Part 2: MRH 32

1.2K 31 5
                                    

Dito na ulit nakatira si Luna sa bahay namin. Maayos na sila ng kambal at kadalasan ay sila ang magkakasama, minsan naman ay makikisali si Crystal pero hindi rin ganoon nagtatagal.

Kami? We're civil. Hindi katulad noon na halos hindi kami mapaghiwalay, syempre wala naman siyang naaalala about out past kaya hirap pa siguro siya na pakisamahan ako at ganoon din ako sa kaniya. Ayoko kasing pilitin siya sa ayaw naman niya.

Nabalitaan ko rin na naging maayos ang Teachers Day na pinagplanuhan namin dati na sana ay araw na magpo-propose ako kay Luna pero umalis siya ng bansa. Ganon talaga, may mga bagay na hindi natin kayang kontrolin.

Naiwan sa bahay namin ang mag-iina ko dahil nasa Cebu ako for business matters, gusto ko sana silang isama pero ayoko namang sirain ang bonding nila.

"Ya, maayos na ba kayo ng asawa mo?" Napatunghay ako at nakita si Celine na kasama ang asawa niya. Tinanguan ko sila at pinaupo sa tapat na upuan ng lamesa ko.

"Bakit kayo nandito Celine?" Nakita kong napangisi ang asawa niya habang si Celine naman ay namumula na ang mukha.

"We came here for our third honeymoon, pare." Napatawa naman ako sa sinagot ng asawa niya saka tiningnan ng mapang-asar si Celine.

"Ch-che! Sagutin mo muna yung tanong ko kundi makukurot na kita!" Nahihiya nitong saway samin. Natatawa nalang kaming napa-iling sa inaasta niya.

"We're fine."

"Anong 'fine'? Linawin mo nga!" Nakataas kilay na tanong ni Celine.

"Fine. As in hindi kami nag-aaway or nagtatampuhan. More like civil or friends." Nagulat naman ako ng hampasin niya ako ng pamaypay, saan nanaman ba galing 'yon? Tsk.

"Napakabagal mo talaga Jaxon! Aba ----" Agad tinakpan ng asawa niya ang kaniyang bibig para patigilin sa pagsasalita.

"Una na kami pare, baka tadtadin ka pa ng mga mura nito." Natawa naman ako at nagpaalam na sila para umalis.

Wala nang problema sa mga tao sa paligid ko. Si Jonas naman ay patuloy parin ang treatment sa rehab, sabi sakin nina Mommy ay mabilis daw itong nakakasabay pero lagi parin daw nitong hinahanap ang asawa ko.

Busy ako sa pagpirma sa mga papel ng biglang tumunog ang personal phone ko at nakita ko ang pangalan ni Luna. Agad ko itong sinagot dahil tumatawag lang naman siya pag may nangyayari.

"Hello?" Nakarinig ako sa background ng pagsinghot na para bang umiiyak.

"Hello? May problema ba?" Kinakabahang tanong ko.

"J-jaxon! S-si Crystal!"

"What!? What happened!?" Natataranta kong tanong.

"K-kritikal siya ngayon-- kailangan niya ng d-dugo mo Jaxon!"

"Fck! Papunta na ako diyan, okay?!" Agad kong binaba ang tawag at tumakbo palabas ng opisina, tinawagan ko agad ang piloto ng private plane ko para sabihan na uuwi na kami ngayon.

Hindi ko na nagawang mag-empake ng gamit kaya tanging cellphone at mahahalagang cards lang ang dala ko.

Habang nasa eroplano ay hindi ako mapakali kaya naman nang makababa kami ay agad kong tinungo ang kotse at sinabihan ang driver na sa Hospital agad kami dumiretso.

Bawat segundo na lumilipas ay pakiramdam ko mawawala sakin ang anak ko. Hindi pwede! Sht.

Pagdating ko sa Hospital ay agad akong pinuntahan ng isang staff at dinala sa Emergency room kung nasaan ang anak ko.

"Jaxon!" Sinalubong agad ako ni Luna at ng kambal na halatang kanina pa umiiyak.

Nakita ko agad ang Doctor at nilapitan.

"Nasaan na ang anak ko!? Dugo ko ang kailangan diba? Tara na! Kuhanin mo na kahit lahat ng dugo ko!" Agad naman siyang sumunod.

Habang kinukuhanan ako ng dugo ay todo dasal ako na sana hindi kuhanin ang anak ko, na sana ay maging masaya pa kaming pamilya.

Nang matapos ang ilang minuto ay natapos na ang pagkuha sakin ng dugo kaya kahit na nanghihina ako ay agad din akong lumabas para puntahan ang mag-iina ko sa Emergency room.

"What happened to your sister?" Tanong ko sa kambal, parehas silang lumuluha at hindi makapagsalita kaya naman hinarap ko si Luna na kanina pa nakatulala.

Hinaplos ko ang pisngi niya at tiningala sa akin. "What happened to our daughter, Luna?" Malumanay na tanong ko, biglang lumabas ang mga luha sa kaniyang mga mata at mahigpit na yumakap sa aking bewang.

"K-kasalanan ko! A-ang pabaya ko, n-napakawala kong k-kwentang Ina---" Niyakap ko siya ng mahigpit at hinaplos ang kaniyang buhok.

"Shh, walang may kasalanan sa nangyari Luna. Magiging ayos din ang anak natin."

Mas yumakap pa siya sakin, inantay kong tumahan siya saka siya lumayo sakin at pinaupo ako sa tabi niya.

"P-pumunta kami ng Park ng mga anak natin, p-pero habang papatawid kami ay hindi namin napansin yung k-kotse kaya -- kaya muntikan na akong mabangga pero si Crystal! N-niligtas niya ako, t-tinulak niya ako kaya siya ang nabangga!" Muli nanaman siyang umiyak pagkatapos i-kwento ang nangyari.

"H-hindi tumigil yung kotse at di rin namin nakuha ang plate number p-pero natatandaan ko ang sticker sa likod noon." Dugtong niya, muli ko siyang niyakap at pinatahan.

"Wala kang kasalanan, Luna. Kagustuhan ni Crystal na iligtas ka dahil mahal ka ng anak natin, lumayo man ang loob niya pero hindi nawala ang pagmamahal niya sayo kaya huwag mo ng sisihin ang sarili mo." Tumango-tango ito at namalayan ko na lamang na bumibigat na siya. Pagkasilip ko sa kaniyang mukha ay nakatulog na siya.

Ilang saglit pa ay lumabas na ang Doctor at sinabing ligtas na ang anak namin. Para akong nakaahon sa hukay nang ssabihin niya iyon. Inilipat agad si Crystal sa Private room na pinahanda ko para doon na gawin ang iba pang obserbasyon na gagawi sa kaniya, alam ko naman na ayaw ng anak ko sa Hospital.

Binuhat ko narin ang asawa ko at sinabihan ang kambal na sumunod na samin sa kwarto ni Crystal. Pagkarating namin ay agad kong inihiga si Luna sa sofa at tumabi sa aking anak.

Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan ang kaniyang mukha. May benda ang ulo niya at mayroon ring mga galos sa kaniyang katawan.

Ito ba ang daan para magkaayos na kaming lahat?

"Malapit na tayong maging masaya anak, kaya salamat dahil hindi ka sumuko agad."

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon