Part 2: MRH 6

1.6K 25 3
                                    

Simula nung Mother's day event ay lagi ko ng sinusundan at sinasamahan ang asawa ko. Ang sarap sabihin na asawa ko siya.

"Wala ka bang trabaho?" Pinaymawangan niya pa ako ng bumungad ulit ako sa classroom niya. Natawa naman ako at tuluyang pumasok.

"Para sayo, wala." Sagot ko at nilapag ang white rose sa ibabaw ng mesa niya. Napatingin siya dito at nangunot ang noo, pero maganda parin.

"Pupunuin mo talaga ako ng rosas 'no?" Naiiling na sabi niya at nilagay ang rosas sa vase na binili ko para sa kaniya, doon niya nilalagay lahat ng rosas na bigay ko.

"Lunch date tayo?" Paanyaya ko, gusto ko talagang lagi siyang makasama. Masyado na bang clingy? Hahaha.

Bumagsak ang balikat ko ng umiling siya sa paanyaya ko.

"Hindi ako pwede ngayon, Jaxon. May lunch date ako with my friend." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Sinong friend naman kaya?

Nasagot ang katanungan ko ng bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking kilalang-kilala.

"Hey Jonas." Nakatitig lang ako sa kanila habang magkayakap sila. Siya?

"Nga pala Jaxon, he is Jonas. Friend ko na isang cardiologist." Tumayo ako at hindi mapigilang yumukom ang kamao ko. How dare he.

"Of course I knew him, Solar. Long time no see bro." Malamig na sabi ko, halata ang gulat sa mukha ng kapatid ko at kalituhan sa mukha ni Luna.

"Bro? Magkapatid kayo?" Naguguluhang tanong ni Luna, tumango ako sa kaniya at tinap ang balikat ni Jonas.

"Nice game, bro. I'll never let you win this time." Yun nalang ang sinabi ko at umalis na.

I can't believe this! All this time ay nasa kaniya lang pala ang asawa ko! Nakita niya kung gaano naghirap ang mga pamangkin niya sa pagkawala ni Luna tapos malalaman ko nalang na siya ang naglayo nito samin? He'll pay for this.

Agad akong pumunta sa bahay ng mga magulang ko, naabutan ko sila sa garden na magkausap. Despite of their age, makikita mo parin ang pagmamahal sa kanila.

"Mom. Dad." Sabay silang napalingon at agad akong sinalubong ng yakap at halik ni Mommy.

"Na-miss kita anak! Ang tagal mong hindi bumisita dito." Pagtatampo pa ni Mom, napangiti ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Sorry Mom, naging busy lang sa asawa ko." Sabay namang nanlaki ang mga mata nila. Okay, alam ko na ang iniisip ng mag-asawang 'to.

"Honey, dalhin na natin sa Mental ang anak natin." Bulong ni Mom kay Dad na agad namang sinang-ayunan ni Dad kaya napasimangot ako.

"I'm not crazy, Mom. Natagpuan na namin si Luna at hindi pa siya patay. Look." Binigay ko sa kanila ang phone at pinakita ang wallpaper ko, ang bagong family picture namin.

"Omg! Paano nangyari 'to?" Gulat na reaksyon ni Mom at doon ko sinimulang i-kwento ang natuklasan ko.

"Ano bang pumasok sa utak niyang si Jonas!?" Galit na sabi ni Dad matapos kong i-kwento sa kanila ang lahat.

"Paano niya ito nagawa sa mga pamangkin niya!" Hindi narin napigilan ni Mom ang nararamdaman.

"I don't know either Mom. Diba dati silang magkasintahan? Baka gusto niyang agawin sakin ang asawa ko." Gigil na sagot ko.

Napahawak naman sa noo si Mom at halatang hindi kinakaya ang nalaman.

"Diba naghiwalay sila dahil nambabae siya? Kasalanan niya kung bakit sila nagkahiwalay tapos gagawin niya ito?!" Napatayo na si Mom sa galit kaya naman agad siyang dinaluhan ni Dad.

"Kumalma ka Mahal, maaayos din 'to." Bumaling sa akin si Dad.

"Tutulungan ka namin anak, sabihan mo narin ang mga byenan mo tungkol dito." Tumango ako at nagpaalam na sa kanila.

Humanda ka Jonas, hindi ko hahayaang mapunta sayo ang asawa ko.

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon