Part 2: MRH 11

1.5K 33 6
                                    

Solar

I don't know why kung bakit ganito ang pakiramdam ko kapag nandiyaan si Jaxon at ang mga anak niya. Nakilala ko na ba sila noon? Hindi naman iyon imposible dahil kapatid ni Jonas si Jaxon.

Argh! Bakit ba kasi wala akong matandaan? Binibigyan naman ako ng gamot ni Jonas pero hindi naman ito umeepekto. I tried consulting other doctors at sabi naman nila ay may chance na bumalik ang alaala ko.

Kakagaling ko lang sa opisina ni Jaxon kaya nandito ako sa Mall malapit doon. Babalik pa kasi ako mamaya.

Actually, ngayon lang ako nakapaggala ng ganito. Wala si Jonas at walang nagbabantay sa akin.

Habang nagtitingin-tingin ako ay may napansin akong isang lalaki na naka-upo sa bench malapit sa kinatatayuan ko. He looks very familiar pero hindi ko maalala.

Bigla itong napatingin sa gawi ko at nakita ko ang gulat sa mukha niya. Ha? May multo ba? Lumingon ako sa gilid at likod pero ako lang naman itong hindi kumikilos at sa akin siya nakatingin.

Uh, siguro hindi naman ako diba?

Iniwas ko na lamang ang tingin at nagsimula na ulit maglakad. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay may humigit sa braso ko.

"Ahhhh---" Naputol ang tili ko ng takpan niya ang bibig ko, natigilan naman ako ng makita ang gwapong lalaki sa harapan ko.

"Sino ka?" Pagtatakang tanong ko, ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko at basta nalang akong niyakap. Somehow, biglang gumaan ang pakiramdam ko sa yakap na iyon.

"Sohvi, my princess." Narinig ko ang panginginig sa kaniyang boses, naiilang naman ako na tumitingin sa mga tao. Nako, baka isipin nila na pinapaiyak ko itong si Kuyang gwapo.

Wait. Sohvi? Yun din ang tinawag sakin ni Jaxon noon diba?

"Ah-eh, h-hindi po ako si Sohvi." Magalang na sagot ko, humiwalay naman ito at natatawang pinunasan ang kaniyang mga luha.

"Sorry, hahaha. I'm Eleven by the way." Ngumiti naman ako at pinunasan ang kaniyang luha gamit ang panyo ko, bago inilahad ang aking kamay.

"Ayos lang. Solar nga pala." Ngumiti ito ng matamis at nakipag-kamay pero hindi na niya ito binitawan pa. Ang init ng kamay niya, na para bang pinoprotektahan niya ako sa lahat. Bakit? Sino ba siya?

"Pahawak muna sa kamay mo ha? Kamukha mo kasi yung kapatid ko, kaso wala na siya." Nalungkot naman ako sa narinig, kaya naman pinagsiklop ko ang aming mga kamay.

"Okay, 10 pesos kada minuto ha." Pagbibiro ko na ikinatawa naman niya.

It's so strange na nakakakilala ako n mga taong napapagkamalan akong si 'Sohvi'. Sino ba talaga si Sohvi? Or should I say, sino ba talaga ako?


Papunta kami ngayon sa mansion nina Eleven. He told me na may asawa at dalawang anak na siya, pero doon parin daw sila nakatira sa mansion ng mga magulang niya.

Napapayag niya akong sumama dito after akong payagan ni Jaxon kasi dapat ay nasa opisina na niya ako. Magkakilala pala sila ni Jaxon kasi nagtatawanan pa sila sa tawag kanina.

Hindi ko nga alam kung papaano niya ako napapayag na sumama sa kaniya. Pero alam ko naman na mabait siya.

Pagkarating namin sa tapat ng mansion nila ay nakaramdam ako ng ginhawa. Na para bang matagal na akong nakapunta dito.

"So, anong masasabi mo?" Nakangiti niyang tanong nang buksan niya ang pinto ng kotse. Lumabas naman ako at inilibot ang tingin sa mansion nila.

"Home." Biglang sabi ko. Nakita ko ang pag-aliwalas ng mukha niya at hinigit na niya ako papasok.

Ni hindi ko pa nalilibot ang paningin ko dahil sa bilis niyang maglakad, nakarating kami sa garden kung saan nandoon ang dalawang bata, isang babae at dalawang may edad na mag-asawa.

"Mom. Dad." Pagtawag ni Eleven sa kanila, agad napalingon ang mag-asawa at bigla itong naluha ng makita.... uh ako?

Hindi na ako nakakilos pa ng tumakbo ang mag-asawa patungo sakin at niyakap ako habang sila ay umiiyak. Natataranta ko namang hinahagod ang kanilang likod.

Hala, pinaiyak ko ba sila?

"Mom, Dad tinatakot niyo naman si Solar." Sabi ni Eleven na nakaakbay na sa kaniyang asawa. Ngumiti naman sa akin ang babae at kumaway.

Hinarap ko ang mga magulang ni Eleven na humiwalay na sa yakap.

"Anak, buhay ka nga." Naluluhang sabi ni Madam, naguguluhan man ay pinunasan ko ang luha nito at ngumiti.

"Please don't cry Madam, sayang po ang ganda niyo." Pang-aalo ko, napatawa naman siya at hinawakan ang kamay ko.

"Sorry kung umiiyak ako, namimiss ko lang kasi ang prinsesa namin." Ngumiti lang ako at tumulong sa pagpunas ng kaniyang mga luha.

"Kumain ka na ba? Gusto mo bang saluhan kami?"

"Hindi pa po eh." Nahihiya kong sagot, ngumiti naman sila at hingit na ako papunta sa Dining area.

Hindi ko alam per pakiramdam ko ay unti-unting nabubuo ang pagkatao ko. Magaan ang loob ko sa kanila, na para bang sila ang pamilya ko.

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon