulala lang ako sa buong burol niya, mabuti na lamang at nandiyaan si Eleven para alagaan ang mga anak ko.

Hanggang ngayon ay tandang-tanda ko parin ang huli naming tagpo ng asawa ko. Hinayaan ko siyang mamatay sa harapan ko, ni hindi ko siya nagawang iligtas.

Napaka-walang kwenta kong asawa!

"ARGH!" Hindi ko na napigilan pa ang nararamdaman ko. Napahagulgol na ako habang yakap-yakap ang litrato niya.

Wala na akong pakialam kung makita man nila akong umiyak. Ilang araw ko ng tiniis ang nararamdaman ko.

Lumapit agad si Mommy sa akin at niyakap ako pero hindi parin gumaan ang pakiramdam ko.

"Shhh. Everything will be fine, anak." Umiling-iling ako sa sinabi ni Mom.

"Hindi ko na alam Mom. Kasalanan ko ito eh! Hinayaan ko siyang mamatay sa harapan ko! Ang gago ko! Wala akong kwenta!"

Nagwawala na ako habang sinasabunutan ko ang sarili ko. Pinipigilan na ako ng mga tao pero hindi ko na talaga kaya. Gusto ko nalang na mamatay rin kasama ang asawa ko.

"Tumigil ka nga Jaxon!" Napatigil ako sa sigaw ng biyenan kong babae. Umiiyak siya habang karga-karga ang anak ko.

"Tigilan mo ang paninisi sa sarili mo! Aksidente iyon at alam kong hindi ka sinisisi ng asawa mo! Nawalan rin kami, Jaxon. Masakit sa amin na mawala ang anak ko, ang ina ng mga anak mo. Isipin mo naman sila, Jaxon. May mga anak pa kayo, may rason ka pa para mabuhay. Magiging masaya ang asawa mo kung aalagaan mo sila at hindi mo ikukulong ang sarili mo sa pagkawala niya."

Lalo akong napahagulgol sa sinabi ng biyenan ko. Tama siya, may nga anak pa kami. Agad kong kinarga ang bunso namin at niyakap ito ng mahigpit. Naramdaman ko din ang yakap ng kambal.

"I promise, Luna. Aalagaan ko ang mga anak natin." Mahinang bulong ko habang nakatingin sa litrato niya.

Alam kong kahit hindi na namin siya makikita pa, nandiyan lang siya at binabantayan kami.

Mahal na mahal kita Luna, ikaw lang.

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon